EPIC FAILED BABY GENDER REVEAL😅 Way back August 11, 2017 nagpa gender reveal kami kasabay ng birthday ng hubby ko. And we based it sa ultrasound result ko. Ang saya ko kasi baby girl. To the point sa sobrang excited ko namili na kami ng mga gamit ng baby, puro pang baby girl😅 Around November, my OB requested for another ultrasound. At dun ako nanlumo, it turned out to be a baby boy😅 Hindi dahil sa ayaw ko ng baby boy, sa amin naman importante is healthy at walang sakit. It's just nanghinayang ako sa mga gamit na nabili namin. Iba talaga mag biro ang panahon. Napailing at napatawa nalang talaga ako that time. Kasi noong nanganak ako kay kuya Gian, he's wearing pink baru-baruan. Tapos yung mga pinamili ko mga damit na pang baby girl talaga, pinamigay ko sa charity ward sa isang nanay na nanganak din doon sa hospital.❤️
No comments yet