Hello noiser... Katatapos lang magluto ng ulam, Bangus (Milk Fish) Steak with Tofu. Usually pag nagluluto ako, mahilig talaga ako mag explore. Adds on ng gulay or something na babagay sa niluluto ko. Ang pagluluto naman hindi kailangan sundin kung ano nakalagay sa recipe. Kung baga nasa sayo yan kung paano mo siya lulutuin. Iba-iba naman kasi tayo ng pamamaraan ng pagluluto kaya okay lang. Ang importante magustuhan ng mga mahal natin sa buhay yung inihanda natin na pagkain para sa kanila. Payak o bongga, basta may kasamang pagmamahal nagiging espesyal na rin yan. Happy dinner everyone!
No comments yet