Ever since the pandemic started last year, maraming bagay tayong nagawa na inaakala natin hindi natin kayang gawin. O dahil siguro napaka convenient lang kung bibili nalang tayo o ipapagawa sa iba. At dahil pandemic masyadong limited yung pwedeng gawin sa labas. Kaya naman, nandiyan yung natoto tayo mag gupit ng buhok ng mga anak natin. Natotong magbake at kung ano ano na maisipan natin gawin. At lalong lalo na pagdating sa mga special events. We usually celebrate it in a resto kasi nga mas convenient. Pero ngayon pati pag set up o magdecorate ng mga birthdays ng mga mahal natin sa buhay kinakaya na rin natin. Ultimong pang giveaways tayo na rin gumagawa na dati inaasa lang natin sa iba. Nang dahil sa pandemya na to marami tayong realization, nandiyan kung gaano ka importante ang oras at panahon na pwede natin ilaan sa mga bagay na magpapasya sa atin kasama ang mga mahal natin sa buhay. Ito yung 1st birthday ng daughter ko last year, na ako mismo gumawa lahat ng decorations at pang giveaway. Sobrang effort ko talaga dyan kasi gusto ko maging special yung araw na yan.
1 comment
Very creative siss. Iba talaga pag nag effort para sa taong minamahal