Chinese garter, sinong di nakakaalala sa laro na yan? Mapa babae o lalaki na bata noon naglalaro niyan dati. Dead-Mother-Dead-All tayo😅 Naalala ko noong bata pa ako after school hindi pwedeng hindi ako makikipaglaro sa mga classmates ko ng chinese garter. Nakakatawa pa kasi pag sobrang taas na ng garter kailangan ko pa tumambling or mag cartwheel para lang makatawid sa kabilang side. Nakakamiss din balik balikan yung mga panahon mga bata pa tayo. Na ang problema lang natin kung paano makakatakas sa mga magulang natin para makapaglaro dahil ayaw natin matulog ng tanghali. Sayang nga lang kasi hindi na naranasan ng mga kabataan ngayon yung laro na sa kalsada lang pwedeng laruin. Lalo na sa panahon ngayon na bawal sila lumabas. 📷 https://www.pinterest.ph/pin/542543086337999887/
3 comments
oo na try ko din naman mam
Dba sir masaya talaga yung panahon natin. Yung laro natin pwedeng pambabae at panlalake walang gender gender nun. Basta masaya tayo naglalaro.
tama mam, kahit mag amoy araw na pag uwian hehehe