Hay di pa rin ako nakapag pavaccine. We decided to go to Lucky Chinatown around 12am, since may nag message sa kin na may mga pumipila na. Pero pag dating namin dun grabe😓 Sobra haba na ng pila. Umabot na siya hanggang Juan Luna ng 168 mall. Tapos nagpapauwi na yung mga pulis na sa tingin nila hindi na aabot sa bakuna. Nakakapagod, yung nag taxi ka papunta dun tapos ganun wala na pala 😅 Para akong nabudol kagabi, napapunta nalang kami ng 7-Eleven dahil ginutom ako sa paghanap kung saan yung last pila😂 Try nalang siguro ulit mamaya kung may schedule ulit mamaya. Pag meron, pagka announce palang pupunta at pipila na talaga ako. Ewan ko nalang😆 Anyways, good morning pa rin po mga kanoise. Happy Thursday, simula na ngayon ng ECQ sa NCR. Kaya may araw na naman yung paglabas para bumili ng mga kailangan sa bahay. Since last number ng QPass ko is odd number, araw ng labas ko ngayon. Kaya mag grocery ako later. Luto muna ako😁
4 comments
Grabe naman wala pang registration sa inyo mam. Sa amin kasi online, tapos wait nalang text nila.
May online registration sir kaso hindi na nag aantay ng schedule. Walk in na. Kasi nung may schedule hindi naman nagsisipuntahan kaya pinayagan na yung walk in basta dala yung registration copy.
Ah pwede pala. Sa amin mga senior nalang pwede mag walk in. No text confirmation wala name mo sa master list nila. May nakasabay ako wala magawa uwi nalang siya.
Yes sir, sana nga pwede na rin kumuha ng slot online para maiwasan yung pagpilang ganyan. Yan nga iniiwasan eh kaso walang sistema dito nakakainis lang