Good morning noiser, happy Wednesday. Kumusta po? Medyo nabusy ako kahapon kaya pasilip silip lang ako dito. Update sa check-up yesterday, so far ok yung last laboratory tests na ginawa noong Saturday kay hubby. Big improvement, sabi ng doctor obserbahan daw ng 1 week. Kung pwede daw is mag staycation kami para magkaroon siya intervention. Stress kasi sa work since nalipat na siya ng site. Kaya nakakaawa lang na nagkasakit siya dahil sa work niya. Sabi nga ng doctor kung hindi na talaga healthy para sa kanya, kailangan niya na maghanap ng ibang work. Ang hirap lang kasi sa panahon ngayon, maraming nagkukumahob makahanap ng trabaho. Maybe kailangan lang talaga niya ng break, vacation. Simula kasi nagtrabaho siya sa company na pinagtatrabahuan niya never pa siya nag leave para magbakasyon. The last time nakauwi kami sa probinsya is 2 years ago pa noong namatay yung tita niya. Tapos nagka pandemic pa, kaya super stress talaga. Today pumasok na siya, kasi kaya naman na daw niya at nakapagpahinga na rin naman siya ng 1 week. At dahil advice ng doctor na mag staycation kami. Naghahanap ako sa Agoda or Trivago na pwede namin tuluyan, it's either Baguio or Tagaytay lang. Kaya yan nalang plano namin for this coming Christmas. Anyway kain po tayo...
No comments yet