read.cash Log in
@Germhel more from that month

Finally, na picked up na yung inorder na preloved Mini Mel Sandal ng anak ko. Tuwang-tuwa si buyer kasi naship out ko agad itong order niya. At excited na daw siya mareceive para magamit na ng baby girl niya. Mga nanay ngayon mga wais na talaga. Imbes bumili ng brandnew, bumibili nalang ng preloved. Which is okay, as long maganda pa naman, bakit hindi. Tsaka sa panahon ngayon, dapat lang talaga maging wais tayo. Mabilis nalang kasi lumaki mga bata ngayon, mabilis nila kaliitan mga gamit kagaya ng mga sapatos. Masaya ako na meron ng bagong may-ari pinagkaliitan ng anak ko. At meron na rin akong pambili ng pamalit sa gamit ng baby girl ko. Ika nga pag may nawala, may darating na kapalit😊

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.