read.cash Log in
@Germhel more from that month

Paper doll, sino mahilig maglaro sa inyo nito dati? Isa ito sa mga gustong kong laruin noong bata pa ako. Dati naaalala ko nanghihingi kami ng carton ng sigarilyo ng mga kaibigan ko para makapag gupit lang ng paper doll at ng mga damit. Though dati may nabibili na rin naman na paper doll, pero mas gusto ko pa rin yung ako mismo yung gumagawa kasi doon lumalabas yung creativity ko. Buti nga ngayon may printable na makukuha online, samantala dati mano mano yung pag gupit. Kaya pag laki ng anak kong babae, ituturo ko rin sa kanya kung paano gumupit ng paper doll para kahit paano ma experience niya yung mga nilalaro ko dati at maging creative din siya. Marami na kasing mga laro na instant nalang nalalaro ng mga kabataan ngayon. Me as a parent, gusto ko pa rin yung mga laro dati. Gusto kong ipalaro sa mga anak ko yung mga nilalaro ko noong bata pa ako. Magandang bonding yun para sa mga anak natin. ©Photo not mine

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.