read.cash Log in
@Gerl more from that month

Dahil sa distractions, pinalabas ko na siya, diyan muna siya sa labas mag aral magbasa. Kapag ganitong oras kasi talagang puro trabahong kusina ang ginagawa ko. Ayoko naman na buong oras ko sa kusina ay buong oras din sila naglalaro. Pinag hiwa hiwalay ko muna ang tatlo kong anak. Yung isa naglalaro siya at yung panganay nag self study muna siya at itong Grade 1 ko nagbabasa. Proud mom syempre ako dahil isa sa mga naging problema ko itong isa na hindi marunong magbasa. Pero dahil sa pasensya at tiyaga namin parehas ay marunong na siya magbasa ngayon. Kinting ensayo pa para bumilis sya sa pagbabasa. Tomorrow Friday, naka-schedule sya ng reading intervention online with his teacher.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.