Halos ilang oras akong nanuod ng documentaries about sa mga homeless na pamilyang Pilipino. Nakakaiyak yung buhay nila. Yung iba kasi kasalanan talaga ng mga magulang kung bakit nagging ganon sila at meron din naman kasalanan na mismo ng anak bakit nakalakihan nila ang ganong buhay. May mga nakakainis katulad nalang kung isang pamilyang homeles na nga tapos tinulungan syang magkabahay, aba ang ganda ng bahay tinalo pa yung mga nagrerent lang ng apartment pero di naman inaalagaan yung bahay. Kapag ganon dapat itigil yung pagtulong tapos ibaling sa ibang mga mas nangangailangan na marunong magpahalaga at may gratitude talaga sa mga tumutulong. Maraming aral ang matututunan talaga sa mga documentaries...
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet