Good morning! Kape muna ☕ habang naglalaro. May kaagaw ako sa phone, ginagawang dahilan ang alphabet. Magddrawing daw syang venom abc 🤣 Hay naku, bago na naman na napagtripan idrawing si Venom.
@Gerl in May 2022
Kain tayo...ang sarsarap kapag bigay lalo na yung matanda ang nagluto. Pero sabi ng anak ko mas masarap ang luto ko, proud anak hehe..sari saring gulay , may broccoli, sayote, carrots at repolyo, may tokwa, pork, chicken at atay ng baboy. Sarap!
May 1, Labor Day. May rest day po ba kayo? Swerte nung may mga pahinga ngayon at syempre mas swerte yung may mga pasok padin😁. Sana buwan buwan may labor day ano, para yung mga nagtatrabaho na halos walang pahinga nabibigyan din pahinga talaga lalo na dun sa mga company na sobra sobra magbigay ng overtime pati Holiday may pasok padin. May mga ganong Company hanggang ngayon kahit bawal...
Tara kain na tayo. Konti pa yang patatas na yan. Dapat marami kasi talagang patatas ang pinapakain ko sa mga anak ko kapag karne ang alam. Kaya lang ang mahal ng bilihin ah. Kahapon lang ulit ako nakapunta ng palengke after 2 years, laki pala ng pinagbago haha!
Ayaw pa paawat ng batang ito. Sabi ko matutulog na kami, niyaya pa ang kuya niya na gagawa pa daw silang maraming drawing na gugupitin. Naka- anim na folder yan ngayong araw. Nagpabili ng anim na folder para lang drawingan at gupitin. Ayaw ng bond paper kasi di raw makakatayo ang gagawin niyang heroes kaya folder para mas matigas.
Good morning! Tulog pa ang mga anak ko kaya ang aga kong natapos sa gawaing bahay na pang umaga. Grabe ang sarap sa pakiramdam na walang naririnig na ingay ng bata☺️. Pero sa totoo lang, sa isang buong araw kapag wala akong naririnig na bata nakakalungkot, namimiss ko sila. Maya maya gigisingin ko na sila after ko mag kape. Sobrang pagod yan sila kahapon dahil Linggo kami lang dito, walang kapitbahay kaya hinayaan ko sila magsisigaw sa labas🤣
Yung akala mo bakasyon ay Hindi pala😂 May online classes pala ang mga bata. Kaya arat na, huwag mag relax kasi laging may paraan ang mga teachers para may gagawin ang mga bata...bye...madaliang paghahanda ulit para sa online class mamaya...
Meryenda ng mga anak ko, mas gusto nila yan kesa sa kanin at ulam. Habang nagmemeryenda sila nagluluto na akong para sa lunch. After lunch, online classes na. Dapat matulig ang dalawang bata para makaconcentrate ang isa sa pag aaral. Hirap noh, pero wala lang yan saating mga nanay. Priority natin ang mga bata.
General cleaning...kailangan kong tapusin habang may free time ako. Bago mag pasukan ulit sa klase dapat tapos na ang lahat para iwas stress kahit pagod ang katawan. Pero bago ang lahat..magkape muna tayo!
Tara na maghapunan 😋 gutom yarn, pagod eh. Lagi kong sinasabi na kakain ang mga bata 6 PM pero nali-late padin talaga. Pero ngayon mediocre maaga, late lang ng 30 minutes. Tara kain muna...
Ito yung bumungad sakin kaninang umaga paggising ko. Kagabi habang natutulog kami may gumagawa pa talaga niyan. Paubos na naman yang bond paper kasi wala na silang magamit na folder. Pati color nagpapabili na naman kasi laging ubos ang color red black at blue. Sabi ko sa kanila talagang bibili ako ng mga bagong gamit kapag wala ng natira🤣 nagrereklamo sila dahil wala naman yung kulay na gusto nila.
Kain na po...cabbage, carrots, patatas at egg lang naman yan. Para hindi laging ginisang gulay ang ulam ng mga bata. Medyo matamis kahit maraming paminta ang nilagay ko.
Magandang gabi...matutulog na sila. Antagal matulog, marami pa akong gagawin. Kapag naman humiga muna ako paniguradong mauunahan ko pa ang mga bata na makatulog. Kahit kasi anong gawin kong pagbago bago ng schedule ganon padin di nauubos. Lahat yata ng nanay ganito ano lalo na yung whole day talagang nasa bahay lang. Itutuloy ko muna ang article ko bago ako maghuhugas at maglalaba, gising pa kasi ang mga bata...
Tara na paaraw muna tayo, ang ganda kasi ng umaga ngayon, malamig ang hangin habang sumisikat ang araw. Kanina pa mga sana kaya lang natulog ulit ako kaya naunahan na naman ako ng mga anak ko. Nakakaloka sila manggising, talagang mapapabangon ka sa mga sinasabi nila😂 Mama, bangon na maliligo na ako at pawis pawis na sabihin mo mabaho ako😂 Yung isa naman iinom na daw ng vitamins para tumangkad na, sari sari talaga sila
First time kong gamitin yung multi-function rice cooker ko from Gaabor. Ganon na talaga sya katagal, 44 minutes? Kaya kong magsaing sa gas stove ng 20 minutes lang😀 grabe to sa kuryente 😂 gagamitin ko kasi to kapag pumapasok na sa school ang mga bata. Pwede rin synagogue lutuan ng poridge, cake, soup at multigrain. May function din sya for keep warm.
Laba mode padin..mamayang hapon nalang mag modular class ang mga bata. Alam mo yung pakiramdam na maraming gawaing bahay na naghihintay sayo habang nagtuturo ka ng mga modules? Di ka mapakali diba? Kaya ayoko talagang mag umpisa sa module nila kapag maraming gagawin particular ang mga hugasin sa lababo at labahin na lampas na sa lalagyan🤣.
Naluto ko na saka ko narealize na 1 pm plang🤣 ayan nakita na ng mga anak ko gistong gisto ng kainin ang mais. Dapat meryenda pa yan eh, kala ko kasi 2 PM na. Ang ginawa ko kasi after kumain nagprepare agad ako nito kasi nga may ginagawa ako ayoko ng istorbo maya't maya may hihingi, naadvance pala masyado🤣
Jusko po, wala akong anak na babae, nagtatawanan sila sa kwarto ang ingay Kay pumasok ako. Pagpasok ko ayan may palda na at walang umaamin kung sino ang nag gupit. Pero silang tatlo lang naman ang may gawa nyan. Short yan ginupit kaya nagging palda.
Magsasampay palang ako..wala ng araw. Maalinsangan kahit nasa labas ng bahay. Yung mga anak ko nakasunod na naman saakin. Gusto talaga laging pantay, kapag lumabas ako dapat sila din. Grabe mga rason nila. Kapag tinuturuan mo sila, minsan maiisahan ka eh, haha
Pinalabas ko sila, tapos nag earphone ako, Tama kaya to haha! Consideration naman mga kapitbahay, kasi 5:30 pm siguradong walang natutulog niyan. Gusto ko lang iparanas sa mga anak ko ang sumigaw at maglaro sa labas, saka para naman Hindi mga lampa kapag lumalabas diba
Kakatapos ko lang ng lahat lahat...habang nagpapatulog ng bata maglalaro muna akong Raid. Baka kasi mauna pa kong makatulog sa mga bata kaya kailangan ko ng libangan. Pero Grabe talaga sila, pinagod ko mga yan kanina tapos walang tulog ng tanghali pero nagttumbling parin sa higaan. Hindi pa sila inaantok.
Napakapayapa na ng gabi, ako nalang ang gising dito. Magpapaantok nalang ako, sana 10 PM ay tulog na dahil 3 am ako gigising bukas. Kunwari may papasok sa school para masanay na din ako na gigising ng maaga at matutulog ng maaga. Malapit na kasi...
Kain tayo, good morning! Eto muna ngayon, di ko na naluto ang gulay kasi nakakagutom na mamayang tanghali nalang mag gulay. Sobrang init ngayon, kailangan uminom ng maraming tubig kasi di ko alam Panu iddescribe ang init ngayon. Yung di nahupa ang tagaktak ng pawis ko.
Naku nabudol ako ni @susie🤣 Pero maganda kasi talaga yung product. Nasubukan ko na yung sabon at sunscreen kaya ngayon yung set na ang inorder ko. Dalawa kasi kaming asawa ko na gumagamit nyan kaya napaorder ulit.
Sobrang init, pangalawang ligo na to. Masarap puntahan sana mga ilog, hindi dagat. Naalala ko nung summer na nagpunta kaming resort dun sa probinsya Grabe ang init haha! Kaya para sakin mas gusto ko sa ilog talaga, kelan na kaya yun??? Ngayon, pero imagination nalang muna ako..
Yan lang ang alam namin. Gipit na gipit, sana makahanap akong pagkakakitaan na lang matagalan sana na sa bahay lang magtatrbaho. Hirap kapag may maliliit pa talagang bata tapos mga nag aaral na...
Good afternoon, kape ☕ 2 days na naman na stress pero nalalabanan ko talaga. Iniisip ko nalang palagi na malapit na ang face to face, araw araw na making makakalabas ng bahay. Ganon din ba kayo? Yung 24/7 nasa loob ng bahay sobrang nakakastress diba tapos paulit ulit ang gawaing bahay hehe
Wala na naman epekto ang kape soaking, dati nagpapalpitate ako pero ngayon parang kulang na kulang pa ang tatlong cup. Ewan ko na, iba kasi ang nararamdaman ko talaga noting mga nakaraang araw, Baka epekto din ng kakalaro ko ng mobile games. Binawasan ko na nga pero nagtira padin ako pamalit ko sa horror movies. Iniwasan ko muna ang horror movie kasi madalas akong magitla sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Pakiramdam ko laging may papasok sa bahay at may mamamatay.
Magandang umaga🇵🇭,sinong iboboto niya sa Monday? Kung ako boboto, wala akong iboboto. Di bale ng mating alien ako, ba't ako boboto kung Hindi ako parehas sigurado sa mga candidate. Parang palala yata ang mga nangyayari, sana sa future para sa mga anak natin may makikita padin silang mas magagaling na magiging Presidente. Sya nga pala, ano ng balita Kay Leila De Lima? Tunay kaya yun?
Ang sarap..lutong rice cooker naubusan kaming gasul. Buti nalang lumambot yung sahog kong karne. Kain muna tayo sobrang gutom na ko. Pechay na may karne lang yan, mamaya ampalaya na may karne naman sana makabili ng gas.
Di ako mahilig sa malamig pero ngayon iinom talaga ako. Napakainit, dami ko pa naman gagawin ngayon. Pangalawang ligo na din namin ngayon, imagine ang init talaga.
Tulog muna ako, ilang weeks na din akong puyat. Habang nag aantay ako na makabili ng gas ang asawa ko itututlog ko mhna, bawas init ng ulo. Sinusubukan kong maging busy kaya lang kailangan yata ipagpahinga talaga para makagaan sa pakiramdam. Ganito ako kapag tag init, madalas masakit ang ulo .
Sya na naman...ubos na naman ang mga gamit. Nagpabili na naman ng folder na ddrawingan kasi wala na silang mahagilap na karton dito. Nagpabili din ng papel at bond paper at tog iisang ballpen sila. Gagamitin lang nila sa pagdrawing ng mga gusto nilang idrawing. Ayoko na sana talaga dahil iniisip ko na darating na ang face to face classes ang gastos na talaga nila kailangan magtipid. Wala eh, binilhan ng ama kaya pinagbigyan ko nalang. Kinakabahan kasi ako sa mga gastusin…
Meryenda tayo, late na kasi kakabili lang namin gas. Grabe 900+ pesos ang gas. Ano pa kayang tipid ang gagawin ko. Sa kabila ng mga reklamo ko sa asawa ko tungkol sa mobile games niya di ko naman sya naririnig sa mga gastusin kahit sya lang ang nagtatrabaho samin.
Kawawa naman ang bata, limitado sa mga pagkain na katulad nito. Kapag bawal ay nasal talaga. Mahirap magkasakit ngayon kaya dun tayo sa safe na pagkain. Dati kasi talagang walang limit ang mga to sa pagkain pero kung nagkapandemic binawasan ko ang mga pagkain na malamig kasi iwas sipon at ubo, effective naman!
Root beer tayo, no caffeine naman yan, Grabe di ko kinakaya ang init. Maliligo ulit kami bago matulog mamaya, sarap iligo eh. Gandang gabi pala noisers,
Veega, meat-free giniling 😍 Kain tayo...ang sarap, dinagdagan ko lang konting seasoning para mas masarap. Mas masarap yung tapa kaya lang naubusan ng stock.
EXCITED na para sa May 9, ilang tulog nalang may bago na tayong Presidents 🇵🇭 di ko talaga alam kung sino ang dapat. Gusto ko Kay Sara D. pero ayoko naman Kay Marcos. Good luck nalang... Good night and thank you noisers!
Napakainit na umaga! Sobrang init, ang mga anak ko malakas talaga sila sa tubig, lalong lalo na ngayon. Isang araw lang saamin yung isang container na mineral water. Tapos ang lilikot pa nila kahit napakainit. Imagine 8 am kanina talagang parang singaw ng pinapakuluan na tubig yung hangin.
Totoo to, mas okay na titingin din tayo sa mga magandang nagawa o positive side. Pero bakit parang ang normal talaga saatin ay yung mali ang laying tinitingnan. Kahit wala mga hinahanapan pa eh. Tsk!
Meryenda time 😋 choco na star margarine ang nilagay ko dyan at ang cute din ng stamp. Lalong ganado ang mga bata kumain. Pero favorite kasi talaga nila yan.
Na-busy maghapon kaya eto maaga din ang hapunan. Gandang gabi..kain tayo, agahan lang para makapagpahinga agad at nakakapagod yung maghapon tapos nakisabay pa ang sobrang init ng panahon...dalawang tulog nalang election na...
Tapos na lahat, nkahiga rin sa wakas! Naligo muna kami bago humiga kasi nga iba talaga ang init pero bakit sobrang lamig yata ng tubig ngayon...nakakaloka pa kaninang tanghali biglang nawalan din ng tubig. Huwag naman sanang maubusan ng tubig kahit sobrang init.
Hindi ako makatulog dahil nagutom na naman. Noodles with egg at movie (the twin). Sana makatulog ako before 12 am. Sana maganda itong twin, namiss ko din manuod ng horror movies.
Another super sunny day ☀ ☀ Kape muna ako, ito lang ang nagpapasigla sa araw ko. Naisip ko na naman kasi na malapit na ulit ang modular class, April 8 palang ngayon pero naaaligaga na naman ako dahil napakabilis lang naman ng isang linggo. Pero ganon talaga, lagi ko nalang iniisip na I enjoy lang ang bawat araw na dumadating kasi kapag nakalipas na di na yan babalik pa.
Ngayon ko lang naisipan na utusan ang panganay ko sa labas magwalis. May ginagawa kasi ako di ko na mawalisan ang labas kaya sya nalang. Nag eenjoy naman sya sa ginagawa niya kaya okay lang.
Habol pa sa lunch, nasobrahan na naman sa kaka cp kaya kakain palang kami. Adobong baboy ang ulam namin ngayon. Next Sunday mag Bicol Express ako, nakakatakam kaya lang mahal ng gata.
Sige lang, tanggap lang ng tanggap ng ayuda kasi minsan lang naman yan🤣. Ang kasunod nyan malamang sa susunod na halalan ulit, pero iboto nyo parin yung gusto nyo. Dito samin parang walang vote buying na lantaran, ang tahimik lang dito.
Ilang oras na Hindi ako nakagamit ng phone dahil ginawa nalang gayahan ng mga drawings nila. Nanunuod sa Youtube ng mga tutorials kung paano magdraw. Nadiscover nila yan dahil Hindi pa marunong magbasa kaya ang ginawa ay nagsearch sila through google voice hanggang sa napadpad sila sa YouTube na yan. Hinayaan ko nalang kasi gusto nila matuto magdrawing talaga.
Good luck sa mga boboto at iboboto para bukas na eleksiyon 🇵🇭. Kahit sinong manalo Basta magihigitan si Pres. DUTERTE ☺️ Sana mas umunlad pa ang Pilipinas at syempre tutulong din tayong mga mamayan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga sarili natin sa paggawa ng ating mga responsibilidad natin bilang isang mamamayan ng bansa. Good night!
Sagutan niya na to sa PREMISE, magandang tanong to, plus Hindi lang dos ang bayad kasi essays ang mga isasagot niya dyan. Kapag ganitong taking Hindi nakakatamad sagutan. Main concern na isinagot ko dyan ay ang natural disaster talaga, involved dyan ang mga taong walang disiplida din.
Ay Grabe sya, nakamagkano kaya sya dito🤔 iba iba talaga hehe, kung saan saan nalang dinadaan. Pero sa totoo lang, sana yung mga namigay talaga ng malalaking pera para sa boto dapat pagdating ng crisis nandyan padin sila. At huwag silang pipili lang ng tutulungan...
Naalala ko lang yung kabataan ko. Ganito yung daanan papunta sa bukid. Tawag nito saamin bulas pero sa mga foreigners paradise na to, hehe! Pero sa totoo lang namimiss ko to ngayon, Basta makakita akong ganito naiimagine ko agad yung sunset at ang amoy ng damo, wala kang maamoy na usok ng mga sasakyan. Basta ang sarap lang mag imagine ngayon, binabalik ko nalang sa isip ko yung lugar namin kung kabataan ko.
Bicol Express 😍😋 Baboy, siling pula at green, gata Yung ulam na gustong gusto ko at hilig ko din talaga sa may gata at maanghang pero minsan ko lang matikman dahil namamahalan ako sa gata dito. Samantalang sa Bicol hinihingi lang ang gata sa kapitbahay. Minsan talaga hadlang sa pagkain yung mahal na presyo ng isang sangkap na nagpapasarap.
tingnan nyo to, pati kuya niyang 9 years old sobrang naiinis sa kanila dahil pero kalat ang ginagawa. Kaya ang ginawa ng kuya gumawa ng sasagutan ng dalawang, addition yata yan kaya todo bilang ang dalawa😁 natuwa ako dito sa ginawa nila.
Ito yung price ng bch nung nakilala ko si bch year 2020. Grabe bumalik sya oh, kumusta naman yung mga hold nyo? Nakakaramdam din ba kayo ng panlulumo?😂 Sana naman huwag ng bumaba pa dyan sa pinakamababa na naabutan ko.
Yung masustansyang mga gulay na busting gusto ng mga anak ko pero minsan ko lang maipakain sa kanila dahil mahal. Kaya mayor pa dapat para maibigay sa kanila ang gusto nila lalo na kung makabubutu naman para sa kalusugan nila.
Nandito lang pala malapit ang bilihan pero nag food panda pa😁 kaloka, Grabe sa katamaran lumabas. Ang init kaya sobra, pero ang pagkain pang malamig na panahon.
Tulugan na..nighty nyt noisers...Thanks ulit sa buong araw na nilaan mo para saaming lahat. Sana bukas ay nandyan ka parin at Hindi magsasawa saamin ☺️.
Makulimlim na umaga, sana umulan mamayang hapon kahit mahina lang...ilang linggo na din casing sobrang mainit talaga ang panahon. Tara kain tayo!
Napakaaga pa pala, pero kakain na kami. Kaninang umaga pa kasi ako nagluto ng ulam kaya eto pangalawang kain na ng mga bata. Nilagang pata ng baboy dinagdagan ko nalang yan ng pork belly patatas at repolyo.
Good afternoon! Naistress ako sa peace lily ko. Lampas ng isang taon maliit padin at kaunti ang dahon. Ang lantutay djn ng mga dahon. Gawin ko na kaya yung kape or bitsen lang abono, hehe.. maganda kasi talaga daw ang peace lily sa loob ng bahay para sa kalusugan daw yun same din ng snake plant.
Kainan na, medyo late dahil 5 PM na ako natapos maglinis ng bahay. Lalagyan ko pa sana yan ng sibuyas at kamatis kaya lang late na nga. Sawasawan nalang na tayo na may kalamansi.
Hanggang pagtulog ko sinundan ako nito, napanaginipan ko. Kaya tiningnan ko ngayon, aba tunay nga. Loko paubos na yung akin hehe, emotional damage,😂
Ikain nalang natin yan si bch, Grabe sya nakakapanlumo. Towing naghohold ako yan ang nararanasan ko ah. Laging lugi dahil kahit di yan tumaas kinukuha ko kapag gipit na gipit na kami. Pinakamamababa yung 9k na naabutan ko eh.
Aga naman pala ng lunch namin. Yung gulay ko kalabasa lang yan pero ang sarap dahil tabs ng baboy ang hinalo ko dyan pero isda ang partner😂
Nagpapatulog ako ng mga bata, sabi ng anak ko, ano ba yan tutulog na naman kakagising lang kanina haha! Panu kasi naglalaba ako saway ako ng saway sa kanila. Mas mabilis ako matapos kapag wala akong naririnig at walang gising. Mas masipag ako kapag nag iisa lang ako.
Unfortunately saakin, paubos na yung hold kong kapiranggot. Nagstart palang ako maghold ubos agad, hehe.. pag gipit huwag na maghold. Di yan pwede sa mga gipit😁 katulad ko.
Sige isigaw mo pa, kurot ka saakin mamaya dyan. Sabihin na naman niya ay karapatan ng bata maglaro sabi sa module. Lalo na kapag sinasaway ko sya sa paglalaro kasama ang bibig, sasabihin niya talaga naglalaro sya at nakakaboring kapag walang ingay😂 naku hirap makipag-dibate sa bata kapag nag aaral na.
Sweet and spicy pork adobe 😋 paminta yung maanghang dyan. Tara kain tayo, past 6 PM na din naman. Habang nakain sila ako naman ay magsasampay ng mga nilabhan ko. Intindi na nila yun kung bakit di ako sasabay sa pagkain nila.
Isa sa pinakamahirap tuwing gabi, yung gustong gusto ko nang magpahinga pero may naglalaro lang spiderman sa higaan kahit na naka off na ang ilaw at may talon pa ng talon at tawa ng tawa. Hindi pa pwede sa kanila ipatupad yung silent time pagpatak ng 6 PM, mahirap hehe..pero posible yun Basta sanayin.
Sobrang late na almusal. Habang naghahanda kasi ako ng almusal, yung mga anak ko kain na ng kain kaya kakain palang ako, sila tapos na.
Ay arat na kumain na, muntik ng masunog dahil biglang umulan. Wala man lang sign na human kasi sobrang init kanina halos wala akong maramdamn na hangin tapos bigla nalang bagsak mediocre tuyo na ang sinampay ko eh
Back to normal routine, tuwing hapon ay modular class. Sa Monday Grade 1 and 2 na ang may physical classes pero hindi kasama ang mga anak ko. Pinili lang nila talaga kaya yung mga anak ko next school year na talaga sila...
Pampalipas oras, ganito pala kapag nakatikim ng mobile games nakakaadik. Hindi ako masabihan ng asawa ko, natatawa nalang sya. Kapag nakatambay lang naman ako, maghapon din kaming may class kanina eh.
Ang aga aga nag iisip ako ng mga lugar na puro halaman, punong kahoy at fresh air. Stress na stress na naman kasi dahil sa alam nyo na, modular class,physical class na di ko alam kung anong magiging sistema. Syempre nag iisip ako ng mga gastusin lalo na at tatlo na ang estudyante ko. Kapag ganitong problems ang sarap mag imagine ng mga lugar na may peaceful impact saatin, maya maya okay na ko ulit.
Eto na naman, ang araw na sobrang halls ayokong bumangon. Tamang mapakain ko lang sa tamang oras ang mga bata at mapaliguan. Pero talagang parang ayokong kumilos, pero gusto kong may matapos ngayong araw na isang makabuluhan man lang. Kaya bangon na at maligo saka magkape. Pagkatapos magkape, maglalaro kaming clay ng mga anak ko na related naman sa class nila kaya okay lang yan.
Lakasan mo lang ulan,😍 hinihintay ko to araw araw dahil sa sobrang init ng panahon ngayon at pina-experience ko sa mga anak ko ang maligo sa ulan. Kaya lang 10 minutes lang tapos niliguan ko sila agad.
Halos ilang oras akong nanuod ng documentaries about sa mga homeless na pamilyang Pilipino. Nakakaiyak yung buhay nila. Yung iba kasi kasalanan talaga ng mga magulang kung bakit nagging ganon sila at meron din naman kasalanan na mismo ng anak bakit nakalakihan nila ang ganong buhay. May mga nakakainis katulad nalang kung isang pamilyang homeles na nga tapos tinulungan syang magkabahay, aba ang ganda ng bahay tinalo pa yung mga nagrerent lang ng apartment pero di naman…
Music naman ang lesson namin ngayon, ang pinakaayaw kong subject pero para sa anak ko gagawin namin yan. More on singing and dancing ang activities, ana matapos namin ngayong araw dahil yung sa isa kong anak ay arts naman. Pero nag aantay pa ko ng order kong clay kaya panghuli nalang siya. Ito nalang kinder ko ay arts din, kayang kaya niya na yan mag isa kasi madadali lang naman sa kinder. Ang ingay nung Grade 1 kong anak kasi nagpapractice kumanta ng Leron leron sinta haha,…
Stress kaba? Tara luto tayong stress reliever 😍😋🌶️ Last time yung niluto ko ako lang talaga ang kumain kasi ako lang ang uragon dito sa bahay. Kaya ngayon lalagyan ko ng gulay tapos konting sili lang ang ilalagay ko, kaya yan kainin ng mga anak ko Basta konting anghang lang.
Thanks sa blessing na ulan ngayong gabi, sana hanggang bukas umulan Basta huwag lang malakas. Nakakaganda ng mood din kasi kapag may ulan ng konti. Nitong mga nakaraang week talagang lakas ng negative impact sakin ng sobrang init ng panahon kasama na ang sakit ng ulo.
Happy Monday, back to school! Hindi parin kasama ang anak ko sa physical classes perp 2nd week na ngayon yung mga napili for limited face to face classes. Since nakikita ng mga anak ko sa photos na sinsi-send ng teachers nila sa messenger ang mga classmates nila,palagi ko nalang nireremind ang mga anak ko na kapag sila ay pumapasok na din sa school, sana mating positive lang. Yung dalawa ko kasing anak Ayaw talaga. Sabi ki injoyin lang nila yung pag araaldaw, isipin nila na…
Bumili akong play money for educational purposes naman. Nagulat ako kasi may 2000 pesos na pala??? Di ko to alam. Meron na mga ba? Kasi magtuturo ako sa mga anak ko ng tungkol sa itsura ng Philippine money eh kaya bumili ako nito para Hindi sila hahawak ng tunay na pera. Lahat kasi sila meron sa modules about pera sa addition at subtraction kaya importanteng maturuan ko. Sa kindergarten, grade 1 at Grade 2.
Tuwang tuwa ako dito kasi nakagawa sya ng tao na nakakatayo gamit lamang ang clay. Kaya lang galit sa kanya yung isang kapatid dahil kamukha daw ni Damulag sa Doraemon eh tinutukso syang Damulag dito kaya di sya natuwa dyan. Nahirapan pa ko magsuyo at pikon talaga sya sa gawa ni kuya niya.
Buong maghapon ay gloomy, ang sarap sa pakiramdam! Marami din kaming nagawa ngayong araw na mga activities ng mga bata, halos lahat arts dahil dalawa sa mga anak ko ay arts ang lesson ngayong week. Nakapaglaba din ako kaninang umaga kaya kahit na ganito ang panahon marami padin ang natapos namin ☺️.
It's Sunny day today! Magandang panahon para maglaro ulit ang mga bata sa labas pero pinapasok ko na sila dahil masakit na agad sa balat ang init ng araw kahit Hindi pa naman tanghali. Sana umulan mamayang hapon. Ito yung gusto ko towing summer dito sa lugar namin, sa umaga maaraw pero pagdating ng hapon umuulan na. Tamang tama kasi bago umulan tapos na ang mga nanay sa mga pangunahing gawaing bahay.
Tuyong tayo na yung ginawa ng anak ko gamit ang clay. Ayan di na nila kailangan bilhan ng laruan. Sila na mismo ang gumagawa ng sariling laruan na gusto nila. Yan yung clay na natutuyo sya, kapag natuyo parang foam na magaan lang. Hindi ko alam kung anong tawag sa clay na yun, Basta iingatan lang para di masira agad.
Kanina pa umuulan, medyo malakas din. May kulog at kidlat, malakas ang hangin, pero sana normal weather lang to. Ingat sa mga lumalabas ng bahay. Hiling ko pa naman kanina na sana umulan pero di ko sinabi na lakasan, hehe. Pero sana safe lahat ng nasa labas kasi may kidlat talaga kanina pa.
Today was a good day. Kids' modular classes are completed, wash day is exhausted but successfully done, and the kids are now asleep. So, I'm gonna enjoy my spare time tonight before going to bed. Nighty nyt 😚
Rainy morning padin pero lumalabas na ang araw. Siguro mamayang hapon ulit uulan. Naalala ko nung isa palang ang anak ko, excited ako laging mag hapon kasi kapag ganitong buwan maaraw talaga sa umaga at umuulan naman sa hapon. Dahil isa palang ang anak ko nun, hayahay pa ang buhay. Pero ngayon umaraw man o umulan same lang busy at nag matured na tayo kaya ano mang panahon ang meron sa araw araw natin busy padin tayo ☺️
Nag aaral magbasa ang bata, mabagal pa kasi sya magbasa. Mabuti naman ay hindi sya nagrereklamo ngayon kasi madalas panay ang reklamo niya. Wish ko, mating mabilis na sya magbasa bago pa man mag start ang face to face classes nila.
Sinangag na kanin kaya dyan, tamang Tama sa panahon na tag-ulan pero egg lang ang partner. Meryenda namin to😂 wala kasi making ibang pagkain ngayon dito kaya yan lang muna. Akala ko mga ako lang ang kakain, aba may kaagaw pala ako, nagustuhan kasi ng mga anak ko. Dati Ayaw nila niyan pati ang amoy pero ngayon nagustuhan na nila.
Sinong kaparehas ko ng ulam??? Natatakam ako sa noodles nung isang araw pa. Ulan kasi ng ulan tapos yung mga anak ko naman sa tortang talong. Kaya yan ang ulam namin, mas pinili nila yan kesa sa ampalaya. Perfect bukas ampalaya talaga ang lulutuin ko kaya wala silang ligtas🤣
Ito yung black Velvet ko na binili kung nakaraang taon pa. Hindi ko akalain na namumulaklak pala ito??? Ayan na, may lumabas na kahit napabayaan ko na yan dahil busy ako sa mga anak ko araw araw. Nakakatuwa talagang mag alaga kahit halaman lang yan. Si bch sana tumaas kahit 20k kailangan na kailangan ko ng Peso kasi malapit ng mag birthday ang anak ko, pero mukhang napakalabo dahil bumaba na naman siya...
Ilang taon din ang lumipas bago ako nakakain ulit ng itlog na maalat. Matanong ko mga, masustansya ba ito?? Wala kasi akong idea, Basta ang alam ko masarap siya😁
Ang sarap sana magkape pero mukhang di muna ako magkakape. Gusto ko ng maulan na panahon pero kapag ganitong sobrang lakas naman ay nenerbyos ako dahil pasukin na naman kami ng tubig dito sa bahay.
Kanina pa tumila ang ilang dito, sobrang lakas talaga. Panatag na ang loob ko kaya nagmomodule na kami ng anak ko. English at Filipino sana matapos namin ngayong araw kasi meron pang isang magmomodule na kailangan makahabol sa pasahan sa Monday.
Kain tayo, kakapagod pero okay lang at least di kami binaha dahil sa malakas na ulan. Kakain muna bago magpatuloy sa sampayin kong mga gamit. Ang pait naman nitong ampalaya na to, pero madalas walang pait ang luto ko, ngayon lang ulit.
Good morning noisers! Medyo maaraw ulit ngayon na malamig ang hangin. Ang sarap tumambay sa labas pero dahil kasama ko din ang mga bata, panay ang saway ko. Kahapon isinama ko sa tindahan, aba parang mga nakawala sa kulungan. Pero kung nasa probinsya mga to sigurado hahayaan ko sila mag ikot ikot na di ko inaalalayan.
Makikihinga naman...Grabe tong endless na problema sa baradong kanal ng inuupahan namin. Palagi nalang akong naglilinis ng buong bahay dahil sa lumalabas na tubig sa cr namin kapag naglalaba yung nakatira sa may taas namin at pati na din kapag umuulan ng malakas napupuno ang tubig sa kanal nila tapos bumabalik dito sa cr namin dumadaan. Naiistress ako pero di kami makalipat pa kasi ang gastos. Tiis tiis muna talaga.
Mabuti nalang at nakatulog ang tatlong mga bata. Malaya akong makakapaglinis ng kusina at Cr. Pass muna kami sa module at mas importante itong gagawin ko sa mga oras na ito. Habang naglilinis ay nagkakape syempre 😁 kape tayo...
Rainy afternoon, pansit kayo...sobrang pagod at gutom dahil naglinis ako ng bahay. Ayaw tumigil ng ilang kaya natatakam ako sa mga pagkain na lang rainy season. Naisip ko ngang ulamin ngayong gabi ay tuyo sana kaya lang kailangan ko bang lumabas. Pero ngayon ito muna.
Ayan, nagkatotoo ang ulam kong tayo. Takam na takam kasi ako dahil medyo matagal din bago ulit nakakain tapos maulan pa. Pero tapos na kaming kumain, syempre kain muna bago post 😁
Pancake ang almusal namin, tara kain muna. Medyo mabi-busy kami ngayon sa modules naman. Kahapon sa ulan ako nakabantay hanggang kagabi. Ang bilis kasi talagang bahain ng harapan namin. Ang sarap sana matulog kagabi dahil naulan kaya lang di talaga ako panatag.
Nangangalay ang isang binti ko simula pa kagabi. Hindi pa ko nagpacheck up, ano kaya to? Mediocre kinakabahan din ako, wag naman muna sana akong magkasakit at maliliit pa ang mga bata. Walang pag aalaga sa kanila kundi ako. Sana naman Hindi sakit na malulumpo ako kasi kailangan kong kumilos araw araw.
SINIGANG NA BANGUS Parang ngang sinigang na gulay na nilagyan ng bangus, mas maraming gulay yan. Tamang Tama ngayong tag ulan. Ganon din ba sainyo maulan hanggang ngayon? Mabuti na mga lang ang Hindi na sya heavy rain katulad kahapon.
Ang lamig at ang sarap ng hangin at kape ☕ Maya't maya din ang earthquake pero sobrang hina lang naman. Sana sa ibang lugar na inabot ng earthquake ay sana mahinda din lang. Mag ingat tayo sa mga panahon na to at mag tag ulan na talaga, parating na naman ang di natin inaasahan pero parang nasanay na din naman tayo.
Tilapia Pechay na may tilapia. Nilagay ko kasi lahat ng pechay sa ilalim kaya Hindi kita. Sinusubukan ko talagang araw araw mag ulam ng may sabaw para healthy lang lalo na ang mga bata.
Last day ng modular class ngayong week na to, pasahan bukas. Kaya namin tong tapusin lalo na kung magbe-behave yung nasa likod niya. Yan ang kaaway namin kapag nag aaral ang kapatid. Rumarason kasi yan, naglalaro daw sya dahil naboboring..
Magandang hapon, walang ulan, medyo maaraw ng konti pero malamig. Kaway kaway dyan sa mga walang pahinga kahit ano lang oras at araw, Basta matapos ang gawain na di naman talaga matatapos 😁
Good afternoon...ngayon lang ako nakapagpost kasi nagbabantay ako sa anak ko hinihika na naman siya. Ang hirap kapag hika kasi kahit anong ingat at alaga ang gawin talagang nadating yung time na aatake ang hika. Naalala ko nung 2021 lockdown nun di ko madala sa hospital talagang malala yun. Nakatulong yung earn ko dito sa noisecash, nakabili ako ng nebulizer. Pero ngayon di ko pinagamit kasi Hindi naman malala. Parang naallergy lang yata sya, inuubo ng konti lang pero yung…
Magandang gabi! Maulan din ba sainyo? Dito samin nabawasan na, ambon nalang. Hindi magandang idea ang paglabas labas ng mga bata ngayon. Nagkakasakit na naman sila. Mag iingat nalang, lalong lalo na yung mahihina ang resistensya.
A peaceful night... Nagising ako sa mahimbing kong tulog. Parang ngayon lang ulit ako nakatulog ng maaga na Hindi ako natatakot. Wala kasi ang asawa ko, nasa work sya ngayon. Madalas lagi akong puyat kapag wala sya kasi kahit tulog ako bigla nalang akong nagigitla kasi pakiramdam ko laging may papasok sa bahay habang natutulog kami. Pero iba ngayong gabi, parang ang gaan lang sa pakiramdam. Sana mga wala na yung anxiety kong ganon...
Magandang araw, cute ng bulaklak ng halaman ko. Kaparehas ng peace lily, magkamag anak kaya sila???Ang layo naman ng mga dahon pero yung bulaklak same lang.
Ang init ngayon, tada kain tayo ng pakwan! Mamaya pa kami manananghalian mga busog pa. Parang puto luto at hugas lang yata nagawa ko ngayon. Mamaya makakapagpahinga kapag nakaligo na kami lahat.
Tulog na ang mga anak ko, isang himala haha! Pinaka-challenging sa buhay kapag may anak ka. Lahat ng pagdadaanan nila at dadaanan mo ulit. Yari ako nito bukas, sabi ko kasi huwag na muna nila akong kausapin ngayon, bukas nalang. Gusto ko na din kasing magpahinga ang tenga ko, yung wala akong maririnig kahit ano. Aba, gigising pa ng 6am para daw sagutin ko ang mga tanong nila.
Magandang umaga! Stressful day ngayon, gusto ko sanang matulog maghapon kaya lang di pwede, mas nakakastress kapag gumising akong triple ang gawain...Ang bigat big at l sa pakiramdam lalo na kung di ko alam kung ano ang uunahin ko. Pero kapag ganito ang nararamdaman ko, nasa mindset ko na yan, Basta makakain sa tamang oras ang mga bata, makaligo making lahat at makapagwalis sa loob at labas ng bahay. Yan lang muna....
Around 12 PM yung forecast weather, pero umuulan na sa oras na to habang tirik na tirik ang araw. Ang baho pa naman ng amoy. Kaya bagsarado muna ako ng mga bintana at pinto, pwedeng magkasipon kasi or sakit ng tiyan kapag ganito ang panahon.
Miss ko na ang probinsya. Ang hirap ng buhay dun pero kapag may problema ka, di mo mafeel na nag iisa ka at di ka makakaramdam ng matinding stress katulad ng nasa syudad lalo na kung wala kang mga kamag anak. Mas masarap padin talaga tumira sa birth place natin...Ewan ko ba...
Pork Adobo😋 Kahapon para akong binagsakan ng buong mundo. Mabuti nalang at wala ng mga sakit ang anak ko. Pero may mga mild cough and cold pa sila. Tubig lang ang pinaggamot ko pero sa loob ng 3 days gumaling agad sila. Basta may sakit ang mga anak parang ako ang may sakit sa sobrang pag aalala.
AKALA ko mga girls lang ang naglalaro ng paper doll😁 itong mga anak ko, ngayon mga paper doll ang ginagawa, ayan nakita ko may naka hanger na damit😁😁😁 isus haha!yari na naman sa kalat nito talaga.
Sweet Potato 🍠 Ito ang almusal ng mga bata kanina pero di naubos, mas gusto kasi talaga nila ang pandesal. Kaya ngayon pinauubos ko sa kanila, nagrereklamo na, haha! Masarap lang daw kapag isang piraso lang pero busog na daw agad sila pagkatapos niyan. Ang mahalaga nabusog sila😁.
Kain tayo, adobong walang sabaw. Tagal ko ng nagluluto ng adobo ngayon ko lang nakuha yung timpla na di masabaw. Ginisa ko yan sa sariling mantika ng baboy kasi may mga tada naman, yummy!
Maulan din ba sainyo? Sobrang gloomy, pero ayos na to kasi ilang araw na din masakit ang ulo ko dahil sa sobrang init. Pero simula kaninang umaga hanggang ngayon ay makulimlim at ngayong hapon ay umulan na talaga. Na-relieve yung sakit ng ulo ko at least gumaan ang pakiramdam ko. Pati na din ang mga bata, kagagaling lang nila sa ubo't lagnat na tumagal ng 3 days pero ngayon okay na kaming lahat. Kahit anong ingat, kapag dulot na talaga ng natural disaster ay di natin…
Palipas oras...katatapos lang kasi namin kumain. Itong palipas oras na to hanggang mamayang 12 to 😁. Nakakaaliw pala talaga maglaro, pero panis tong laro na to para sa asawa ko😁.
Yung play money ng mga anak ko ay helpful pala. Hindi lang sila natututo ng itsura ng pera kundi natututo sila kung Panu gamitin ang pera. Kailan ko lang sinabi sa kanila na kailangan naming magtipid, yung tipid na healthy. Dahil dyan, sumasang-ayon sila saamin kung anong gusto naming ibiling pagkain para sa kanila. Nagcocompute ba, at lagi naming binabanggit ang nasal magkasakit. Yung hot dog???Hindi na daw sila kakain nun dahil mahal at madumi. Kakatiktok nila, nakita nila…
Hindi pa pala sure yung physical class ng lahat ng mga estudyante dito saamin sa darating na school year 2022-2023. Bakit kaya??? Abigail sabihin may modular class padin. Nagi-exist paba ang CoVID? Tpos may monkey fox pa? Paano na yan? Talaga sigurong kailangan i-enjoy nalang natin ang buhay ano, isipin nalang natin talaga na babalik tayo kung san tayo nanggaling...
Puyat gabi gabi, buti pa tong Turkish series effective sakin😁 ang k-drama talagang Hindi, ilang bears ko na sinubukan. Itong Turkish kinikilig ako😁 siguro abutin ako ng isang buwan sa series na.
Payday sale pala ngayon sa Shopee!!! Good morning! Kain tayo, nagluto akong pansit bato, meryenda tayo. Challenge para sa mga anak ko na walang kakain na matamis katulad ng mga cupcake kaya eto meryenda nila ngayon.
Kakaadik manuod ng Turkish series(Early Bird)😁. Hindi talaga ako mahilig sa mga love story. Sinubukan ko ang k-drama antok na antok ako haha! Pero ito, kakakilig. Pero kung icocompare ko naman yung Romance movie sa horror movie ay horror movie padin ako kasi talagang excited ako lagi sa mga bawat segundo ng movie pero kapag ganito naboboring ako kaya panay ang forward ko niyan.
Nakakatuwa kapag masayahin ang mga bata. Pero madalas, masakit ang ulo ko, araw araw ganon ang mga kasama ko lalong lalo na kapag nagmomodular class na sila ng sabay sabay. Wala kaming natatapos nyan kaya mas maganda kapag isang bata sa isang araw kaya dapat tulog ang dalawa. Katulad nyan, walang humpay na tawanan pati ako natatawa kasi Ewan ko ba, hanggat saway ako ng saway lali silang natatawa. Yan ang struggle naming lahat sa modular class kapag mga bata pa.
Kain tayo, lunch. Medyo matagal din bago ulit nakapagluto ng pritong bangus. Kain tayo habang ang lakas ng hangin. Mukhang uulan na naman ng malakas pagkatapos ng dalawang araw ng sobrang init.
JUNE 1! Ano kayang magandang uumpisahan ngayong June 1??? Lagi nalang nag uumpisa, walang natatapos😁. SAa totoo lang Meron akong nasa isip ko lang, di ko na sasabihin para kung di ko man matapos di ako madidissapoint. Good morning!