After two weeks of physical classes... As a full time mom of three boys (9 yr, 7 yr and 6 year old), masasabi ko na ang pagod ng katawan ng mga magulang or guardians ay part talaga Yan Ng pagpapalaki sa mga anak. Di na tayo magtataka Kung bakit, kaya nga ang sarap sa pakiramdam dahil ramdam na ramdam ko na naaalagaan ko talaga sila full time. Ngayong face to face class na, mas ramdam ko Yun, pero nakakapagod ng sobra real talk Lang Tayo 🤣. SA loob Ng dalawang linggo, Di Naman ako nagkasakit, siguro kasi exercise na din Ng katawan Yung pagiging active ko sa pag aalaga SA kanila. Gigising ako Ng 4 am dahil papasok Ng 6 am ang 9year old ko, susundo Ng 12 nn kasabay Ng paghatid ko SA dalawang bata na 12nn to 5 àm Naman. Syempre susundo ulit ako Ng 5 pm. Pagdating Ng 6:30 SA bahay ay magluluto Naman ako Ng hapunan. SA tanghali ako naglilinig at naglalaba. Ang pahinga ay tuwing kakain Lang at tuwing matutulog SA Gabi. Okay na rin dahil Yung dating 7 days na modular class ay hinati na 2,3 or 3,2 na face to face at modular. So far, mas feel Kong nanay talaga ako ngayon compared nung modular class at pamasahe Lang stress ko ngayon🤣
3 comments
Ganyan talaga tayong mga nanay sis multi-tasking lalo na ngayon face to face hatid sundo na sa mga anak natin. Balik ehersisyo na ako haha pag uwi maghatid sa shcool ay maglakad ganun din kapag susunduin na lakad lang papunta :) Pero masaya parin tayong mga mommies kahit mahirap talaga sobrang busy ang career masaya naaalagaan ang mga anak.
Atleast nakakahalubilo na sila ng ibang tao sis
Masarap sa pakirdam sis kapag nagagampanan ntin ang ating obligation sa ating mga anak at sa pamilya. Kahit pagod,hindi na talaga mawawaa yan. Hehe pero talaga minsan nakakapagod talaga.