Hala tong dalawa king anak, marunong na talaga mag place ng order sa Shopee. Yung 6 at 5 years old kong anak. Dati kasi talagang na-place order nila yung mga pagkain at laruan worth 3,300 pesos kinansel ko lang kasi E-Wallet ang ginamit nilang mode of payment. Tapos kanina lang nagkkwentuhan yung dalawa about sa phone. Sabi nung isa, nakakagamit lang daw sila ng phone kapag tulog ako, alam nila ang password dahil kapag pinapalitan ko nagbabantay sila kapag magbubukas na ako. Sabi naman ng isa oorder daw silang phone sa Shopee kaya lang di nya daw alam ang spelling ng Phone. Pero alam niya daw ang spelling ng TV. 🙄 Instead na phone ang oorderin Tv nalang??? Kailangan ko na talagang itago palagi ang phone ko kasi kahit pinagbabawalan ko sila basta nakita nila pinapakialaman padin.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Hahaha, ang kulit naman ng mga bagets... Tv tlga akala nila tigbebente lang yata
Kaya nga hahaha, one time nga gumawa silang papel na pera pang food panda naman.
hala ka...baka bigla na lang may deliver ka ahahaha. change password ulit ng phone ahaha.
Nako red flag yan sis. Kabahan ka na. Pero kausapin mo sila na bawal un. Anyways, merong way para matago mo si Shopee sa cp mo.