School Uniforms, optional nalang. Okay Lang naman Kasi may mga estudyanteng hindi komportable SA pagsusuot ng uniforms. Yung iba Naman ay Hindi afford ang pagbili Ng uniforms Kaya mas pabor sa kanila ang not required. May mga pabor naman dahil sa kahiligan SA mga OOTD. Nababasa ko Kasi mga comment nila SA mga post SA social media. Kaya mas okay dahil lahat Tayo Hindi mahihirapan, kumbaga magiging komportable Tayo. SA part namin Ng mga anak ko, mag susuot padin sila Ng uniforms. 2 years ko silang Hindi binilhan Ng mga damit na pang gala baga Kasi nga pandemic. Ang mga damit Lang nila lahat ay pajamas🤣. Pero Kung bibili man ako, school uniforms talaga. Alam Kong mas makakatipd kami SA school uniforms at saka malinis tingnan. Ang gusto Kong Meron sila ay talagang mga schools supplies, ayokong mawalan silang ganyan Kaya magtitipid kami. Kahit tigdadalawang uniforms ang mga anak ko Kaya ko Naman maglaba araw araw. Yung ibibili Kong mga damit nila ay ibibili ko nalang pagkain Ng mga bata SA araw araw. Yun ang mahalaga, maayos na pagkain Ng estudyante 😁
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet