Hapon na pala, nababad na naman ako sa mga true crime documentaries. Grabe na talaga ang mundo ngayon, parang yung mga tao ay nagiging hayop na din. Kaya dapat talaga maging maingat tayo kahit anong oras walang pinipili ang mga kriminal. Natatakot ako dun sa mga pumapatay ng tao talaga, minsan mga d naman papatayin pero yung naranasan ng biktima ay para na ding pinatay. Double ingat nalang talaga..m
@Gerl in July 2022
Gloomy day today! Pero tuwing gloomy , ito yung nararamdaman ko, yung nasa photo ☺️. Basta ganito ang panahon parang ang sarap sa pakiramdam. May positive effect sya sa mga anal ko at sa paligid ko. Mas masipag din ako kapag hanyang panahon at mas may gana akong gumawa ng lahat ng gawain. Mas gumagana din ang utak ko. Good morning!
Ganito kapag hapon na sa province. As in province na kaunti lang ang sasakyan. Makikita mo lahat green tapos tahimik lang. Sarap balikan talaga ng kabataan except syempre sa mga malulungot na alaala. Sana makaranas ulit ng ganitong environment.
Happy Sunday! Free time kunwari ngayong maghapon, pero ang too laba yarn maghapon 😁. Kagbi dapat ako maglalaba kaya lang napababad sa phone hanggang sa nakatulog na ako. Yung binabad ko nakababad padin, sure mapapalaba ako niro ngayon.
Laba day!!! Sarap nito kapag sa probinsya. Hindi lang laba ang ginagawa, marami pero parang libangan lang talaga. Naalala ko dati yung ginagawa ng walis tingting so nanay, ako gustong gusto kong gumawa pero bawal kami humawak nun. Ganon kahigpit noon, pero ang sarap talaga gumawa niyan saka ang amoy mabango..
Sinong nasa APPICS? Lahat ba ng apx kailangan I -power down? Or yung nasa apx na pwede na i-swap? Nalilito na ko, antagal na hehe, tapos eto parang ako...
Habang naluluto ako sila naman Kain na ng Kain. Matatapos na naman akong magluto na wala ng natira😅 pero nakakatuwa kasi lumalakas na yatang kumain lahat ang tatlo kong anak. Siguro dahil na din sa edad nila , 6, 7, at 9
Sainyo nalang, dami pa. Inubos ba naman ng asawa ko na I shake yung 1kg na avocado. Magkano pala 1kg sainyo? Dito kasi samin 50 pesos, maliliit lang pero maganda naman ang pagkahinog.
Good morning..tanong ko lang, yung mga anak nyo dalawa din ba yung cartilage sa likod ng tenga mismo? Yung parang butlig ang itsura. Yung Isa sa bandang taas parang tuldok lang ang laki tapos sa baba medyo malaki. Pero yung sa anak ko sa isang tenga lang sa kabila ay wala naman.
May enrichment program din ba sa school ng mga anak niyo? Dito samin 3 weeks silang papasok para pagdating ng official school year 2022-2023 ay bandang handa na sila. 3 weeks din yun mag effort ang mga teachers habang bakasyon. Yun nga lang, selected students lang ang papasok. Gusto ko Sana isama ang anak ko kaya lang di daw pwede. Mga napili lang talaga, sa Grade 1 yun. May mga batang di daw talaga marunong magbasa pa.
A rainy afternoon, sarap kasi naging ligo+☕ Tanggal yung sakit ng ulo ko after maligo. Kapag nakakaramdam na akong medyo masakit sa ibabaw ng ulo ko pakiramdam ko dahil sa init ng panahon. Kaya naliligo talaga ako niyan, after maligo naglalaho ang sakit ng ulo. Umulan ng malakas pero ang init ah, grabe sakit nga sa ulo to.
Good morning...nakakamiss naman si noise cash at readcash..Sana naging okay ulit ang aking account. Kumusta naman ang mga nag moving up dyan??? Excited din ba kayo sa mga susunod na hakbang? Ako excited para sa mga anak ko...Good luck saating lahat!
Avocado kayo dyan...pero mamaya nalang yan, matutulog muna ako habang tulog ang mga bulilit ngayon. Naging antukin yata ako after modular class. Ayoko sang matulog kaya lang para talaga akong lasing sa sobrang antok.
Gunaydin!!! Nag almusal na na ang lahat? Ako tapos na. Hinihintay ko nalang gumising ang tatlo kong mga anak na mga puyat. Past 12 kagbi gising na gising pa sila at nagkkwentuhan. Kaya ngayon ay natutulog padin kaya naman sinamantala ko na, paggising nila ay Kain nalang at magpapaaraw sa labas.
Lunch time!! Pero tapos na kami, 11:30 ay kumajn na kami. Sobrang init ba naman kaya nka juice ang mga bata, hindi halatang malakas ang ulan kagbi.
Good evening...Bilis nag araw, Sana bagalan naman hehe! Maghapon kasi akong naglaba, marami pa nga eh, kaya lang di ko kayang labahan ng isahan lang. Tambak na nga ang tutupiin ko kaya kailangan ko naman tumigil sa paglalaba bukas. Nakaktawa ano, kahit paglalaba nakakarating dito kay noise cash😅 Sabi ko nga sa article ko sa readcash, hingahan ko kasi dito. Never ako nagshare ng buhay ko sa fb 😁 dito lang.
Kumusta naman? Anong nabudol sainyo ni Shopee??? Ako load na tig piso at sa mga flash deals na tigpipiso lang hourly 😅 Kailangan kong maraming basahan, saka baby wipes. Kahit yan lang makadami ako. Daming coins ang Ang Pao. Grab niyo na, sayang din yun.
Yan ang ganda ng panahon, tuyo na lahat ng simapay ko kanina lang. Mukhang matatapos lahat yung nakaschedule ko ngayong araw. Tapos mamayang gabi uulan ulit.
Good night everyone! Tapos na din ang 7.7 ng Shopee. Overall, 16 checkout ang nayari ko😅😅😅 16 checkouts for only 16 pesos plus Ang Paos at Shopee coins! Sa 16 checkouts ko kasi lahat yun Peso Deals at lahat yung importante sa pang araw araw kong ginagawa. Sana nga araw araw may ganon para sobrang lalong tipid! Pero okay lang kahit ngayong araw lang, malaki na din ang natipid halos ibigay nalang. Nakakaloka nga yung iba, katulad nung Isa 7000 coins nakuha nya sa send money…
Ang lamig ngayon, kahapon kasi hanggang gabi lakas ng ulan dito saamin. Moving up pala ngayon ng Kindergarten, virtual padin saamin. Maraming magulang ang nagrereklamo bakit virtual padin Samantalang sa iba ay physical na talaga. Saakin okay lang naman kahit ano, sobrang busy ng mga teacher kasi dito saamin dahil di parin sila tapos sa 4th grading ng mga bata, checking pa at nag aayos pa ng mga grades.
Ganito yung scene kapag minsan di ko Alam kung anong irereact ko. Bata kasi kasi hindi mo basta basta pwedeng pagalitan nalang. Nagrarason ang bata, sasabihin naglalaro pa sila, at kapag pinaligpit yang kalat sasabihin nakakaboring. Nakikita ko minsan sinasadyang ikalat nila bago maglaro.
Hapon na ulit, Kain ulit. Lahat ay paulit ulit 😁 Talagang kumakain kami ngayon ng meryenda at ang pagkain namin ay kanin at gulay na monggo. Yan ang meryenda namin dahil said na naman ang ref, ganito kapag malapit na ang sahod, nagigipit na haha! Syempre di mawawala ang kape...
Salamat Shopee talaga, kahit nawalan akong raket kahit panu nakakabenta ako ng Shopee Coins. Tiwala lang ang kailangan para makaipon coins at makapagbenta 🙂. Sa ngayon, wala pa naman akong na encounter na scammer, all goods naman.
Good night, hanggang dito na muna...bawal na magpuyat. Kung gusto pang mabuhay ng matagal gerl, matulog kana, next time ulit magpuyat. Para sakin ang babala, lagi kasi akong puyat, halos wala ng pahinga. Mahirap ang magkasakit 🙂.
Good afternoon!!! ngayon lang ulit makakapag post. Ilang araw may topak yung Homeglobe ko di makaopen ng maayos ng mga sites. Mabuti pa yung data lang okay naman pero yung wifi ko sakit sa ulo. Sala sa init sala sa lamig din sya, okay na naman sya ngayon, Sana wag ng magloko, abala.
Good afternoon!!! Namiss ko si noise! Kaka-online ko lang kasi nagloko ang phone simula pa kahapon. Ngayon ko lang sya nabuksan ulit. Ito kasi yung phone na 6 years na, gusto na nya magpahinga din. Di tuloy ako nakapagpost ng isang araw yata...
Magsasaway palang ako inunahan na agad ako. Huwag ka daw mama mang istorbo dahil naglalaro sila😅 Di ako nakaimik eh, mga batang to talaga kapag tinuruan mo sinusunod nila at yari ka ibabalik sayo kapag tinanggalan mo ng karapatan😅
Good morning!!!share ko lang ang scene namin ngayon habang nagkakape ako. Di naman nakakastress kasi may kape naman. Mukhang maubos nga lang energy ko ang aga aga pa😅 panu kaya mamaya pag nasa school ako, ano kayang lagay nila mamaya😅
Paano ko kaya sila iiwanan mamaya???? May parent's summit kasi sa school, ilang oras yun. Ang naisip ko lang na paraan ay iiwanan ko sila habang ka-video call ang mga anak ni @susie 😅😅😅 Alam ko effective yan kaya lang panu kapag nalowbat...hays...
Fully vaccinated po ba ang mga anak ninyo? Yung mga anak ko Kasi hindi, pero hindi naman mandatory yung pagpapavaccine. Okay lang kayan talaga na hindi vaccinated? Medyo may takot din Kasi ako dahil mga hikain tong mga anak ko tapos yung Isa naman mahihilohin sya. Madalas syang mahilo. Kaya hindi ako sure sa pagpapavaccine...
Pang hapunan namin, adobong baboy pero Mukhang magiging meryenda namin to. Na amoy Kasi ng mga anak ko, favorite nila sa baboy ang adobo basta hindi kita ang paminta. Tara tikman natin!
Ito yung Shopee budol nung 7.7 , halos wala akong binayaran dahil 13 pesos lang lahat yan tapos yung 13 pesos galing pa sa Ang Pao ni Shopee. Primary needs ko yang mga maliliit na rugs, at Sana dumami yang keratin ko😅 Next time baby wipes naman ang aabangan ko sa peso deals dahil kailangan kong maraming wipes kapag f2f class na ang mga anak ko. Baby wipes at tissues
Malamig na Tuesday! Almusal namin ay pandesal habang nagluluto akong kanin at ulam. Di mawawala ang kanin saamin tuwing umaga Kasi kapag walang kanin, walang energy!
Hihinga lang...nagluluto palang akong pananghalian namin. Pero dahil pagoda na pagoda ako papahinga lang ako saglit. Sigurado yung labahin ko mamayang after lunch ko pa matatapos. Ang mahalaga nakaligo at nakakain muna ang mga bata. Kapag naka-focus talaga ako sa lahat ng gawain g bahay kasama na ang sa mga bata talagang nakakapagod pero panatag naman Kasi Alam kong naaalagaan kong mabuti ang mga bata at yung ginagalawan nila.
Stressful naman tong Globe dito talagang sa isang linggo mga twice sya pumapangit ang connection. Nasasayang na lang ang data na di ko magamit ng maayos talaga. Globe lang Kasi ang medyo okay dito pero tinotopak paminsan minsan. Katapos lang namin kumain, anong ulam nyo? Suggestions nga po dyan...masustansyang ulam na mura lang
Good evening noisers! Tuloy na tuloy na ang face to face classes. Pero wala pang announcement dito saamin kung kelan talaga. Sana November nalang dito para makapaghanda at makapagpahinga naman ang mga bata, mga magulang at teachers Kasi hanggang ngayon di pa sila matatapos. Kami kakabigay Lang samin ng mga card ng bata kahapon. Sana November...
Good night sainyo...praktis na din sa pagtulog sa tamang oras lalo na yung mga estudyante at mga nanay na kailangan maaga laying gumising😃.
Yummy! Pang paganda ng araw ko. Paggising ko kanina tamad na tamad talaga ako Kasi lakas ng ulan kanina kaya ang sarap na magbabad sa higaan. Pero dahil sa avocado gising na gising ako😅😅😅 bigay ng kapitbahay.
Good morning noisers! Yung sobrang lago na snake plants dito samin ililipat ko na ng paso. Nasira na yung lumang paso dahil sa dami ng naging tubo talaga. Yun iba nabuwal at umapaw na sa paso. Kaya ililipat ko nalang, madami naman benefits yan.
Gandang gabi...pahinga naman. Ayoko pa sang tumigil kaya lang kailangan magpahinga. Diba, ang hirap magkasakit, pati kasama sa bahay apektado. Dati di ko yan naisip, pepo nung nagkakasakit na ko paminsan minsan ang hirap pala Kasi lalo kang maistress kakaisip din sa kasamahan mo sa bahay. Kaya ngayon ingat ingat na din ako, Sana kayo din...
Good night...anong meron sa langit at halo halo ang kulay nila. Tapos umaambon na naman, siguradong malakas ang ulam niyo mamaya, mabuti nalang nakasilong yung mga nilabhan ko gatambak. Maya Maya ako liligo kapag tulog na tong mga junakis ko...
Sinong nagshaa-shopee? Naka 10 check out na naman ako pero 10 pesos lang. Ang sarap pala sa mga peso deals basta yung mga importante lang ang kunin. May supply na talaga ako ng keratin saka cotton buds. Sa shopee coins naman, ayon araw araw benta ng coins, 45 pesos kada araw ayos na. Pati din load. Nung nawalan akong raket kasama to si noise at readcash si Shopee ang sumalo. Hay naku salamat Shopee!!!
Avocado ulit. 🥑yung nagbenta samin ng saving may pa-free na isang malakiing avocado. Ayos to Kasi mura yung saging pero avocado free 😍 Tara meryenda Tayo. Yung mga anak ko nasanay sa kanin ang meryenda kaya kanina sa kabila.
Kanina pa umuulan, ang lakas ng kidlat at kulog. Ingat tayong lahat, uso na naman ang mga ubo't sipon lagnat. Sa mga anak ko konting ambon sinisipon na agad Jaya nakakastress ah. Dapat talaga bantay sarado ang mga bata. Good evening pala.
Good afernoon!!! Nakakatamad ngayon. After ko maubos labahin ko sakit sa katawan. Tamang Shopee muna ako, Earn and spend din din ako dun. Tapos na din ba kayo sa pa-mission ni Paymaya? Ako tapos na, salamat dun sa may ari ng 20k kahit di ko kakilala, hehe! Syempre kay @susie din 😅
Good morning...ito na lahat yung snake plants na galing lang sa isang paso. Sa sobrang dami na nabuwal na silang lahat sa isang paso kaya inilipat ko na. Sayang yung iba Kasi wala na akong mapaglagyan na paso at Lupa.
August 22 ay official date ng school year 2022-2023 dito saamin. Walang November, August 22 talaga. Kinakabahan ako, mas kinakabahan ako sa pamasahe naming apat araw araw😁. Lahat na pati nagtaasan ano, tataas din kaya ang mga sahod ng nagtatrabaho? Mas mahirap yata Tayo ngayon lalo na at nag pandemic. Kailangan na talagang doble kayod. Ako asa muna sa mga online dahil ang liliit pa ng tatlo ko na kailangan hatid sundo sa school. Isa yan sa kinakabahan din ako. Ang swerte…
Good evening...ngayon lang napadaan dito. Maghapon na naman Kasi ako naging nanay. As in nanay talaga walang halong hilata or bad sa phone. Bukas papahinga naman ako pero tuloy padin ang aral namin ng mga anak ko. Simula August 1 busy na kami sa school, uulitin yung enrollment, brigada at start ng class.
Kain Tayo, late ng ilang minutes ang lunch namin. Natulog Kasi ang isang bata, ayaw talagang gumising pa. Simula kaninang 5 am ngayon lang ulit ako makapagpahinga...
Good morning, Sumakit ang buong katawan ko dahil maghapon kahapon naglinis ng bahay. Sana ngayong araw matapos ko na lahat, nai-excite ang sa pasukan sa school ng mga bata. Sana kayo din, naging okay ang buong araw🙂, good morning!
Mag 7am na pero medyo madilim pa. Maulan at malamig, sainyo din ba? Hindi ako nakakapanuod ng balita kaya di ko Alam kung may bagyo ba o wala. Ingat nalang sa mga lumalabas Kasi marami na ang namatay dahil sa kidlat ngayong 2022 diba.
After almost 2 weeks mari-reach ko din ang isang dolyares😅 kulang pa, sige lagyan na yarn inaamag na haha! Dito lang Tayo kay noise makakakuha ng free talaga😍 Good morning!!!! Panibagong araw na naman ngayong na pagsisikapan para naging productive ako bilang isang nanay at asawa. Kahit nasa bahay lang maraming nagagawa at proud ako na hanggang ngayong ay parang nagmomodular class padin kami ng mga anak ko. Gusto ko bago mag August 22 ay handa na sila sa kanya kanyang grade…
Almusal po Tayo, itlog at dilis. Akin lang yung dilis dyan, sarap Sana kung may noodles. Pangalawang almusal na to, kailangan Kasi kanin talaga ang almusal namin 😁
Good night!!! Nakakapagod, ang gusto ko nalang gawin ay matulog na. Di pa nagsimula ang face to face class Mukhang kapoy na ako palagi haha! Grabe, humiga lang ako saglit nakatulog agad ako. Pero kailangan kong bumangon Kasi maliligo palang ako😅. Ge na, kulang na kulang oras ko eh!
School Uniforms, optional nalang. Okay Lang naman Kasi may mga estudyanteng hindi komportable SA pagsusuot ng uniforms. Yung iba Naman ay Hindi afford ang pagbili Ng uniforms Kaya mas pabor sa kanila ang not required. May mga pabor naman dahil sa kahiligan SA mga OOTD. Nababasa ko Kasi mga comment nila SA mga post SA social media. Kaya mas okay dahil lahat Tayo Hindi mahihirapan, kumbaga magiging komportable Tayo. SA part namin Ng mga anak ko, mag susuot padin sila Ng…
Good morning! July 26 na! Everyday ay may naka-schedule isa sa mga anak ko para sa pagsasanay. Ngayon, yung 7-year-old Kong anak ay pababasahin ko. Hindi pa siya ganon kabilis magbasa kaya may mga particular words akong pinababasa sa kaniya araw araw para masanay yung dila niya. Kayo, anong pinagkaka-abalahan??
Meryenda tayo noisers, heavy meal kasi maghapon akong pagod. Ang sarap lang kumain kapag ganitong pagod at gutom tapos makulimlim. Sana nga umulan naman dahil 3 days na sobrang init talaga. Tara, Kain!
Naku, mga talented talaga mga anak ko🤣🤣🤣 kahit lahat boys mga anak ko gumagawa sila niyan🤣. Pero may explanation Naman sila haha! Kailangan daw nilang monster mommies para SA mga laruan nila na huggy wuggy 😅