read.cash Log in
@Gerl

@Gerl in June 2022

@Gerl

Nakakatakot naman ang kidlat at kulog. Kanina padin ulan ng ulan. Sobrang antok ko din, pero Hindi ako natulog, bumangon nalang ako at nagkakape ako ngayon. Maglalaba padin ako kahit naulan, mabawasan man lang ang labahan ko. Pero bago ko gagawin yun tatapusin ko muna ang article ko sa readcash. Ang sarap sa pakiramdam kasi tulog ang mga bata😁. Pahinga ng tenga at bibig ko ngayon.

@Gerl

Coffee is life talaga...bumalik na naman ako sa dati na 4-5 cups a day. Masama din kasi sa kalusugan kapag sobra pero Grabe naman ang epekto sakin kapag di ako nagkakape. Katulad ngayon, natganggal lang ang sakit ng ulo ko dahil uminom na naman akong kape. Samantalang kagabi gamot sa sakit ng ulo ang ininom ko pero di man lang umepekto.

@Gerl

Gandang gabi...katapos ko lang mag exercise..kahit ang lamig ng panahon ngayon ay pinagpawisan padin ako. Pampaliit ng tiyan at pampapayat ng braso. Ramdam ko kasi kapag tumataba ang braso ko, kapag lumampas sa isang kamao ko. Saka ayos din naman talaga ang may exercise para sa magandang daloy ng dugo sa katawan.

@Gerl

Good night mga tao...First day ng June 1 ay okay naman. Minsan talaga naiisip ko yung phone ay panira ng schedule ko dahil kulang ako sa disiplina sa sarili. Nattry ko kasi yan palagi, basta pinipigilan ko talaga yung mga bagay na nagnanakaw ng oras ko, kahit papanu natatapos ko talaga yung main goal ko daily. Self discipline at self control ang kailangan...

@Gerl

Panalo si JD, pinapanuod ko to palagi sa live. Sa totoo lang dami ko natutunan sa panunuod ng case nila sa Law and Crime live sa Youtube. Hindi lang dahil inaabangan ko kung sino ang mananali kundi yung behavior ng bawat isa sa relationships nila. Mas kailangan ng tulong ni Ms. Amber dito dahil sa behavior niya, may Mali talaga sa kanya, sabi nga ng marami isa sya sa mga Narcissistic personality disorder. Kakalungkot lang...Pero sana makabalik na din si JD sa dati, good luck…

@Gerl

Bakit kaya di ako makapagtransfer from PayPal to Gcash kahit parehas naman verified yung PayPal at gcash ko tapos above minimum amount naman yung ittransfer ko sana. Ano kayang problems? Error sya palagi.

@Gerl

Arat na, kain tayo. Marunong na talaga ako magluto ng mga adobo. Matagal na kong nagluluto pero nitong mga nakaraan lang talaga nagustuhan ko ang sarili kong luto😁

@Gerl

Isa sa mga gawaing bahay na di ako nagsasawang gawin, yung gumising ng maaga at maghanda ng almusal at syempre kape ☺️. Ang pinakaayaw ko naman ay yung hapon, Ewan, kahit maraming gagawin ayoko talaga ng hapon, ramdam na ramdam ko kasi yan na di ko na naman matatapos ang mga nakatakda kong goal. Sana lagi nalang umaga...wala ng hapon...

@Gerl

Dahil pinagdamutan ko sila ng cellphone kaya yan ang ginagawa nila😁 ang cute kaya habang nagddrawing nagmamaktol haha! Ang damot damot ko daw sa cellphone kasi sa google sila nagtitingin ng gayahan kaya lang nakakarating silang YouTube kaya pinagbawalan ko na.

@Gerl

Snack time, pancake with chocolate and strawberry 😋 Sobrang init ha, habang nagluluto ako tagaktak ang pawis ko habang sila kumakain. Matatapos ako magluto tapos na din sila kumain.

@Gerl

Pangatlong beses ko ng pagluluto ngayong araw na to. Napakainit ng panahon! Di kasi natulog ang mga bata kaya maya't kaya ang hingi ng pagkain. Pero dahil di ko sila binilhan ng mga lang meryenda na sweets kahit ano, kaya ito no choice ako kundi magluto😰

@Gerl

Syempre kumain muna ako bago nagpost😁 Ulam namin to eh, naging meryenda na kaya magluluto na naman akong ulam mamaya. Sa ngayon, pahinga naman muna...

@Gerl

Maghahapunan palang...good evening! Pritong prito ang alam wala ng ibang maisip na luto. Masarap tong gataan kaya lang ako lang kakain na naman kapag may gata.

@Gerl

Maaraw na umaga! Ang ganda ng panahon ngayon kaya samantalahin na natin to, tapusin yung mga gawain na di natin magawa towing tag ulan para iwas complain😁. Ang di ko gusto sa tag init ay yung masakit sa ulo at mahapdi sa palate talaga. Tuwing tag init, dank kong rashes sa dibdib at mahapdi talaga.

@Gerl

Gandang hapon, padaan lang..nakakaantok ang activity namin ngayon. Parang gusto ko munang manuod ng horror movie kaya lang wala na kong maisip na magandang horror movie. Ayoko munang manuod ng Turkish series kasi nakakaadik, masisira na naman ang routine ko hehe

@Gerl

Nighty night! Ang lakas ng ulan, katatapos lang. Matutulog kami ng maaga, sulitin ang malamig na gabi para tanggal ang pagod mentally at physically.

@Gerl

Good morning! Walang bago, ganon padin...every Sunday ay nag checheck ng mga modules at tinatapos lahat ng kailangan tapusin. Syempre, every Mondays ang paglinis ng bahay...Sana all goods ngayong araw na to lalong lalo na ang mood ng mga bata☺️.

@Gerl

Meryenda tayo, special na lugaw. As usual, mas masarap padin ang Luto ko 😂. Next time ako nalang ulit ang magluluto..Nataon lang kasi ngayon na wala kaming tubig kaya bumili na lang sa labas.

@Gerl

Good night...pero di pa natutulog. Mag relax muna ako dito, habang tulog ang mga bata. Sarap sa tenga, ang tahimik at ang lamig ng hangin...manunuod muna siguro ako ng Mr. Wrong ☺️

@Gerl

My favorite part of the day is good morning!!! Sulitin ang tahimik na umaga habang wala lang gising na kasama. Coffee.reading articles and emails. Feelingera😂 Kapag mga ganitong oras na ako lang ang gising talagang ang ginagawa kong pinakauna ay ang magkape habang naghahanda ng almusal. Morning person kung tawagin lalo na at maraming nakaabang na gawain talaga na di magawa kapag gising ang mga bata.

@Gerl

Katatapos lang ng anak ko gumawang mask, ayan ang napili nyang gawin kaya nahirapan tuloy sya. Pero nakakatuwa kas hugis mukha talaga sya, may lapad at lalim, Hindi sya flat.

@Gerl

Good morning...günaydın! Akalain mo yan, matututo pa yata ako ng salitang Turkish kakanuod ko ng mga series ni Can Yaman 😂. So far...effective sakin yung series nila unlike Korean kasi nakakaantok hehe..

@Gerl

Ang lalaki ng patak ng ulan. Sarap sana itulog pero nagmomodule pa kami. At buti nalang wala akong sinampay sa labas. Enjoyin nalang namin ang malamig na hangin. Huwag lang lalakas ng sobra para iwas haha.

@Gerl

Good morning!!! Ang ganda ng panahon pero mukhang masisira na naman ang araw ko wala kasing tubig tapos yung may ari ng apartment 2 weeks ng nasa bakasyon. San kaya kami kukuhang tubig nito... Good news naman, last week na ng modular class, makakapagpahinga na din ang isip pero magpapagod naman ang katawan. Marami akong lilinisin at tatapusin bago dumating ang physical class, excited!

@Gerl

Maulan na tirik ang araw! Kahit ano pa man yan tuloy parin ang mga naka-schedule na gawain syempre. Papunta akong school ngayon para sa last module namin...late na mga kami eh, dapat noong Monday pa kaya lang kahapon lang namin natapos yung mga natirang module. Hirap noh, pero ganon talaga.

@Gerl

Sobrang hirap ng walang kamag anak na malapit talaga. Katulad ngayon, papunta dapat akong school di ako makapunta dahil walang magbabantay sa mga bata. Tapos isasama ko nalang sana yung bunso ko, umulan naman ng napakalakas. Parang kala mo simpleng problema lang pero inaalala ko kasi lagi ang kalusugan ng mga batang to. Mahina sila sa ulan at sobrang init. Kapag nagkasakit, e di lalo na.

@Gerl

Hay salamat, nakabalik agad ako. Iniwan kong tulog ang mga bata sa bahay pagbalik ko tulog padin sila...konting tiis nalang talaga at Hindi na ako palaging mag aalala kapag aalus ng bahay dahil kapag nag start at physical class sama sama lang kami kahit saan, hehe.. pati ako araw araw nito sa school pero mas okay na kapag ganito kesa naman iiwanan ko sa bahay na walang bantay. Mabuti nalang tumila ang ulan...

@Gerl

Pa-suggest naman horror movie...back to horror muna ako. Bago matulog manunuod muna ko, by 10 PM tutulog na ko. Medyo nakakaramdam ako ng du maganda sa katawan kakapuyat ko na yata. Pampaantok ko ang movie kaya manunuod muna ako..

@Gerl

Magandang umaga noisers! Kapag maaraw naaalala ko palagi ang labahan😂 hay naku, ang walang katapusan na labahan. Pero mas naiisip ko araw araw ang magiging journey ng mga anak ko sa kanilang pag aaral. Tuloy na tuloy na . Nappressure ako kasi halos araw araw nagsasabi ang mga anak ko na gusto nila ng mga kalaro. Minsan pa nga, sabi ng 6-year-old king anak, "ma, bakit ang onti natin? 5 lang tayo dito sa bahay, bakit ang iba marami? Pwede din ba tayo maging marami?" JuskoLord,…

@Gerl

GOOD MORNING 🌅 Last day ng modular class namin...Waiting nalang sa announcement ng mga teachers kung anong next na gagawin namin. Exciting at nkakanerbyos ang f2f pero tuloy na tuloy na talaga. Ganito lang ang teknik dyan, kapag nagkasakit ang bata e di umambsent muna. Okay lang yan absent ng absent, sanay naman na tayong mga nanay na tayo ang nagtuturo ng mga lessons nila. Yung mga missing lessons sa classroom e di ako nalang ang magtuturo, diba.

@Gerl

Magandang umaga! Today is the day...tapos na ang stress ko sa modular class. Pero parang nag iisip na naman ako, dahil alam ko na kung kelan ang face to face class. Pero ang mahalaga ngayon, nalampasan na natin yung ilang taon na pagsasakripisyo sa pagtuturo sa mga bata kasabay ng sandamakmak na gawaing bahay. Sa totoo lang, ang naging regular na bilang ng oras ng pagtulog ko sa loob ng dalawang taon ay 2-3 hours every night, .ay minsan pang Hindi ako natutulog kaya feeling…

@Gerl

Gandang tanghali, from Mr. Poop head daw yan, gawa ng bunso ko. Gusto nyang gumawa ako ng ganyan pero 3D, naku, kapag ganyan na di talaga ako marunong. Kaya binilhan ko nalang silang art materials ulit para sila nalang mag imbento.

@Gerl

Nalukungkot naman ako Kay BCH, malapit na ang birthday ng anak ko pero di ako makapag-convert ah. Kahit mag 10k man lang eh🙄

@Gerl

Meryenda po...habang nagluluto ako nyan tagaktak na naman pawis ko. Sana umulan ngayong hapon pero mukhang impossible, napakainit. Yung modular class namin dipa pala tapos, hay naku...

@Gerl

Good evening! Napakalamig sa labas kasi pagpasok sa bahay tagaktak na naman ang pawis. May ambon kaya di pwedeng tumambay sa labas, as if naman na komportable tumambay sa labas😅

@Gerl

Good morning padin kahit pag gising natin mas bumaba si Bitcoin Cash. Kapiranggot lang naman hold ko kaya di masyadong masakit. Ang nagpapaexcite at nagpapakaba soaking talaga ang face to face class, hehe! Lagi kong bukambibig kasi nga first time ng mga anak ko para sa f2f at first time ko din magkakaroon ng aasikasuhin na estudyante. Sana maenjoy lang namin kahit na may nakikita na akong magiging problems dahil may anak akong Ayaw talagang mag aram, juskolord! Sana…

@Gerl

Hindi ako makamove on haha! Dapat namimili na akong mga school supplies ngayon pero parang walang pag-asa...back to nornal, lahat ng ibibili ko sa anak ko hihingiin ko sa asawa ko. Mukhang taon ang bibilangin bago tumaas ulit ang mga crypto. Tinanong ko si kuya kung kumusta naman ang mga hold niya, natawa lang sya at sabi nya buy pa more😅😅😅😅 halatang sawing sawi.

@Gerl

Magandang umaga! Think positive, effective yan lalo na kapag inisip mo na maiksi lang ang buhay. Kung yung mga nakaraan nga pinagsisihan natin, bakit di natin gamitin yun para panlaban sa stress ngayon....

@Gerl

Eto sugat sugat na naman ang kamay ko sa paglalaba, habang nagpapahinga manunuod muna akong Full Moon, Turkish series, mas maganda sya kesa sa mga romantic comedy series.

@Gerl

Ang dadrama ng mga anak ko, ang magiging katapat lang pala nila mga documentaries about sa mahihirap lalo na kapag may bata. Aba, naiyak sika, awang awa dun sa mga batang walang mama tapos walang maayos na bahay. Magpapakabait at mag aaral daw sila. Pero bukas paggising tingnan ko nga kung maalala nila yung pinanuod nila ngayon lalo na yung bunso ko na mahilig magpaiyak ng dalawang kuya niya. Sana effective to..mga makukulit eh.

@Gerl

Grabe exhausted ngayong araw na to. Di ako nakatiis talagang nagheadset na naman ako para wala akong marinig na ingay. Hindi naman ganon kaingay pero yung mga tunog na naghalo halo na di ko kinakaya. Maliban sa sari saring ingay may mga nakasabay pang nakakaloka na yung baradong kanal, amoy at kinakabag ako. Bukas kapag di agad tinanggal ang bara siguradong damay damay na naman to sa init ng ulo ko🙄.

@Gerl

Almusal ko palang..ang haha ng naitulog ko. Para akong walang balak gawin ngayong araw na to. Sana naman wala ng pahabol na module kasi ipapasa ko na ngayon yung last na bigay nila. Gusto ko na talagang makapagpahinga. Yung wala na muna akong iisipin na mga module ng bata para matapos ko djn lahat ng gawaing bahay na kulang nalang itapon ko yung mga di ko nalinisan.

@Gerl

Nakakatuwa naman na na-memorize na ng anak ko yung multiplication table bago natapos yung Grade 2 niya. Tapos na ako sa kanya. Kaya ngayong bakasyon pagsasabayin ko ng turuan yung Kindergarten at Grade 1 sa pagbabasa ng pangungusap na para bago magpasukan ulit sa school marunong na talaga sila.

@Gerl

Message to ng teacher ng anak ko, nakakatuwa naman hehe 😀. Yan kasi yung video ng anak ko na nagrerecite ng multiplication table, Hindi ko sya tinigilan kanina hangga't hindi na-perfect yung multiplication table. Sabi ng teacher niya dyan dami niya daw tawa habang pinapanuod ang anak ko, samantalang ako G na G na haha! Nagkape pa ko dyan para mabawasan ang stress ko kasi habang nagpaparecite ako sa anak ko ay may dalawang pang pasaway na nanggugulo kaya sabay sabay ang…

@Gerl

GOOD morning! Ganda ng gising kapag walang iniisip katulad ng module dahil sa wakas tapos na!!! Maglalaan nalang ako sa mga anak ko ng kaunting oras bawat isa sa kanila araw araw, salitan lang. Siaiguruhin ko na bago mag umpisa ang pasukan ngayong tao ay makakapaglinis ako ng buong bahay, total wala naman na akong raket, focus nalang ako dito sa mga bata at bahay.☺️ Naka-move on na ko😂😂😂😂

@Gerl

Naloka ako dyan kahapon sa kanya. Nagbalik aral kasi kami, yung mga letter sounds at pagbasa ng pantig. Aba, ang sound daw ng "W" ay dabol 😂😂😂 narecord ko pa naman kasi nga isesend sa teacher, kaya bahala na si teacher umintindi ng letter sound na dabol, hahaha

@Gerl

Gandang tanghali!!! Uninstall ko muna si Coinsph kakalimutan ko muna sila kasi talagang nakakastress silang lahat ngayon. Matutulog nalang ako, ienjoyin ko muna ang araw na to, bukas nalang ako mag uumpisang maglinis ng bahay. Bad trip din ako sa asawa ko, ayaw na ayaw ko talaga na hinahampas niya yung anak ko, ang hirap kayang mag alaga ng bata, kaya ang sama ng tingin sa kanya ng anak ko kasi nasaktan yata sya. Kabadtrip.

@Gerl

Kape tayo,inaantok na ko ng sobra. Sabi ko kanina matutulog ako, kaya lang napatiktok na naman ako. Ilang oras din nakababad sa cellphone, sama sa ulo. May pumipitik pitik na kailangan ng magpahinga sa pagbgamit ng cellphone.

@Gerl

Good night dahil matutulog ng mapayapa at nagging okay naman ang buong araw bago dumating ang oras na ito. Sana bukas mas okay pa kesa ngayon at sana mag Monday na ☺️. Ayoko talaga ng weekends kaya lang wala naman akong magagawa☺️

@Gerl

Happy Father's day sa lahat ng mga tatay dyan☺️ Pakabait kayo lagi ha, 😀 General Cleaning day!!! Buong araw to sigurado lalo na at wala naman ibang gagawin talagang puro paglilinis ang gagawin ko ngayon. Kapag walang internet connection talaga sisipagin ka sa gawaing bahay haha! Pero sa totoo lang sa ganitong sitwasyon ako nakakaramdam ng matinding stress, yung gawaing bahay na paulit ulit araw araw. Kailangan ko ng ibang pagkakaabalahan talaga.....

@Gerl

Dapat pala talagang pinaglalaro ang mga bata ng mga ganitong laro. Nitong 4th quarter ng Grade 1 kong anak nahirapan ako sa manila kasi kailangan videohan at I send sa teacher, may grade kasi para sa subject na P.E. Hindi marunong maglaro ang mga anak ko ng mga larong 90's katulad ng luksong tinik, luksong Baka, Chinese garter at iba pa, part kasi yan ng exercise kaya kailangan talaga. Parang mga lampa tuloy ang mga anak ko, bawal kasi ditong maingay kaya di ko sila…

@Gerl

Nighty night noisers! Matutulog ulit ng mas maaga para makabawi sa dalawang gain na pagpupuyat. Bukas ulit, ang totoo nyan nagtitipid din sa data hehe!

@Gerl

Good morning...3rd day ko ng pahinga. Ang sarap sa pakiramdam. Suggest mga po laying movie na ang mga scene ay forest, garden, Basta yung masarap sa mata. Kagabi pa ko naghahanap kaya lang wala kong mahanap. Pero scrolling lang ako ng mga images na magaganda. Mamaya gagawa ako ng article sa readcash about switching horror movies to romantic series. Ang laki ng pinagkaiba talaga ng dalawang yan, yung impact baga sa totoong pang araw araw na buhay.

@Gerl

Napapansin ko tuwing gabi 2x na akong kumakain ng kanin, nagugutom talaga ako. Sign na kaya ito na diabetic talaga ako? Pero yung weight ko naman ay nasa 48-50 kls padin. Kapag bagong kain ako nasa 50 kls pero kapag gutom 48-49. Dati kasi hanggang 45 kls lang talaga ako kahit kumain ako ng kumain. Pero ngayon di na bumababa. Naalala ko ang naman yung side effect ng Cesarean

@Gerl

Kakain palang kaming lunch, karne muna, tapos Tuesday to Friday gulay at isda, hehe... Ayon na nga, no choice ako kundi withdrahin lahat ng hold ko. Zero na ulit. Kailangan na kailangan namin para di maputol yung pag take ng mga vitamins. Gipit is real, Grabe!

@Gerl

Back to normal ako sa time kung kelan ko ginagawa ang article ko. Sa hapon at sa madaling araw, then, sa gabi ipa-publish. Naglaan kasi ako ng oras para sa pagtuturo sa mga anak ko araw-araw kahit na tapos na ang classes nila. Paghahanda na rin yun sa darating na pasukan. Kaya ero, limited na ulit ang oras ko Kay readcash. Pinag iisipan ko din kung magtatagalog nalang ako😁 . Kapag English kasi paulit ulit ko yan chicnicheck. Pero Ewan, Basta priority ko muna yung oras para…

@Gerl

BTC nalang meron ako, ang baba man ng value pero natutuwa ako dahil galing naman naman yun sa mga Bling games pero nakaipon ako,😂 yung 30 pesos weekly😂tapos taon ko ng nilalaro, ayos na din. Tumigil lang ako Kay Bling nung naging 2 digits nalang per play. Pero ngayon 4 digits points ulit saka ko nilaro ulit. Para lang talagang alkansya ng mga bata pero okay lang din.

@Gerl

GOOD NIGHT... bukas ulit.. Ngayon lang ulit sumakit ang ulo ko, siguro dahil na naman sa sobrang init ng panahon, pwede rin dahil sa sobrang pag iisip. Tuwing may nasosolve na problema ay may dumarating ulit, ganon siguro talaga ang buhay. ☺️

@Gerl

Ang ganda ng panahon ❤️ Sana maghapon magaan lang. Malapit ko ng matapos ang article, pahinto hinto ang paggawa ko dahil may bago na akong schedules ngayong bakasyon. Mababago pa ulit kapag pasukan na. Chill lang, ganyan ang buhay ng isang pamilyadong tao, bawal ang hilata.

@Gerl

May anak din ba kayong mahilig tumawa? Yung napipikon na ako nagagalit na ko tapos naiiyak na mga sila pero natatawa padin. Yung dalawang anak ko dito ganon, pinagalitan ko na tapos umiyak na mga sila pero tawang tawa padin. Kailangan ko ba talagang patigilin o hayaan ko nalang? Napipikon kasi ako sa tawa nila 🙄

@Gerl

Naglaba ako simula kaninang umaga natapos ako kaninang 1 pm. Humiga lang ako saglit tapos nakatulog ako pero dahil Hindi pa ako nanghalian bigla akong nagising tapos eto katatapos lang kumain ang sama sa pakiramdam. Mas maigi talagang pinanghuhuli ko ang paglaba, parang nabigla yung katawan ko. Papahinga na naman kaya Hindi ko maubos ubos ang mga gawaing bahay.

@Gerl

Ang aga kong nakapagluto ng hapunan, para kasing di na kaya ng powers ko, hehe kaya dineretso ko na lahat. After kong maligo magpapahinga na ako habang nagpapabasa sa Grade 1 kong anak. Kailangan padin kasi magpasa ng video sa teacher na nagbabasa ang bata kahit tapos na ang klase nila. Ayos lang din naman, kasi mahahasa talaga ang bata.

@Gerl

Good morning..paaraw muna kami habang di pa umaambon. Feeling ko kasi uulan mamaya kaya pjnalabas ko na sila ngayon. Dami ko padin labahan, I wawashing machine ko na para maubos na.

@Gerl

Ang anak kong 9 years old antagal matapos maligo, naka 30 minutes na sya sa Cr. Nagkukoskos pa kasi sya ng buong katawan gamit ang bimpo. Tapos sinisilip silip ng dalawang kapatid kaya ayon habang naliligo nakikipag-away pa🙄. Simula nung tinuruan ko sya kung paano magkoskos ng katawan antagal niya na matapos talaga maligo.

@Gerl

Kain tayo!!! Anong ulam natin dyan...kami miswa na may sabay na may gulay tapos pritong bangus. Ginutom ako ng sobra, simula ba naman kaninang paggising ko ng 5:30 am ngayon lang ako tumigil 😂 panigurado aantukin ako pagkatapos kumain pero bago ako matutulog ihhanda ko na ang lulutuin ko para mamayang hapunan.

@Gerl

Ang bilis ko naman magising, 10 minutes lang ang tulog ko kasi magluluto na naman talaga ako, maya maya gising na ang mga bata kasi maglalaro sila sa labas at magmemeryenda. Mukhang babalik na sa 45kls ang timbang ko kasi halos walang pahinga ang katawan. Ganito ako kapag limited ang pag gamit ng cellphone kasi di rin ako sanang na nakahilata lang, dapat lagi akong may ginagawa. Ang di ko lang kaya yung araw araw module ang kaharap😂

@Gerl

Kulog ng kulog katulad lang kahapon pero Hindi naman umulan. Sana ngayong gabi umulan kahit mahina lang, at least wala ng nagtatrabaho nyan sa labas, pahinga na at masarap matulog habang umuulan.

@Gerl

Gandang gabi!!! Maghapunan na tayo😀 maghahapunan na kami...ang aga pero okay lang yan para maagang makatulog ang mga bata lalo na at ang aga din nilang magising. Ngayong gabi lang ang oras ko sa paggawa ng article, Baka Hindi ko pa matapos kapag di agad natulog ang mga bata. Kung ano nalang ang matapos okay lang yun, bawal na din magpuyat 😀

@Gerl

Gising na gising pa tong dalawa kasi hinintay nilang makatulog yung isang kapatid na birthday bukas. Abala Itong dalawa sa pa-birthday nila sa kapatid. Ewan ko kung anong mga ginagawa nila haha! Parang mga arts yata yan, ginagawa nila yung mga paboritong i-drawing ng kapatid nila.

@Gerl

Pabirthday sainyo ng anak kong 7 years old☺️ Good morning, tara na at mag almusal! Makwento ko lang, kagabi ang lakas ng hangin na may kasamang ulan, parang bagyo. Ayon, basa lahat ng nilabhan ko kahit nakasampay naman sa pwesto na may bubong. Kaya mamaya ulit ang laba😁

@Gerl

Happy B-day damulag😂 ang anak kong mas lalong matanong ngayon lalo na sa panlabas nyang anyo. 😂 mahilig magsuklay, magsalamin at magbihis ng damit kaya dami ko palaging labahin. Making mabait ka sana talaga at masipag mag aram, yan muna sa ngayon ang wish ko sayo.

@Gerl

Magandang hapon...from my family...natatawa ako sa dawa ng mga bata, nahirapan daw sila magdrawing sa papa nila dahil sa mukha😂😂😂 Ang tawag nila dyan makukulit Family. At habang ginagawa nila yan wala akong alam kaya nagagalit ako kanina kasi nga tawa sila ng tawa ang ingay, yan pala ang ginagawa nila. Ang kukulit

@Gerl

Magpupuyat ako ngayon, parang may bagyo. Kapag ganito ang panahon gusto ko nakaligpit ang mga gamit, feeling ko lagi making babahain dahil sa mga baradong kanal. Samantlang nung dalaga pa ko sarap na sarap ang buhay kapag may bagyo, rest day sa trabaho at hilata araw araw, hehe.. pero ngayong pamilyado na parang lagi akong kinakabahan,

@Gerl

Kain tayo, pinakamasarap na pandesal na nakain ko. Parang may saying at malunggay to. At malutong yung labas nya pero malambot sa loob, sarap! At making pinasarap dahil malamig ngayon kahit maaraw. Good morning!

@Gerl

2 days na di ko pa mapublish article ko. Kapag ginagawa ko talaga sya sa gabi bago matulog lagi akong nakakatulog kaya di ko matapis tapos. Ngayon ko na tatapusin, Hindi muna ako gagawa ng gawaing bahay ngayong araw para makapagpahinga naman at sugat sugat na din naman ang kamay ko kakalaba. Habang nagpapahinga tatapusin ko ang article ko. Ang gloomy ng panahon kaya ang mga anak ko tahimik pero nagddrawing sila ngayon.

@Gerl

Tara! Arts time, since ayaw matulog ng mga bata kaya gagawa nalang sila ng mga paborito nalang gawin maliban sa paglalaro. Di na kailangan gumastos para magkaron sila ng mga gisto nila katulad ng masks dahil sila mismo,ang gumawa niyan 😍

@Gerl

Sinusubukan kong matulog at magpahinga pero malabong mangyari. Ano kayang dino-drawing nila kasi tawa na naman sila ng tawo na parang sobrang nakakatawa ang pinagtatawan ah.

@Gerl

Ang boring kapag walang earn 😂 hay buhay, hanap ako ng hanap marami talagang tigpipiso pero Hindi na pwede sa oras ko. Magandang gabi! As usual, magluluto na naman ang inay para makakain ng maaga ang mga alaga, walang nabago sa routine, buhay nanay padin 😀

@Gerl

Katatapos ko lang magsermon, hangga't di sila tumatahimik, ang bibig ko di rin matahimik. Nagsasapawan sa ingay, kaya ko pang pigilan kanina, pero ngayong gabi hilo na ko. Kaya di talaga natatapos ang araw na walang sermon na mangyayari, kapag minalas pa ay may kasamang palo yan, pagal.

@Gerl

Good morning...alas otso na kakabangon palang namin. Ang lamig kasi kaya ang sarap ng mga tulog. Sarap magkape habang nagpapaaraw sa labas ang mga bata. Pagbibigyan ko muna sila ngayon total sabado naman walang mga pasok sa work yung mga nakatira dito. Isang tao lang ang pakikisamahan namin 😀 pero dapat tahimik padin sila kahit nasa labas para mapayapa ang buhay....

@Gerl

Kumusta naman ang mga bakasyon ng mga estudyante nyo? Yung mga anak ko mediocre gumanda ang mga katawan nila, stress free sila ngayon except nalang kapag makukulit binibigyan ko ng kanya kanyang activities.

@Gerl

Kakatapos lang manuod ng mga anak ko ng balita tungkol sa sobrang paggamit ng gadgets ng mga bata. Sa tingin ko effective to, takot na sila kahit humawak ng cellphone. Grabe kasi talaga yung gigising sila ng 3 am para maghanap ng mga cellphone na tinago ko tapos nag aalarm pa kaya talagang mahahanap nila. Kaya naghanap talaga ako ng panakot sa kanila na Hindi ko na kailangan laging pagalitan para lang di gumamit ng phone. Sana talagang di na sila gagamit, natakot sila dahil…

@Gerl

Kape muna, stress relieved. Upo higa lang kami ngayong araw, wala ako sa mood kumilos lalo nat mga naglalaro at nkahilata ang mga kasama ko😂 Gusto ko magljnis kapag tulog sila at ayoko ng magulo habang naglilinis ako. Grabe ano, hehe buhay nanay andaming nakikitang kung ano ano, canon talaga lalo na kapag walang time para sa sarili. Gusto ko din sanang lumabas at magrelax pero no choice,,,sa ngayon...

@Gerl

wish nating lahat yarn...Madali lang naman magnakaw ng oras lalo na sa mga katulad nating nasa bahay lang diba??? Ang tanong, may mananakaw ba??? GRABE, sobrang bilis ng oras at araw ah, Sana bagalan ako, kaya lang kapag marami talagang nakaabang na gawain ganon din kabilis ang oras.

@Gerl

Just for fun..pero real talk yung tanong niya dyan 😂 Nakita ko lang yan sa group ng mga parents and teachers. Sobrang relate dito yung mga nanay at tatay pati na din mga single dyan na kumakayod pero yung sahod ang bilis bilis lang talaga, diba? Sobrang mahal na kasi ng mga bilihin.

@Gerl

Bukas ulit...Good night! Nagmumuni muni lang muna habang di pa natutulog. Sinusulit ko pa ang gabi na walang batang maingay. May time pa talaga ako para sa pagmuni muni, pero paghiga ko nito siguradong pikit agad ako nito.

@Gerl

Malamig na umaga noisers! Isa na namang bagong araw at dating gawi padin. At sana bagalan ang oras kahit 2x lang hehe, kailangan ko talaga ng mahabang araw sa araw araw. Kape muna tayo, para maging maganda ang mood habang may ginagawa☺️

@Gerl

Meryenda...Piyaya ito ang sarap pero minsan lang akong makakain nito,. Pasalubong din ang tawag sa ganito diba, di ko mabili araw araw dahil di pasok sa budget, haha! Nag iisip na din ako ng mga pwedeng kainin ng mga bata tuwing recess yung mura na masustansya at nakakabusog. Naku ngayon palang kagipitan na agad naiisip ko, huwag naman! Tapos service pa dahil di pwedeng lakarin ng mga bata ang pauntang school at pauwi ng bahay...

@Gerl

Bukas nalang...promise, bukas talaga tatapusin ko yan. Minsan sakit ko to, yung palagi ko ng ipingpapabukas yung mga gawain na pwede naman tapusin bago pa dumating ang bukas. Madalas to sakin mangyari kapag inaatake ako ng stress. Kahit gustong gusto kong gawin ngayon, basta stress ako, di ko magawa ng maayos kaya ang ending kinabukasan pa. Ang masama dyan kapag laging gjnagawa hanggang sa masanay na ipinagpapabukas ang mga bagay na pwede naman tapusin ngayon para makabawas…

@Gerl

Good morning...breakfast muna..habang tulog pa ang mga kasama. Maikwento ko lang yung mga kids ko, nagging effective yung pagpapanuod ko sa kanila ng mga news about sobrang paggamit ng gadgets. Nakinig sila, 4 days na silang di gumagamit ng phone at natutulog sila ng 8pm pero Grabe padin mga 1 hour pa sila nyan bago makatulog. Sa umaga dapat 6 am ang gising pero may gumigising padin sa kanilang 5:45 am at yung panganay ay 7am na. Pinapraktis ko din yang oras ng pagtulog at…

@Gerl

Nagtatanong ang anak ko kung bakit blue skies naman daw pero may ambon. Bakit nga ba? Yung maliliit na ambon yan tapos sobrang lamig ngayon kaya nakakaganda din ng mood, tapos towing gabi ay naulan. Pero sana walang mga bagyo na yan at nakaka-trauma. Feeling ko palagi kaming paalis dahil yung mga gamit lagi ko ng nililigpit talaga kapag umuulan ng malakas.

@Gerl

Relaxing... waiting nalang mag 12 para sa pananghalian. Mabuti talaga minsan na malamig ang panahon, kung yung iba ay natutulog ako naman mas gusto kong kumilos ng kumilos kasi Hindi ako mainipin kapag malamig. Sa ngayon, relax muna, 11 na djn ako natapos ng ibang gawaing bahay.

@Gerl

Good night...di ako active ngayong araw na to kasi tinapos ko talaga lahat ng gawaing bahay. Wala munang phone kanina, pero tuwing happy hour sa shopee nag oonline ako😀 sayang din ng mga coins. Sya, bukas nalang..kailangan ng matulog ng maaga dahil maaga djn ang gising bukas.

@Gerl

Magandang araw!!! Ang sarap gumising sa umaga na may araw. Kahapon kasi hanggang kagabi ay maulan. Makakapagpatuyo ako ngayon ng mga sinampay ko tapos mamaya kapag tuyo na uulan na ulit, ang sarap magpahinga. Medyo konti nalang kasi ang gagawin ko kaya maya't kaya nakakapagpahinga na ko. Ang dapat daw gawin para Hindi matambakan ng gawain ay i-balance ang lahat. Huwag mag stick sa iisang gawain na pwede naman ipagpabukas nalang. Unahin yung mga pangunahing gawain sa bahay na…

@Gerl

Oh, kanina maaraw pa. Ngayon, nandito na sits. Mild rain lang naman kaya walang dapat na ikabahala. Parang ang sarap humilata at manuod ng movie, pero in my dream lang haha! Ang mga chikiting ay walang pinagbago, umulan man at bumagyo hyper padin sila na kailangan bantayan talaga.

@Gerl

Snack time, mamon at root beer. Walang magawa dahil maulan, puro pagkain ang nasa isip ko pati mga anak ko maya't maya ang Kain. Habang kumakain ako nagluluto na din akong uulamin namin mamayang tanghali. Nagluluto akong sotanghon❤️❤️❤️

@Gerl

Gandang hapon!!! Ang tahimik naman tulog, tulog lahat. Kaya eto nagmamadali akong maglinis at naglaba ng konti kahit umuulan. Talaga palang may bagyo kaya ganito ang panahon natin. Di ko kayang matulog ngayon, mas gustuhin ko pang kumilos nalang para di ako tamaan ni katams😅

@Gerl

Ang lakas na ng hangin na may kasamang ulan. Ayoko ng ganito, may phobia na ko dahil sa bagyong glenda dati. Mamaya mga magbabasa ako ng news about sa bagyo kasi di ko pa alam kung kasama ting lugar namin. Feeling ko kasi may bagyo talaga,

@Gerl

Oh, hah! Ang lamig ng panahon dahil may bagyo. Oh ayan lang relieve sa sobrang lamig lalo ng ng tubig na pampaligo😁 Kain muna tayo! Gandang gabi !!!

@Gerl

May topak ang panahon ngayon, pero mas okay na ngayon dahil may araw talaga at nakakapagpatuyo na ko ng sinampay sa labas. 2nd cup na mga pala☕ kailangan ko to tuwing paiba iba din mood ko. Basta kailangan I try na maging okay palagi, sayang ng panahon kung magmumokmok diba, hehe

@Gerl

Kakaantok sobra, di lang makatulog at may mga gising. Tapos sobrang init din sa labas kaya mas lalong nakakaantok haha! Ewan ba bakit minsan ganito ako kaantukin kahit pa nakadalawang kape naman ako kanina. Ittry ko ngang gumawang article ngayon kahit papaano ay gagana ang utak nakaupo lang. Yung article ko nga pala di ko matapos tapos dahil lagi akong nakakatulog, palagi ko na kasing pinapahuli dahil nga may mga tinatapos akong gawain, so di na inaabot ng oras ko.

@Gerl

Good evening...Kalma lang ang panahon ngayon. Kahit hapon na ko kumilos productive padin, dito sa bahay syempre hehe.. pakakainin ko na ang mga bagets para maagangakatulog pero syempre dapat sure na after 2 hours pa di naman pwedeng matulog ng busog. Maliligo pa sila bago matulog. Ako lang ba ang nappressure? Haha! Natataranta ako dahil nga araw araw ko ng naiisip ang physical class nila, paano kaya ang oras namin???sana mamanage ko ng maayos, diba???

@Gerl

Gising pa ba? Ako gising na gising! Siguro naman di na ko gugutumin nito mamaya kahit puyat ako. Ilang araw na kong nagki-crave nito kasi nga ulan ng ulan kung mga nakaraang araw. Bukas sotanghon naman😋

@Gerl

Maghapon ko silang pinabayaan sa kwarto at yan ang nadatnan ko. Yung mga tinago kong school supplies inilabas nila lahat dahil boring daw sila. Wala na kong magagawa nyan🤣 naboborimg eh!

@Gerl

Hay salamat, pahinga ng maaga. Walang magawa na kaya manunuod nalang akong movie hanggang sa makatulog. Sino nga palang nagsya-shopee dito? Tiba tiba ba kayo sa shopee coins at ang pao?😁