Gising na ulit ako😇. Nag uumpisa na sa gawaing kusina dahil maya maya ay gising na ang mga bata. Antok pa sana ako pero kailangan kong makapagluto ng almusal bago pa sila magising...☺ Good morning!
@Gerl in July 2021
Here is the sunshine after two weeks of rain. I thought about how the children could play outside without making noise so as not to be scolded by the owner of the apartment. Two weeks is long enough for my children who were stayed inside the house continuously. Nag aalala lang ako kasi siguradong maghahatid ng hindi maganda sa kalusugan ng mga bata ang hindi pagpapaaraw dahil isa sa mga nagpapalusog ng katawan ay ang sikat ng araw sa umaga.
Paksiw na isda yan, nasa ilalim kasi ang isda😅 kung ano anong gulay nalang ang inilagay ko para dumami ang ulam namin😅 magugustuhan yan ng mga anak ko kahit paksiw kasi galonggong yung isda. Yan yun ulam namin kaninang umaga, tapos mamayang tanghali piprituhin ko kasi mas gusto nila ang prito tapos magluluto akong ampalaya😋. Tapos may apple after kumain kasi mapait daw ang ampalaya. Tapos mamayang gabi naman... Haha mamaya na , mag iisip pa ako.
Ang cute! Kahit nagtanim na ko niyan namatay padin, pero iyan dahon na yan di naman tinanim, natanggal lang pero natubo ang mga dahon. Ano ba ako? Bakit ayaw mabuhay saakin? Grabe haha! Pati halaman inaayawan na ako. Mga walang puso! Haha! Joke lang!
Taas Ng araw! Kasingtaas ng bakod dito kaya ang init, walang masyadong madaanan ang hangin. Tambay kami dito sa pinto lang, para walang maistorbo na kapitbahay. Mga busog pa ang bata, antukin kaya sila? Mukhang imposible kasi haha! Ang hhyper ng mga ito kahit pagurin di talaga matutulog kapag hindi pinilit.
Nasabihan ko na yan na "utang na loob, matulog na kayo, maglalaba pa ako ng mga dami nyo". Puro kalokahan, mukhang walang mangyayari, masasayang lamang ang oras ko. Buti pa yung isa sinabihan ko lang na may donut pag gising, ayon todo pikit na sya haha! Tapos pag gising nya wala naman donut😂 lalo akong mamroblema nito😂😂😂
Snack time! Natulog sila kanina pero nakatulog din ako kaya di rin nakapaglaba. Kaya ngayong hapon ako maglalaba, kailangan kong mabawasan ang labahin dahil bukas may kaagaw ako sa sampayan☺. Tapps mamayang gabi nalang ang online enrollment nila, pinaulit kasi sa hindi ko alam ang dahilan... Napakabilis! Next week yata start na ulit ng modular class namin, August.
New Update: Pinned post 😍 Thanks @parot, sayo ko to nakita. Okay din naman ang may 📌. Hahanap ako ng magandang pang pin post ko, parang Twitter nakakatuwa!
Magandang gabi! Makakahabol pa ako sa mga nilabhan ko. Dahil sobrang init naman, palagay ko hindi uulan ngayong gabi kaya pwede kong isampay ang nilabhan ko sa labas. Kailangan ng magsampay para maihabol ko pa ang sunod na batch ,☺.Bago matulog tatapusin ko to para bukas stop muna.
Habang nasa kwarto ang mga anak ko, patikim ng pagkain nila😅. Gusto ko talaga ng matamis ngayon. Di pa naman ako matutulog kasi nga magpupuyat ako. Kagat nadin kayo, para syang lasang oreo. Parang oreo ang sprinkles nya. Sarap!
Good night sa mga matutulog na 🙂 Ako babalik pa dito mamaya. Pipilitin ko munang matulog ang mga anak ko dahil past 10 na, masama sa kalusugan ng mga bata ang puyat. Tatakutin ko sila dito sa buwan. Alam nila yan na may witch dyan na lalabas😂 saka aswang haha! Grabe ang tindi ng mga to gising na gising pa talag.
Sinong relate dito, kapag kaaway ng tatay ang anak, mas kaaway ng nanay ang tatay 😅. Walang halong biro, kapag talaga ang ama ay napalo o nasigawan ang anak, laging nandyan ang ina at sya talaga magiging kaaway ng ama. Katulad nalang sa sitwasyon namin, kapag nagagalit na ang asawa ko sa mga bata, nandyan na ko nagmamasid at nagbabantay sa sunod nyang gagawin...
Good morning! Makulimlim na umaga! Medyo late aking gumising ngayon, mgabtulig pa kasi ang mga anak ko. Kaya eto magluluto palang ako, sana bago sila magising tapos na ako. Antok pa pero pipilitin...
Ang ganda kanina ng kalangitan, kuha ko yan ng mga 7 am tapos ngayon bigla nalang dumilim. Uulan na naman yata, pero sana mahina lang hehe.. Mababasa yung mga sinampay ko at isasamapay ko palang. Pero napakaganda kanina..deceptive din 😅
Namulaklak ulit say after malunod sa ulan. 2 weeks na pag ulan, naka hanging pa yan, palaging puni ng tubig ang pot biyan pero hindi naman, namulaklak pa sya. Yan yung tanim ng matanda dito sa gilid namin nilagay. Pero yung mga portulaca nya namamatay na din paisa isa. Bakit daw dito sa may banda saamin namamatay ang mga halaman nya? Kasalanan ko na naman ba??? 😂😂😂
Indoor plants ba to? Bat parang anahaw? Natatakpan na yung pinto nila, para talagang anahaw😅 pero ang ganda ng dahon nya. Sa may pinto nakalagay ang laki na. Parang di maganda na nakalagay sa entrance ng bahay nila kasi natatakpan na ang pinto.
Meryenda muna tayo, pantawid gutom lang. Naglalaba padin kasi ako, masakit na sa balakang at mga braso. Magpapahinga lang ako hanggang 1:30 pm tapos magbabanlaw na. Medyo matagal kasi ang bibigat ng mga hoody ng asawa ko mabigat pa sa pants nya😅. Natambak kasi hindi ko nalalabhan ang nga damit nya, mga damit lang ng bata. Ayoko ng ulitin mgtambak ng labahin nya. Nakakapagod.
Pangalawang meryenda ng mga batang to. Natapos na ko maglaba pero dahil 4 pm na magluluto na akong hapunan. Mamayang gabi na talaga ako makakatambay dito 😀. Ang sarap sa pakiramdam na nabawasan ang labahin, may tira pa eh, 2 batch na ulit kasi ngbihis na naman sila😅😭.
Sinong relate? 😅 Kapag may nakuhang pera sa bulsa ng labahan ng asawa ay automatic kanya na.🤣 Katatapos ko lang mag ayos nag lalabhan ko ulut bukas ng umaga. Ang next na lalabhan ko ay mga maong na pants ng asawa ko na matagal ng nasa labahan, nagmomodular class pa kami nasa labahan na yung mga pants nya at bukas ko palang malalabhan. Ang swerte ko dahil may pera sa bulsa 😅. Dalawang buwan ng nasa labahan😁.
Bigay Ng kapitbahay 😅 natatawa ako kasi nagluluto ako ng pansit ngayon na ganyan din na luto🤣. Di na kasi kami magkakanin, pansit at tinapay nalang kasi wala na akong stock dito. Ayan, binigyan kami hahaha! Kapag mga pagkain katulad ng pansit ay madalas may kasabayan ako dito na kapitbahay sa pagluluto. Tara kainin na natin yan, puro pansit hanggang mamayang gabi pansti 😃 Ito yung kapitbahay ko na ginaya ko ang luto nya na may tofu ang pansit saka embutido.
Throwback Ng mga superhero ko, ganon na ganon sila sa movie ng mga superhero, ang gugulo, daming sinisira. Kala mo may nililigtas, yun pala may mga sinisirang gamit.😅 Katatapos ko lang ulit magsampay, kakain muna kami. Pagkatapos kumain tuloy ang laban😅😅😅 Good evening pala, sa totoo lang kumikirot yung ni-ligate sakin.
Dati ang hilig kong manuod ng Tulfo in Action, ngayon pinipili ko nalang ang mga pinapanuod ko katulad nitong Maid vs Billionaire na si Timmy Tan, yung anak ni Lucio Tan. May offer na negosyo pangkabuhayan yung bilyonaryo sa Maid para iatras ang kaso, buti nalang hindi pumayag yung maid. Dito makikita kung hanggang saan ang kapangyarihan ng billionaire na to, si Raffy Tulfo ang tutulong sa Maid. Hindi talaga lahat kayang tapatan ng pera.
My first experience sa dagat was last 2005 in Batangas! Ang tipid ng experience ko sa galaan nung dalaga pa ako. Sana nilubos lubos ko na...Sana bago ako mawala, mapuntahan ko ang mga lugar na gusto kong puntahan.. Good night 🖤
Good morning!!! Huwag talaga tayong papaloko sa panahon. Nung isang araw ay tirik na tirik ang araw pero kahapon umulan agad hanggang ngayon umuulan. According to the news, more monsoon rain in NCR Luzon. Kaya ingat mga taga Luzon, baha yan sa ibang lugar. Sagabal sa mga nagwowork sa labas at sa mga nanay na naglalaba😁.
Naglalaba na ako ng mga pants ng asawa ko. 13 na mga maong na pants. Ngayong umaga my nakuha padin ako 😁 sa likod na bulsa ng pants. Isauli ko ba? Haha! Di naman kasi sya nagtatanong hahaha! Pero naalala ko nung nagtanong sya kung meron daw akong cash, sabi ko sa kanya bakit ako magkakaroon ng cash di nya naman ako binibigyan. Di kasi sya nag iiwan ng pera, di rin ako humahawak ng pera nya. Natawa lang sya. Baka kung pinabibintangan nya ako sa isip nya lang😅.
Grabe manh prank tong draw😅 lumabas yang araw kanina habang umuulan. Kinuha ko lang saglit ang phone ko segundo lang kasi pipicturan ko pagbalik ko nakatago na agad sya. Good luck sa mga nilbhan kong mga maong na pants at makakapal na hoodies 🤣
Kain po ulit, ganito kapag maaga nagising mas maraming kain ang nagaganap kasi maya't maya ay nagugutom. Dahil tapos na akong maglaba, nagluluto naman ngayon at mukhang makakatulog mamayang tanghali. Babawi ako kasi masakit talaga sa balakang at tagiliran ko. Kailangan magpahinga naman total naulan naman eh.
THROWBACK, Bago pa mahulog ang phone ko sa mukha ko, share ko lang to, nakakamiss!! Hindi lang yung beach kundi yung lugar na pinuntahan namin. Ayan, matulog muna ako. Sana mapanagjnipan ko ang isang Isla na ako lang mag isa. 🤣
Ito yung time na dalawa palang ang anak ko at gusto kong may baby girl. Pero dahil walang baby girl, lagi akong nag e-edit ng mga pictures nila na ginagawa kong girl, pero wala talaga. Naging tatlo sila na lahat boys 😁.
Nakisalo ako sa mga anak ko sa snack nila. Kape sakin at gatas naman sa kanila. Wala kaming ibang activity ngayon khndi ang maglaro at kumain maghapon. Walang tulog na nangyari kasi hindi rin sila natulog ☺. Ang sarap sa pakiramdam na nakalaba talaga ako at isang batch nalang ang natitira. Mamaya bago matulog lalabhan ko na para bukas magsasampay nalang. Para bukas na ako magtutupi ng mga damit na ilang batch din numg nilabhan ko 🤣🤣🤣🤣 gabundok na tupiin.
Isa sa mga tinanggal ko ngayon ang Messenger App, effective siya, nabawasan ang oras ko sa pag gamit ng phone at nakagawa ako ng mga gawaing bahay, pero kalaban ko talaga ang kulit ng mga bata🤣. Bukas kapag hindi ako nakatiis ibabalik ko ang Messenger 🤣. Nakakaboring kapag walang kakwentuhan. Iba kasi yung kakwentuhan na kakilala mo talaga sa personal. Yun lang naman ang kausap ko palagi sa Messenger ang mga kapatid ko.
Nag start kaninang umaga maglaro mga bandang 7 Am hanggang ngayon alive na alive sila. Wala pang sign na matutulog. Hayaan ko nalang muna sila hanggang 10 pm habang nakatambay ako dito ☺.
My kids are now sleeping because of him (in the photo). Since they were noisy and it's late night, I decided to look for scary videos on YouTube for kids. But, it was nothing to them, they laughed. What I did next was, I changed our sister's GC profile photo into a police photo and started calling it. Now I know, the police photo is the one! Haha!!
1:46 AM, too late to bed, Good night. I set my alarm clock at 7 AM, I still have 6 hours of sleep. Always remember, sleep deprivation kills life ☺
Good morning! Walang nabago, eto busy padin sa labahin. Umaambon kasi kaya nakabantay ako, kapag lumakas ang ulan ipapasok ko na ang mga sinampay kong malapit ng matuyo. Baka kasi bumaho na yung hindi ko pa naisampay kahapon tapis naglalaba ako ng last batch na labahin ko ngayon. Kailangan kng tapusin na para maramdaman ko naman ang feeling na walang iniisip na tatapusin na gawain.
Second cup, di ko naramdaman yung kape kanina. Pampalakas ng loob hehe, may sinat ang bunso ko, sana huwag naman matuloy. Ayoko ng mga ganyang eksena eh. Naglagay ako ng sibuyas, sana umepekto. Kasi effective sya dun sa pangalawa kong anak. Yung Himalayan salt din, sa buong buwan na pag gamit ko nun na walang absent wala talagang nagkasakit sa knila kahit allergy sa alikabok. Pero ngayon sunod sunod na naman yung allergy nila naponde kasi ang ilaw kaya di ko na naman magamit.
Get well soon Ken 👶 😷 Ang limit at ang ingay niya 😄 Sabi ko matulog muna para pag gising magaling na siya. Mabuti nalang may TGP na malapit dito. Okay lang naman ang generics na mga gamot kapag mild lang ang lagnat. Sinat palang naman. Ayoko ng mga ganito, natatakot ako lalo na kapag bata ang may sakit kasi ayoko talagang pumunta ng ospital. Tapos nagkakahawa hawaan pa silang tatlo. Ang tagal gumaling kapag nagkakahawaan kasi paikot ikot lang ang sakit. Ito yung kinakabahan…
After taking of medicine, he sleeps. Dahil tulig na say magmamadali lang akong maglinis ng kusina at maliligo ako. Ang hirap kumilos kapag may anak na may sakit kasi parang stress siya kapag walang nag aasikaso sa kanya. Gusto nya lagi lang akong nasa tabi niya. Kaya ngayon mabilis suang nakatulog kasi katabi niya ako. Gusto niya lagi siyang nakahawak saakin. Di na to baby pero ang baby pa mag isip hehe..
Gising na agad yung bunso ko tapos yung dalawa hindi natulog. May pang resbak saakin ang panganay ko. Bakit daw hindi naman ako naglinis. Sabi ko kasi di naman sila natulog. Hindi daw dahil dun kaya hindi ako nakapaglinis. Nag cellphone lang daw ako, pero ang totoo kaya ako nag cellphone kasi kausap ko na naman sa messenger ang mga tita nila. Si @susie at @jhuls 🤣.
Inspection muna ng tinapay bago nya kainin. Ang arte ng isang yan talaga 🤣. Baka daw may langgam, ininit ko yan eh, o baka daw may sunog. Yung gatas tinitingnan nya din kung may buo buo pa na di natunaw. Nakakatakot magkamali, mga prangkang bata pero kapag naging tiger naman ako tahimik sila. Di rin kasi pwedeng hayaan na lahat ng nakikita nila ay lagi silang magsasalita. Ako padin ang masusunod syempre.
Ang dami kong tupiin na mga damit na nilabhan. Marami pa sa labas nakasamapay😁. Bukas nalang yun kasi 5 pm na dapat nga nagluluto na akong hapunan. Pero kailangan ko kasi mailigpit ito dahil gagawin din nilang laruan to. Baka gupitin ang print sa mga damit😂. Naku pati nga higaan ginugupit yan pa kayang mga nasa damit nila..
Kapag may sakit ang mga baby nagrerequest ng mga gusto nilang pagkain na di ko palaging binibigay 😃 pagbigyan na para mas mabilis gumaling. Ang favorite pancake nila, except sa panganay kong ayaw ng pancake dahil sa mga butas butas 🤣. Hay naku, good evening! Sana makaligo ako bago matulog.
Dinner!!!! Konting kembot nalang matatapos na, pagkatapos kumain liligo ako after nyan mahaba haba ulit na pagpapatulog sa mga bata. Kapag tulog na sila saka lang ako makakapag ligpit ng pinagkainan. Hay!!!! Pagal na maray 😁. Mag how to manage your time paba??? Haha! Huwag na! Kung ano yung makaya ng katawan at oras ko.
Good night! Patutulugin ko muna ang mga bata. Kapag tulog na sila, saka lang ako titingin sa notifications ko dito sa noisecash. Nahilo ako kasi maghapon akong mag ginagawa. Walang pahinga.
Good morning!!! Nakakagising na umaga dahil sa price ng Bitcoin Cash! Kailan na kaya ako makakapag hold hehe, wala gipit eh kaya nagagastos pero okay lang yan. Good luck sa mga magcoconvert kasi tumaas na talaga siya. Mas mainam kapag naabot nya yung 75k diba, tiba tiba kayong lahat ☺.
Nagtuturo ang kuya nila 😍. Minsan lang yan kapag di ko sila pinapansin na galit ako nagbebehave sila. Pinapakanta nya ang bunso ng alphabet, ang sungit haha! Mamaya ko sila papansinin kapag kakain na. Pabor na pabor saakin kapag ganyan ang ingay nila kasi hindi masakit sa tenga. Sana araw araw ganyan sila para mabawasan stress namin lahat. Haha! Kasungit nga lang ng kuyang nagtuturo. Sa ngayon tinuturuan nya ang bunso ng mga pangalan na English ng mga larawan.
Pansit na naman??? Nagagalit na ang bunso ko sa pansit 🤣. Di bale, ako ang kakain ng pansit at gulay at manok sa kanila. Nagrereklamo na kasi palaging may pansit daw na malalaki. Gusto na naman nila yung maliliit daw, bihon yun. Nagsawa na ako sa bihon. Good afternoon!!!
Ang bango ng Lavender, ito yung favorite kong fragrance oil sa humidifier ko. Halos one week na barado yung kanal dito sa may gilid namin. Kaya ang nangyari umaapaw yung tubig hanggang dito sa harapan ng apartment namin. Naghalo halo na lahat ng nakakdiri na makikita sa tubig. Yung binili kong alocasia na elephant ear ay napakabilis maapektuhan nung tubig galing sa kanal siguro dahil sa minsan may sabon yung tubig. Dilaw na ang kulay ng dahon mamatay na siya, sayang ang pera…
Last batch na labahin... As in walang matitira kahit isang tela🤣 para bukas linis ng bahay naman. Kapag may labahan feeling ko pasan ko ang buong mundo🤣.
Kinukulit na naman nila ako ng pancake, naglalaba pa ako. Ang hirap kumilos ng sabay sabay. Naghahabol pa ko ng init at hangin sa labas kaya dapat maisampay ko tong nilalabhan ko. Para bukas ng umaga tuyo na sila kasi may mga bedsheet at towel pang kasunod na isasampay.. Hay naku ang sarap mapagod🤣.
Hayssss... Pwede bang huminga dito? Nakikinig muna ang mga bata sa spotify, kid's songs. Natahimik sila bigla 🤣 bawal muna manuod ng videos kasi masosobrahan na naman mga adik ma din. Saka pinapanuod nola yumng mga gusto nilang superheroes, di nakakatulong kasi ginagaya nila ang ginagawa ng mga superheroes na napapanuod nila. Ang gulo gulo ng loob ng bahay namin eh. Lalo ako naistress.
Katunayan yung background na palaging nauunang kumain ang mga bata bago ako, 🤣 Palagi akong panghuli para habang kumakain sila may nagbabantay. Kaninang tanghali ay dalawang oras silang kumain kasi nagkkwentuhan pa. Madalas sinusubuan ko talaga sila para mas mabilis matapos.
Nagluluto padin ako 😰 Igigisa ko pa yan sa sibuyas carrots at luya. Para kahit papanu ay basa ang ulam 😳. Good evening! Di ako makatambay pa. Naliligo na ko sa pawis haha! Dami pa ginagawa.
Kanina pa ako nagpapatulog sa kanila 😰 Good night daw po...pipilitin ko na silang matulog kasi talagang maling mali na sa oras ang pagtulog nila gabi gabi. Kapag di binabantayan nagluluksuhan pa sa higaan kaya hindi inaantok. Maghapon naman sila naglaro kanina, nag inom pa ng gatas ngayong gabi, pinaliguan ko pa sila ngayong gabi. Hay naku, panu kapag may Binemon games na?? 😅
Maliligo na ko, gising padin ang mga anak ko. Nag inom naman silang gatas ngayong gabi, ang hyper nila. Minsan pinapatayo ko yan kaso baka makasanayan nila na tututlog lng ng maaga dahil may parusa. Hayaan ko nalang kaso maingay. Ang dilim na sa kwarto pero di daw sila inaantok. Kakain pa nga akong hapunan. Kung wala lang sili ang sawsawan ko dito. Di na sana ako kakain😅 pero dahil may sili di ko to palalampasin🤣.
Dahil tulog na silang lahat, ang mga anak ko... Babawasan ko ang pagkain nila😁 Ang sarap kumain kapag walang ginagawa. Kasi kapag gising ang mga anak ko, hindi ako nakakakain ng maayos dahil di ko nararamdaman ang kinakain ko. Maya't maya sisigaw ako kahit kumakain dahil saway ako ng saway sa kanila. Kapag ganitong ako lang ang gising, madalas na ginagawa ko ay kumain.
Magandang umaga! Swerte ng tatlo daming chicks 😁 pag gising ko daming ligpitin at naoakaagang gumising ng mga batang yan. Puro balat ng mga cup cake sa kusina inubos yata nilang kainin yung pang 15 days nilang pagkain😅. Grabe talaga, yung mga essential oils tinanggal sa mga karton at nag drawing sa mga karton.
Inaatake na naman ako ng kalungkutan na hindi ko alam kung bakit. Kapag ganito ang nararamdaman ko nag iisip na ako ng pagkakaabalahan na hindi madadagdagan ang naradamdaman ko. Kapag ganito, nagluluto ako ng masarap na pagkain sa panlasa ko at naisip kong lutuin ay macaroni soup at pancake na sigurado naman na matutuwa ang mga anak ko. Ewan ko lang kung matutuwa ang asawa ko na laging sa cellphone nakatutok. Siguro kung walang noisecash palagi talaga akong stress....😎
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa tatlo ko. Kapag pinatutulog ko sila sa tanghali makakatulog sila ng mga 4 pm na. Tapos mga 11 or 12 na matutulog sa gabi pero maayos naman ang pagtulog nila. Kapag hindi ko naman pinatulog sa tanghali, ganon padin matutulog sila ng 11 or 12 ng gabi pero maligalig sila. May nananaginip na gising at may umiiyak. Parang mas maganda kung patulugin ko nalang sa tanghali kaso antagal nila matulog nasasayang ang oras ko sa kakabantay.
I'm so disappointed! Pero di ko rin sila masisisi. Pagpunta dito ni @susie nung Sunday nakita nya pa tong mga halaman ko na malulusog. Pero nung Monday barado yumg kanal dito na daanan ng tubig galing sa cr at lababo, syempre may mga sabon at kung ano ano pa. Ang bilis lang nyang nag yellow ang mga dahon. Pero matigas pa ang mga tangkay nyan. Yan yung parehas na binili ko nasa ,500+. Sayang lang. Yang isa may bagong sibol sana pang limang dahon na tapos nasira lang lahat.…
Nakompleto ko din yung 5 na pets pero mahihina lang sila🤣 may isang unicorn dyan na nka fusion sa kuting yang may pakpak dyan🤣 ang cute. Waiting nalang sa games. Mahihina lang yan pero hindi biro talaga ang presyo sa katulad kong pulubi lamang. 5k puhunan ko dyan. Nakakaloka yung iba na kaya gumastos ng malaki talaga. Ako yan nalang di na ko maglalabas ng pera.
Mabuti nalang may nabuhay pang halaman, yang maliit na dahon bagong sibol, parang pwede siyang tanggalin sa paso na hindi kasama ang mga lumang kasamahan nya. Naistress talaga ako dahil syempre pati lupa siguro hindi na pwedeng gamitin dahil nalagyan ng tubig na may sabon. Ang nailigtas ko lang ay ilang halaman lang na nakapatong sa patungan, hindi nakasipsip ng tubig na galing sa kanal. Pero ayoko na muna talagang maghalaman. Kung ano lang yung natira ay yun lang muna ang…
Dahil hirap ako sa pang uuto sa dalawa kong anak na magkaaway, si kuya muna ang magliligpit ng mga kalat. Grabe magtampuhan ang dalawa, yung bunso at pangalawa pero di naman sila nagsusuntukan. Nagkakanya kanyang siksikan kung saan saang sulok. Napipikon yumg bunso ko kasi sinasabihan sya nung pangalawa na palagi daw galit sa kanya dahil ang bibig daw ay ganito ☹ haha! Natawa ako sa kanila😂
Ang tahimik nila ngayon🤣🤣🤣. Ang pakiramdam ko ay takot na bigla silang maistorbo dahil magugulo na naman ang mundo ko 😂. Hay naku! Pero kailangan ng istorbohin dahil kakain na tayo mga bata! Kakain, maliligo at may session pa tayo ng ilang oras para sa pagtulog nyo😅.
Eto na naman ako, kailangan kong mag headset kasi ayokong mapalo ang mga anak ko. Total naman ay may mga lasing na maiingay na nakatira sa second floor, hindi ko muna patatahimikin ang mga anak ko. Minsan lang naman sila malaya sa pag iingay. Sabayan nila sa pag iingay yung mga lasing na kapitbahay. 😁 Kapag sinaway ang mga anak ko humanda saakin dahil mas maingay yung mga matatandang lasing😅.
Almost 5 years when the last time we had been on the beach! When will be the next visit? We really don't know.... My kids starting to imagine sea water, sand, and even the sand castle..
Good evening! Mukhang wala parin kaming balak matulog, kaya makiki-noise nalang muna ako dito sayang kasi ang oras kakahintay na makatulog sila. Thank you noisecash for the blessings! Laking tulong mo saamin. Sobra po!
12:07 AM Good night sainyong lahat!!! Maliligo palang ako 😬 Di ko kaya matulog na walang ligo, maghapon napawisan. Bye...Good morning!
I just finished bathing and it's 1:03 Am, will go to sleep after drinking milk. It was a tiring Saturday but at least, I did many things useful for the whole day 🙂. Have a good night's sleep and see you all later...
Good morning mga tao! Ang aga kong nagising. Excited akong mag kape kaya heto napaso ako, ang sakit sa dila kaya hindi na masarap yung sa panlasa 😅. Maaga ako ngayon kasi maraming gagawin. Yung marami na yun, di yun matatapos ngayong araw 😁 basta may kasamang laba at linis ng bahay. Tupiin palang na dami baka abutin aking 3 hours syempre kasama na ang pag aayos lahat ng dami na nasa cabinet. Kaya eto ako ngayon, nagdadasal na sana bago magising ang mga anak ko nakapagluto na…
Ang gandang araw! Nagising na ko kanina perp after ko magkape natulog ulit ako. Pag gising ko ngayon tulog parin ang mga kasama ko. Anong level kaya ng energy ang ipapakita nila sakin paggising...🤔Mukhang nakakalamang na sila masyado😁. Laba day ko pa naman ngayon kaya hindi ko sila masyadong mababantayan. Ayoko ng matambakan ng labahin katulad ng dati kaya ngayon laba ulit, Araw arawin ko ang paglalaba para hindi dumami. Hindi naman nakakapagod maglaba kapag konti lang ang…