Kahapon sumasideline ako at soot ko yang mask na yan, basang basa siya sa pawis ko pawisin kasi ako kunting galaw lang pagpawisan na. So yun sinuot ko yan na mask basang basa talaga sya ganun din pag-uwi ko soot ko parin yan, sinampay ko sa sampayan ko pag-uwi ko kagabie hanggang bukas andoon pa rin sya, kanina kinuha ko sa sampayan para suotin ko sa labas para bibili ako ng kape. Pag tingin ko nilalanggam pala yun kasi natuyo yung pawis ko sa mask. Nagulat ako pagtingin ko sa mask haha. Grabe ganun ka taas ang aking sugar para langgamin pawis ko? Nakakagulat naman. Acctually hinde lang yan pati laway at ihi ko nilalanggamin din. Diabetic talaga ako, hinde pa din ako nakapacheck up kasi wala pa sapat na ipon. Kapag nagkasugat din ako lumalaki pa siya bago gumaling. Noong bata pa kasi ako mahilig ako sa matatamis na pagkain kaya nagresulta na ngayon, hindi rin ako pwede sa maalat kasi na hospital ako dahil sa U.T.I ko. Parang bawal nalang lahat sakin 😥. Kaya ngayon pinagbabawalan na ako sa mga matatamis at maalat ano nalang kakainin ko ngayon? Parang masaklap naman yun 😁. Good afternoon.
3 comments
Hala ang sweet mo pla.. dapt pl hindi k tlg mgkakasugt
Oo nga eh. Pero minsan tanga tanga 🤣
Sana magpacheck up ka para makapag maintenance meds ka na. Mahirap may diabetes. Ung asawa ko nagdadialysis na. Stay healthy po.