read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

Grabe ang bagyong Paeng damang dama na dito sa amin.Kagabi basta ulan lang siya pero ngayon medyo may hangin na.Ang lamig walang tigil sa ulan kaya apektado na naman ang bahay nina Nanay basta walang tigil ang buhos ng ulan sa kanila naiipon ang baha dahil nilagyan na ng pader ang kabila nyan.Dati di namin pinoproblema ang baha kase sa gubat yun didiritso kaso ngayon malillit lang na butas sa pader ang lusutan ng baha kaya hindi agad ito maalis.Mawawala lang ito kapag tumigil na ang ulan.Ang tendency kapag napuno na ng baha ang likod bahay nina Nanay papasok na ito sa kusina nila dahil mababa lang ang bahay na ito.Hay sana mawala na ang bagyo para wala ng pag alala.Sa ngayon lumikas na sila sa bahay ng ate ko na medyo mataas at katabi lang din ng bahay nila.

20 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.