read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

Saludo sa 4 na ito as Blood Donors ng kapatid ko.Sila ang mga totoong Bayani.Hindi biro ang mag donate ng dugo ng walang hinihinging kapalit.Isa dyan ang kapatid ko,hipag nya,tiya ko at pinsan.Salamat sa inyo sa pagdugtong ng buhay.Alam ng Panginoon ang inyong kabayanihang ginawa kaya alam ko madami pang blessings ang dadating sa inyo Salamat Lord bawat panalagin namin ay dinidinig mo.Umpisa pa lang ng pakikibaka nya noong nasa bahay pa lang ang kapatid ko ay talagang binigyan mo siya ng tibay ng loob at tapang hangang sa ngayon na naka admit na siya sa unang proseso pa lang ng Antigen test nila negative.Ngayon lumabas nman ang resulta ng swab test at negative pa din.Hindi mo hinayaan magkaroon ng balakid para hindi maproseso amg dialysis na gagawin sa kapatid ko.Palagi kang may instrumento na pinapagalaw.Kahit nasa public hospital lang ang kapatid ko at medyo mabagal ang proseso pero lahat naman ng galaw y may nagiging mabuting resulta.Instrumento na lang at update ng doktor ang kailangan para masalang na ang kapatid ko sa first session nya ng dialysis at alam ko po sa kabila ng paghihintay ay magandng resulta ang aming aanihin.Thank you God.. Sadyang God is good all the Time🙏😇

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.