Good morning po mga kaingay. Sarap ng feeling na walang klase. Kaya medyo matagal akong nagising at wala akong ganang kumain ng breakfast. Kaya tinapay lang muna kakainin ko ngayong umaga. Parang breakfast at merienda ko na po ito mga kaingay. Sana naka-merienda narin kayo mga kaingay.
Hello po mga ka Mema, good morning po sa lahat. Ayos lang po ba ang Tuesday morning natin? Second day na pala ng klase ko ngayon pero kakagising ko lang mali-late na yata ako ngayon today kasi 7:45 AM ang simula ng klase namin tapos hindi pa ako nakapagahanda parang tinatamad akong mag-aral kaya si mama nagsesermon na sa akin kasi ang tagal ko raw gumising. Okay lang kung mali-late man ako ngayon first time ko pa naman simula ng face to face class.
Mag-ingat po tayong lahat sa maghapon kaingay.
Gandang hapon po mga kaingay. Isang oras at kalahati nalang at matapos na ang klase namin. Medyo bored ako ngayon sa klase kasi panay discussion lang si teacher wala masyadong activities inaantok tuloy ako. May breaktime pala kami ng 15 minutes sa hapon kaya nakapag-ingay ako saglit. Makulimlim dito sa amin ngayon kaya may pagbabadya ng pag-ulan sana naman hindi lang uulan mamaya.
Kumusta po ang hapon ninyo kaingay?
Good morning kaingay, Monday na naman at oras na naman para pumasok sa school. Sabi ng teacher namin by November daw ay every day na ang klase namin ngayon kasi twice a week lang kami punta sa school. Nakakapagod siguro kapag every day na ang klase nakakapagod nga ang dalawang beses lang isang Linggo ang araw-araw pa kaya? Balik adjustment na naman nito mga mag aaral pati narin mga guro.
Cge po mga kaingay maghahanda na po ako para makapasok na ako sa school.
Good morning po mga kaingay. Kumusta po ang Sunday natong lahat? Ngayon lang ulit ako nakapag update dito kasi na busy ako kahapon sa birthday ng pinsan ko. Tumutulong din ako kahit papaano.
Medyo marami din ang taong naki-celebrate sa tito at tita's side ko lang pati narin mga kapitbahay. Mabuti nalang nagkasya ang simpleng handaan.
Good morning po sa lahat. Ang aga ko pong nagising kasi maaga akong ginising ng Tito ko mapapasama siya ngayong madaling araw sa bayan. Birthday kasi ng pinsan ko at kailangan niyang mamili ng maaga ng mga kakailanganin para sa birthday. Lapangan na naman ito later kaingay at for sure may mag-iinuman na naman nito later. Swak na swak kasi Linggo naman bukas at walang pasok pwedeng magpuyat mamaya sa birthday.
See you po mamaya sasamahan ko muna si Tito sa market namin.
Hello po mga kaingay. Baka may mga hindi pa diyan nakapag register sa noise.app. Medyo marami-rami na kami doon. Mga myembro lang din dito ang nandoon. Baka gusto mo rin mag sign up doon kaingay para magkikita parin tayo doon.
Ito po yung link ko Doon
"Noise" https://noise.app/Geago
Sinong hindi pa tulog diyan?
Hindi pa talaga ako nakatulog super ingay kasi kapag makahilik Ang Kapatid ko. Mabuti pa kapatid nag-enjoy na sa Dreamland ako puyat na mata pero hindi parin talaga ako makakatulog. Magbilang kaya ako ng numbers hanggang Isang libo.
Hehehe gagawin ko na kaingay.
Good evening po sa lahat ng maiingay dito. Ngayon pa ako nakapagpost dito kasi Wala si phone kanina. By the way, I just like to post something good for my weary eyes, yung kulay green nga naman sobrang cool sa mata.
Good night po sa lahat.
Good morning po mga kaingay. Gusto ko pa sanang matulog kasi ang tagal kong nakatulog kagabi kaya lang nagising ako sa ingay ng aming bubungan sobra kasing lakas ng ulan at may kulog at kidlat pa nakakatakot baka may brownout na naman maya-maya. Kalimitan kasi dito sa amin kapag malakas Ang ulan at may kulog at kidlat ay brownout agad. Sana one time big time lang itong ulan na ito. Yun bang sobrang lakas ng buhos pero madali lang naman matapos.
Balik muna ako sa pagtulog ko kaingay kasi nice bumalik sa pagtulog ngayon kasi malamig sa paligid.
Good evening guys kakatapos ko lang po nanood ng TV sa pinsan ko. Doon ako nanood kasi masaya kapag marami eh dito kasi sa amin hindi na kami makapag-ingay kasi maagang natulog sila mama bukas may work pa kasi sila. May balita ako sa inyo mga Ka Mema may bago pa lang app si noise na ilala launch nila few days from now nakapag register na ako kaso lang waiting pa po ako sa invite galing sa ibang users. Basahin niyo lang article ni @Pantera sa read.cash para maliwanagan po kayo.
Matulog na po ako kaingay kasi malapit Ng mag 12 midnight. Good night po sa lahat.
Good morning po mga ka Mema. Thursday na po pala ngayon ang bilis ng araw. Ang sarap po ng aming breakfast ngayon malalaking hipon po. Binili ito ni mama kahapon sa kasamahan niya sa work. Medyo mahal nga lang kasi utang sa kinse niya na bayaran. Ang sarap talaga ng pagkakaluto sa hitsura pa lang.
Mag-breakfast na po tayo mga ka Mema. Maaga kaming mag-breakfast ngayon kasi sasabayan na namin ang mama at papa kong may maagang trabaho.
Gandang hapon mga kaingay. Dahil wala akong klase ngayon pumasyal ako sa bahay ng Tita ko at heto nakikikain ako ng saging. Ang dami pala nilang saging at nahihinog na lahat. Sabi ng Tita ko padalhan niya raw ako pag-uwi ko. Matutuwa nito si mama kasi mahilig siyang kumain ng saging.
Sana tapos na po kayong magtangahlian lahat mga kaingay. Manonood muna kami ng movie ng mga pinsan ko.
Good morning mga kaingay. Second day of school ko na ngayon this week kaya maaga akong bumangon para makapunta din ako sa school Ng maaga. Heto at handa na po ang aming agahan ham na muna ang niluto namin para hindi matagalan lutuin.
Kain na po tayo kaingay ng makapasok na po tayo sa school o sa trabaho man.
Sana maging maganda ang Martes po mating lahat.
Good morning po mga ka foodtrip at sa lahat ng mga noisers dito. Kakagising ko lang po medyo matagal din po kasi akong natulog kagabi kaya medyo matagal din akong nagising. Heto pala kaingay may natatanggap na naman kaming biyaya galing sa tita ko "bibingka" ito kung tawagin dito sa amin. Saktong sakto itong isaw-saw sa mainit na kape o di kaya ay Milo.
Tara mga ka foodies kain tayo nito bago tayo mag agahan.
Good morning po mga ka-Mema. Gising na po ba ang lahat? Ako kagigising ko pa lang po. Ginising ako ni mama para daw sabay-sabay na kaming kumain baka daw mauubusan ako ng fried rice kapag hindi ako makasabay sa lahat. Heto pala fried rice yung breakfast namin kakaiba ito sa kadalasang iluluto namin kasi maraming sahog na spices at sobrang sarap nito kasi espesyal na luto ni papa. Hindi na rin pala masama na marami kaming tirang rice kagabi kasi masarap din talagang gawing fried rice. Kumain na rin po kayo ng breakfast para may ibayong lakas sa maghapon.
Ano po palang plano ninyo ngayon for the weekend?
Good morning po mga kaingay. Gusto ko pa sanang matulog Kasi medyo masakit Ang katawan ko sa pagkukopra kahapon sa bukirin namin pero nagising ako dahil sa ingay ng aming nag-aaway na kapitbahay. Yung asawa kasing lalaki ay umaga ng umuwi galing sa inuman may fiesta kasi sa kanilang barangay kaya galit na galit ang asawa nito. Naghihiyawan tuloy sila ng kay aga-aga kahit natutulog pa yung ibang kapitbahay namin. Ang lakas pa naman ng kanilang mga boses parang aabot na rin sa kabilang barangay. Sana matapos na ito ang kanilang bangayan baka makabalik pa ako sa pagtulog kasi grabe ang pagod ko kahapon. Sana maganda ang gising ninyong lahat mga kaingay.
Good morning po mga kaingay. Dahil wala akong klase ngayon, sumama ako sa Tito ko na magkokopra. Nandito kami ngayon sa bundok mabuti nalang at okay ang signal hindi ako nahihirapang mag-upload at mag-post ng pictures dito. Maging super busy ako ngayon sa pag assist ng Tito ko sa pagkuha ng niyog at pagkukopra. At of course medyo mapapagod din po ako ngayon sa maghapon. Hiling ko sana na ngayong araw hindi lang sana uulan at hindi rin sana masyadong mainit kasi sobrang nakakapagod din ang matinding init.
Maganda po sana ang Merkyoles natin mga kaingay.
Good morning po mga ka-Mema. Gising na po ba kayo? Naghahanda na po ba kayo sa pasukan or sa trabaho? Pasukan na naman po ngayon. Hanggang 5:00 pm pala ang klase namin ngayon medyo matagal din 2 hours po kasi ang isang subject dahil dalawang araw lang. Maghahanda na po ako ngayon sa pasukan kasi 7:00 am dapat nandoon na po ako sa school. Iba talaga kapag holiday kung Lunes kasi yung Martes parang nagiging Lunes na.
Kung ano-ano man po ang ganap natin today, mapawork man, sa skwela o sa bahay, ingat po tayo lahat.
Good morning po mga ka-Mema. Masaya po ako ngayon kasi wala kaming klase holiday kasi National Heroes day. Kaya nga matagal akong nagising kasi walang pasok. Matagal Rin pala akong nakatulog kagabi kasi pumunta na naman mga tito ko sa amin nag-iinoman at nagkakantahan mga 12mn na yata sila natapos. Hindi kasi ako makatulog sa ingay, tawanan, at kantahan nila. Nandito pa ako ngayon sa higaan mabuti nalang hindi ako napag-utusan ng kahit na ano ngayong umaga. Enjoy your holiday mga kaingay.
Good morning po mga ka-Mema. Gising na po ba ang lahat? Sana maganda Ang bungad ng umaga ninyo. Dito sa amin napakaganda ng panahon. Napakaganda rin ang pamumukadkad ng bulaklak na gumamela at mas lalong tumitingkad ang kanyang pulang kulay ngayong umaga na nasisinagan ng init ng araw.
Maganda rin po ba ang panahon ninyo mga ka-noisy? Sana maganda rin para ma-enjoy nyo po ang araw na ito.
Good morning po mga ka food trip. Luto na po ang aming agahan. Maaga kasing nagluto si mama kasi work ang papa ko ngayon. Gulay na nilagyan ng kaunting karne ang niluto ni mama mukhang masarap talaga tingnan. Pero mamaya na ako kakain. For now si papa na muna na sinabayan ni mama sa pagkain ang nag-breakfast. Maya-maya kakain narin ako kasi wala pa akong ganang kumain kasi kakagising ko lang naman.
Kayo po mga ka foodies, handa na po ba ang breakfast ninyo?
Pagkatapos kong kumain ng breakfast mga kaingay ay bumalik ako sa higaan. Kasi bigla nalang lumamig Ang paligid. Magdidilig na sana ako ng halaman Ng bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan kaya ayos talaga wala na akong didiligan kasi si ulan na ang nagdidilig. Maya-maya dadalhin na ito ni mama ang phone ko sa work niya kaya hindi na ako makapag-ingay dito. Mag-movie mara nalang ako doon sa bahay ng pinsan ko maya-maya. See you po later mga kaingay. Ingat po tayong lahat sa maghapon.
Good morning mga ka foodies. Gising na po ba ang lahat? Nakaluto na po ba kayo ng breakfast? Kami maaga kaming nakaluto kasi may work c mama at papa kaya maaga talaga kaming magluluto. Siya nga pala ito yung ulam namin sardinas na may itlog. Medyo malayo-layo pa kasi sahuran nila mama sa katapusan pa kaya ito lang muna Ang ulam namin ngayon. Pero okay parin favorite naman namin ito minsan lang naman kami makakain nito kaya hindi nakakaumay kainin.
Kain na po tayo mga ka noisy para magkaroon po tayo ng lakas ngayong araw.
Sana maganda ang araw ng Byernes nating lahat.
Good morning po mga ka Mema. Ngayon pa po ako nagising okay lang naman dahil wala naman akong pasok sa school. Nagsimula na palang umulan sa amin. Baka may low pressure na naman akala ko hindi na iiyak ngayon ang langit pero magsisimula na palang umiyak. Nag ask ako kay mama na huwag lang niyang dalhin ang phone ko pumayag naman siya basta gagawa lang ako sa mga gawaing bahay na iuutos niya. I-check niya daw mamaya pagdating niya kung nagagawa ko lahat. Maya-maya na ako kumain ng breakfast hindi pa naman ako gutom.
Yeheyy...
Hindi po dinala ni mama ang phone ko at medyo makapag-ingay po ako ngayon. Ito nga pala ang snack ko ngayon mga kaingay medyo nagutom na ako kasi medyo early yung breakfast ko kanina. Nakapag-snack na po ba ang lahat? Mag snack na po tayo may C2 at Bingo biscuit ako rito pwede po akong mag lunch mamaya ng late kasi may snack ako ngayon.
Good morning po sa lahat. Happy ako ngayon dahil nakapagpahinga ako wala akong klase 2 days lang ang klase namin Monday and Tuesday. Nandito pala ako ngayon sa labas ng bahay nagpapahangin at maya-maya magdidilig na ako ng mga halaman. Share ko pala itong nagagandahang bulaklak na nakakawala ng stress sa ating buhay. Ang ganda nila talaga noh, kasi lagi Kasi silang naaalagaan. Hihigop po muna mainit mga kaingay bago sasabak sa pagdidilig.
Breakfast time na po tayo mga kaingay. Nag-ihaw ang papa ko ng karneng baboy na nabili ni mama noong Sunday. Kaunti lang naman ang niluto niya good for breakfast lang naman. Gusto ni papa ng iihaw kaysa sa adobo. Hindi kasi mamantika ang ihaw pero ang adobo sobrang mamantika naman. Ito na ang ulam namin for breakfast ngayon. Hindi na rin ako magbabaon Ng ulam sa school nalang ako bibili ng ulam sa pananghalian. Kain na po tayo kaingay before papasok sa school or sa work man.
Gandang umaga po sa inyo mga kaingay. Nagsimula na pala ang klase namin at hinahati kami sa dalawang set. Ang set A at set B. Ang set A ay papasok ng Lunes at Martes at ang set B naman papasok ng Wednesday at Thursday. At set A po ako na belong kaya kahapon at ngayon ang pasukan ko. Dalawang araw lang po ang pasukan. Siyanga pala friend hindi na ako makapag active masyado dito kasi bawal na akong mag cp Basta pasukan yan na kasi ang rule ni mama ko kayo lesser cp na ako.
Maghahanda na pala ako para sa pagpasok kasi 7:00 am ang pasukan namin. Sino ba diyan ang papasok narin?
Good morning po mga kaingay. Maaga akong nagising ngayon kasi umpisa na ng klase at hindi pa ako nakapag-enroll. Magpapa-enroll pa lang ako ngayon at papasok na rin. Hindi pa nga kami nabilhan ni mama ng mga gamit sa school kasi wala pang sahod si mama. Ang mayroon kami ng mga kapatid ko ay papel lang at ballpen wala pa kaming bag at notebook.
Hahays parang hindi ko pa talaga feel ngayon ang papasok kasi parang nakakatamad pa talaga.
Sino pong papasok na diyan handa na po ba kayo?