Good morning po mga kaingay. Gusto ko pa sanang matulog Kasi medyo masakit Ang katawan ko sa pagkukopra kahapon sa bukirin namin pero nagising ako dahil sa ingay ng aming nag-aaway na kapitbahay. Yung asawa kasing lalaki ay umaga ng umuwi galing sa inuman may fiesta kasi sa kanilang barangay kaya galit na galit ang asawa nito. Naghihiyawan tuloy sila ng kay aga-aga kahit natutulog pa yung ibang kapitbahay namin. Ang lakas pa naman ng kanilang mga boses parang aabot na rin sa kabilang barangay. Sana matapos na ito ang kanilang bangayan baka makabalik pa ako sa pagtulog kasi grabe ang pagod ko kahapon. Sana maganda ang gising ninyong lahat mga kaingay.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet