read.cash Log in
@Garrethgrey07OnNoiseApp

Panay vibrate na naman ng cellphone ko dahil panay babala ang mga taga NDRRMC. Yung nagdaan na bagyo signal no.3 din ang cavite pero hindi randam dahil hindi naman lumalakas ang ulan at hangin, pero ngayon ay medyo nararamdaman ko siya, dahil minsan biglang lumalakas ang hangin. Di ko tuloy maiwasang di magulat at mapasilip sa bintana. Anyway nagcharge na ako ng cellphone dahil kanina kumikislap kislap yung ilaw namin, parang nagbabanta ng brown out. Kapag tuloyang nag brown out, panigurado wala din kaming internet dahil pati mga satellites walang power so walang signal. Nagcharge lang ako pang ilaw😁. Wag naman sanang mag brown out. Ingat po ang lahat. Sana lumabas na ng PAR itong bagyo ng hindi na makapaminsala pa.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.