read.cash Log in
@Garrethgrey07OnNoiseApp

Nakatulog na ulit siya. Haaaaaayyyy Salamat talaga sa Panginoon at bumaba na lagnat nya, yung temperatura nya ay parang may sinat nalang siya. Hindi katulad kahapon na sobrang init talaga nya maghapon, pero bumaba nung pinilit ko siyang painumin ng gamot. Kumain at dumede na din na siya. Kahapon buong maghapon wala talagang laman tiyan nya, sobrang nababahala na ako na baka ma dehydrate. Kaya kaninang mga alas singko paggising namin nagluto agad ako ng lugaw at pinakain siya, kumain naman siya agad, siguro nakaramdam na ng gutom kaya kumain. Uminom na din ng tubig at pagkalipas ng isang oras nagdede na ng gatas nya, kaya ayan nakatulog na. Grabeh para akong nabunutan ng tinik. Sobrang pasalamat ako na umiigi na siya. Sana magtuloy tuloy na. Okay lang sakin kahit sobrang kulit nya, wag lang magkakasakit. Nakakatakot kasi. Anyway kumusta naman kayo mga kaingay? Sana ay okay lang din kayo. Ingat po sa lahat ng may mga lakad jan. #GoodMorning #WednesdayThoughts

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.