Laba mo ,Tupi mo ,Patas mo ! Sabi nang ibang lalaki o ibang mga Marites na ang house wife daw ay gawaing tamad . Kase daw walang ginagawa sa bahay kundi pa cp cp lang. Hmm FYI sa mga hindi pa nanay o mga lalaking di maganda ang tingin sa asawa . Kung ang tingin nyo ay tamad ang pagiging housewife edi bakit di nyo subukan maging Nanay at maiwan sa bahay sa maghapon. Pra sa iba tayong mga housewife ay binabansagan na tamad. Ang hindi nila alam tayong mga Nanay na naiiwan sa bahay halos wala ng pahinga lalo na kung may alaga kapang bata. Pagkain mo pa nga lang wala na sa oras. Pagkagising sa umaga ihahanda mo pagkain ng anak mo habang tulog pa sya. After luto at tulog pa ang bata ,magwalis walis at hugas ng mga pinagkainan ng ksama sa bahay. Pagkagising ng bata lilinisan mo muna ,aalisin amg diaper tapos laruin konti bago pakainin para ganahan. After pakainin ang bata pahingahin ng kaunti bago liguan. Aftet liguan lilibangin mo ,lalaruin hanggang sa makatulog . At pag nakatulog na dun kapa lang pwede maglaba ng mabilisan. Tapos hindi kapa tapos maglaba gising na agad ang bata edi stop laba ka .Wait ka ulit na makatulog sya saka ka magpapatuloy ng paglalaba. Minsan sa dami ng gawain pati pagkain ng Nanay wala na sa oras. Tapos makita ka lang na humawak ng cp habang nakaupo sasabihan kapa ng tamad . Wow as in sa ganyang mindset. Subukan nyo muna maging Nanay bago nyo kami husgahan. Kaya sa mga Marites dyan kung hindi kapa Nanay wala kang karapatan na kaming mga Ina ay husgahan. Ps: Super blessed ako kase ang asawa ko hindi ganyan ang mindset. Palagi nyang sinasabi sa akin na konting tiis lang kase nasa malayo sya ,pag nandto naman sua sa lupa buhay Reyna po ako. Sya lahat ang gumagawa at ultimo pagluto sya ,gigisingin nya lang ako pag kakain na . Never ako pinapahawak ng labahin kapag andto sya sa lupa. Pero sa ngayon dahil magkalayo kamo solo ko talaga lahat. Pasensya na mga Frennies ko napahaba yata ang himutok ko .Dami ko kase nababasa na halos i degrade ng iba tayong mga housewives. Ps :Tandaan na walang karapatan ang sinuman na humamak sa kapwa lalo na kung ang pinagdadaanan nya ay hindi mo pa naranasan. Wala tayo sa posisyon ng bawat isa kaya ang panghuhusga sa kapwa dapat mo ng ibasura.
9 comments
Tapos dapat tulog din si baby bago maligo ng mabilisan
opo sis ganyan talaga ako ,nakaexperience pa ako na.di nakatapos maligo kase po grabe yung iyak ni baby ko ,ayaw sumama sa iba
Napaka productive ng day mo sis. ❤️
sa sobrang productive aia nalilipasan na ako ng gutom.minsan , hehe
ako laba now. tupi in next life hahahha
hahaha pag mga damit ko sis ok lang next life,pero damit ni Baby ei.hehe
un lang. ako din kay mr. sipag ko magtupi. pero dmit ko. di pa natutupi, gagamitin na ulit haha
naku nga haha ,patehas sa akin haha
ako noon ganyan na. kht nung bata pako. haha.