Grabe ang bilis magbago ng panahon. Kanina lang super init pa around 9am to 12noon. Tapos ngayon ayan makulimlim na talaga . Nagbabadya na naman ang pagdating ng ulan. At ayon nga habang nagta type ako dito ay unti unti nang napatak ang ulan. Ambon bon muna pero palakas na ng palakas. Hayss dami pa naman nilabhan nung kapatod ni papa. Iba na talaga panahon ngayon. Yung dating mainit ,bigla nalang lalamig . Yung dating maliwanag bigla nalang magdidilim. Parang ugali lamg din ng tao . Minsan pedw din ikompara sa relasyon db mga kaibigan? Oh sya ako ay magpapasok muna ng aking mga paninda. Wala pa ngang benta pero umulan na agad. Sana may maligaw na buyer kahit isa lang tapos madami palang bibilhin.hehe Nag iimagine lang po ,baka maging totoo ei.
8 comments
Ang bilis na nga magbago ngayon ng klima sis. Hindi na kagaya dati.
kaya nga sis sakit aa ulo
Ganyan din dito samin sis.
naku sakit sa ulo sis noh?
Oo sis yung pabago bago sis.
kaya nga sis nakakahilo na minsan
hi sis oo nga kahit dito sa lugar naman ganyan init na init sa umaga after lunch sobrang lakas ng ulan may kulog kidlat pa , timing lagi pag uuwi ako from office
nku sis lagi kang magdala ng payong ,masakit pa naman sa ulo yung ganyang pabago bago ng panahon.