read.cash Log in
@Fherdz

Ang post ko sa kabila ay tungkol din sa pagkain, menudong Rabbit na binigay ng kasamahan ko sa trabaho. Kaya ang post ko dito ngayon ay tungkol din sa pagkain. Lol.😁 Pero itong kuha kong larawan, lunch namin ng mga friends ko noong nakaraang Sunday afer Worship service. Nagpadala ng pera ang isang friend namin na nasa ibang bansa para pang foods namin. Para sa birthday niya sana dapat ito noong Sept.16, kaso hindi matuloy tuloy ang paglabas namin para kumain dahil may mga kanya- kanyang mga lakad at pinagkakaabalahan. Kaya inabot ng isang buwan ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Sabi ko sa kanya, may purpose kung bakit nade-delay ang pasama-sama namin, kaya ito ang timing dahil pagkakataon din na bisitahin ang isang kaibigan namin na may pinagdadaanan. Kung hindi siya makalabas ng bahay, pupuntahan nalang namin sa bahay nila, magdadala ng mga pagkain at makakapag-bonding, bisitahin, at palakasin ang loob niya. Mayroon tayong mga ups and downs sa buhay, ngunit kung mayroon tayong nakikiramay na kaibigan na gagabay sa atin, kahit papano mas gagaan ang ating pakiramdam.πŸ™ƒ

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.