Wag kang kukurap, Pag kumurap ka akin ka.😁 Magandang umaga sa ating lahat. Sa aking pahahanap kahapon ng bagong kukunan ng litrato nakita ko ang isang kakaibang uod na ito. Nasarapan ata sa pagkain ng dahon ng Gabi (Taro Leaves) dahil wala ng natira. Nakatingin sakin at di man lang kumurap. Aba! di na ako nag atubiling kunan ng sandamakmak na pitik sa cellphone makakuha lang ng magandang angulo. Diko man alam ang pangalan ng uod nato pero nagtanong ako sa ating kaibigang si google. Sumagot naman, ang sabi Vine hawk month caterpillar daw ang pangalan. May hawig siya kay Oleander hawk moth caterpillar na halos parehas lang pero mas mabait ang mukha ni Vine hawk, si Oleander kasi parang galit ang mga mata. Kung di kayo maniwala pwede niyo tanong sa ating kaibigan na si google. Para makita niyo ang pagkakaiba... Narito ang mga nakunan kong mga litrato na sana magustuhan niyo. Maraming salamat. Vine Hawk Moth Caterpillar🐛 (Hippotion celerio)🦋 Family: Sphingidae 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍San Fernando City, Philippines. #Photography #Macro Photography
4 comments
Wow paborito pa naman ni ma'am Sashley yung Green... 😂
Wen usta ka sir. Yuck kano hehehee
Dayta a koma imuna santon ni kulibangbang heheh kasla impegket nga sticker lang jay matana hahaha awan pay selpon ko idi nakakitaak kasta dtoy napikshurak koma met hahaha
wenn ngarud. anti. jan post ni madam damin Oleander hawk yun galit ang mata.