Hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng ibang tao. Minsan yung laging nakangiti na parang walang problema pero pinagdadaanan pala nila ang pinakamahirap na laban sa buhay... Dahil sa laging nakangiti sa labas pero hindi naman natin alam ang mga problema sa loob na kinakaharap nila. Kaya huwag manghusga ng ibang tao. Ang mga tao ay nagsusuot ng maskara, at ang kanilang hitsura sa labas ay hindi palaging nagsasabi ng totoo tungkol sa kung ano ang nangyayari sa loob. Kung tayo ay nasa sitwasyon na kinakaharap natin ang ating mga laban ngayon... Lumapit tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsunod sa Kanyang patnubay. Kasama natin Siya sa ating mga laban, kapag ibigay natin ang mga sitwasyon sa Kanya, binibigyan Niya tayo ng lakas at kapayapaan para harapin ang ating laban. Mapagpalang gabi sa ating lahat.🙂
2 comments
So true. More often than not, it's the other way around.
Tallo