Lahat tayo ay may bad habits, aminin man natin o hindi. Ang problema, habang tumatagal ang mga ugali na ito, mas malaki ang pinsalang nagagawa nito sa ating buhay. Halimbawa ang pagkain ng chocolate araw- araw. Sa una pakiramdam natin na wala naman effect ito kahit alam natin hindi healthy. Pero over the years pag titignan natin ang sarili natin, overweight na tayo at mataas na ang sugar level natin. Kaya kahit gusto natin tanggalin sa systema natin ang chocolate ay hirap na tayo kasi habit na natin ito at sadyang hinahanap ng katawan natin araw-araw. Anong bad habit ang mayroon tayo na alam nating mali pero ang excuse natin sa sarili natin ay “maliit lang naman ito” o “hindi naman ito major sin” o “ginagawa naman ng lahat”? Kung hindi natin ibreak ang cycle nito ngayon, darating ang araw na napakalaki ng negative impact nito sa buhay natin at marerealize natin na napakalayo na natin sa Panginoon. Break Bad Habits ngayon hindi bukas. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng kapangyarihang lumaya. Tutulungan ka niya, ngunit kailangan mong maging handa na magsakripisyo ng kaginhawaan at maging nakatuon sa disiplina.🙂 Pero may habit tayong maganda na makakatulong sa atin para lumago. Kaya ito muna ang iiwan ko sa inyo, isang larawan ng droplet at mga insekto. Magandang araw sa ating lahat.🙃
1 comment
Umuna