read.cash Log in
@Fherdz

@Fherdz in January 2022

@Fherdz

Ito ang nami-miss ko sa amin sa Ilocos kapag may okasyon ... picnic sa karayan (ilog) kasama ang mga kamag-anak at kaibigan. Ang mga ulam at kanin ay ilalagay sa dahon ng saging o kakain ka sa balat ng saging para dika na magdala pa ng mga plato na huhugasan. Kung hindi mo pa nasusubukan isa kang rich kid kasi. joke. 😁✌At ito ang pinakagusto ko sa lahat, "Tinungbo" rice na niluto sa Bulo (buhong kawayan).🙂😋

@Fherdz

Common Jester 🦋 (Symbrenthia lilaea) It’s the first Monday of the year mga ka Pi-noise!! At karamihan sa atin, back to work na! Vacation is over and I hope na lahat got their super needed recharge. Kaya isa na namang makulay na paru-paro ang pambungad ko sa inyo sa taong ito. Ito ay tinatawag na Common Jester Butterfly na isang species ng butterfly nymphalidae na may pinakamalaking pamilya ng butterflies.

@Fherdz

Magandang araw sa ating lahat. I-share ko lang ang nakunan kong larawan ng isang aksidente noong umuwi ako sa aming probinsya. Medyo may kalabuan dahil nakasakay kami sa Bus pero makikita niyo sa larawan na sumampa ang isang truck sa bakuran ng isang bahay at ang mga dalang buko ay nagkalat sa daan. At sa pagkakataong iyon ay sinubukan nilang iligtas ang driver na na-trap sa loob dahil sa pagkakabangga. Hindi na naming nalaman kung anon ang nangyari dahil nasa biyahe na…

@Fherdz

Napanood niyo na ba ang movie na Don't Look Up? Kuwento ng dalawang astronomo na nagbabala sa sangkatauhan tungkol sa paparating na kometa na sisira sa mundo. Ngunit sa halip na maniwala sa katotohanang kanilang ibinunyag, binalewala na lamang ng mga pulitiko at mayamang nasa kapangyarihan at ginamit lamang nila para sa kanilang pansariling interes. Nakakatawa man ngunit napakalapit sa katotohanan sa ating mundong ginagalawan. Di ko na sya kukwento ng buo kasi mahirap na…

@Fherdz

May nakita akong Grasshopper ngunit medyo iba ito sa mga madalas nating nakikita sa mga halaman at damuhan. Mahirap matukoy kung anong uri ito ng Grasshopper dahil mayroong higit sa 10,000 iba't ibang species, o uri ng mga grasshopper at ang bawat species ay may natatanging katangian. Marahil ang isang ito ay kabilang sa Short-horned Grasshopper na nasa pamilyang Acrididae pero di ko matukoy kung ano ang kanyang scientific name.

@Fherdz

Asian Jumping Mantis (Statilia maculata) Isa pang uri ng Praying Mantis ang ibabahagi ko sa iyo ngayon. Kinunan ko ito noong nagbakasyon ako sa probinsya namin. Ayon sa ating kaibigang maritis na si google ito ay isang Asian Jumping Mantis. Ang Praying Mantis ay mayroong humigit-kumulang 2,400 species sa mundo at may 15 iba't ibang pamilya. Ang bawat species ay may iba't ibang hugis, sukat, pag-uugali, katangian at partikular na pangangailangan at ang iba pang mga species ay…

@Fherdz

Noong nakaraang Pasko ay nagkaroon ng isyu sa lechong baboy ng aktor na si Marvin Agustin dahil sa maraming reklamong natangap sa kanyang curtomer. Ang kagandahan naman ay nag public apology agad sa kanyang pagkakamali.🙃 Ang i-share ko naman sa inyo ay isang pasasalamat sa biyayang lechong natangap. Kita niyo naman sa larawan ang katakatakam na isang buong lechong baboy...😁 kaso bread nga lang.LOL.😂 Pero ang kagandahan ito ay libre... oo libreng binibigay ng isang convenient…

@Fherdz

Yung tapos na ang pasko at new year pero kainan na naman.😁😋 Happy birthday sir @Bhongzkie. Maraming salamat at nabusog mo kami. Nawa'y Ipagkaloob sa Iyo ng Panginoon ang mga Hinahangad ng Iyong Puso at matupad ang lahat ng iyong mga plano. 🙂

@Fherdz

Ito ang iiwan ko sa iyo ngayon, isang tanawin ng makulay na ulap. Katulad ng buhay natin, minsan madilim, minsan makulay. Ngunit anuman ang hiwaga ng buhay, kung patuloy na manalig sa ating Panginoon at magtitiwala sa Kanyang salita at mga pangako tiyak ang buhay natin ay napakaganda at naging makulay kung kasama natin ang Siya sa araw-araw nating pamumuhay. Magandang gabi.🙃

@Fherdz

Kung nadi-discourage tayo at nakakaramdam na parang walang nagmamahal atin, laging tandaan na mahal na mahal tayo ng Diyos at laging alalahanin ang Kanyang Salita na Siya ay may magandang plano para sa ating buhay. 🙃 Pero nais kong i-share ulit Ang mahal kong kaibigang si Marikit Na palagi niya akong kinukulit Kahit gaano siya kakulit Nakaka tangal din ng pagod at hinanakit.🙂 Magandang araw sa ating lahat.

@Fherdz

Common Silverline Butterfly🦋 (Spindasis vulcanus) Yung bibili ka lang ng lunch niyo pero may madaan kang ganitong kagandang paru-paro. May na-post na akong dati dito pero nagagandahan lang talaga ako sa uri ng paru-parong ganito. Timing naman sa pagdaan ko dahil sa sandaling iyon ay tahimik na nakadapo siya sa isang halaman. Ang tawag dito ay Common Silverline Butterfly (Spindasis vulcanus), para sa karagdagang impormasyon tungkol dito ay maari niyong balikan ang nauna kong…

@Fherdz

Ang gagambang ito ay tinatawag na Argiope sp. na kinabibilangan ng medyo malaki at kamangha-manghang mga gagamba na kadalasang may kapansin-pansing kulay na tiyan. Dito sa Pilipinas kilala bilang gagambang ekis o gagambang pari (Argiope amoena). Ang ganitong uri ng gagamba ay mayroong iba't ibang species at scientific name depende kung saan bansa at ito ay karaniwang kilala sa ibang bansa bilang Argiope aurantia (Yellow Garden Spider), Argiope bruennichi (wasp spider),…

@Fherdz

Noon may ECQ, MECQ, GCQ, MGCQ, Pero kailan pa kayo naging kayo? Ngayon may alert Level 1 to 5 na. Kayo anong level na? Kasama sa alert level 3 ang dalawang probinsya kung saan ako nakatira at nagtratrabaho mula January 14 hanggang January 31, 2022 sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa ating bansa. Kaya sa panahon ngayon, sa bawat galaw, ibayong pag-iingat ang kailangan. 'Ingat!'🙃 📸GMA News

@Fherdz

Maaaring ito ay isang butterfly pupa at maging napakaganda sa kalaunan. Ang pupa ay ang yugto ng buhay ng ilang insekto na sumasailalim sa pagbabago sa pagitan ng immature and mature stages. At ang mga butterflies ay dumaan sa 4 na yugto: isang itlog, isang larva o uod, isang pupa, at ang may sapat na gulang. Ang pupang ito ay nakita ko sa maberdeng dahon ng mga halaman na akala mo sa una na isang nakabitin na bunga.🙂 Lahat ng bagay sa buhay ay isang proseso. Masakit man ang…

@Fherdz

Ang buhay ay hihdi perpekto. Madalas nating naririnig ito. Totoo naman na walang perpektong sa mundong ito. Laging merong ups and downs ng buhay natin. Siguro ngayon medyo may konting dagdag hirap lang kasi maliban sa normal na ups and downs ng life ay meron din yung threat ng covid tsaka yung impact ng covid sa buhay at hanap-buhay natin. At kung nagdaan o nagdadaan tayo sa matinding pagsubok sa buhay natin, pinagdarasal ko na sana ay tumakbo tayo sa Panginoon. Dahil kahit…

@Fherdz

Flex ko lang ang kaibigan kong si Saffron. Hindi man ako ang amo pero mabait siya at maamo sa akin. Medyo seloso lang siya dahil ayaw niyang nakikipaglaro ako sa ibang aso. May iba pa kasing mga aso ang kaibigan kong may-ari na gaya ni saffron. Kaya kapag nabigyan ng pagkakataon na makipaglaro, pagkakataon din ito para mapicturan. Lol. 😁 Naimbag nga rabie tayo amin.🙃 .

@Fherdz

Hindi lahat ng pagpapala ay nasa anyo ng mga materyal na bagay. Ang ating kalusugan, kalakasan kasiyahan, at karunungan ay mga regalo mula sa itaas. Magpasalamat tayo sa Panginoon araw-araw para sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa atin. Isang mapagpalang Lunes. Nawa'y ang pagpapala, pag-ibig, proteksyon, patnubay at kapayapaan mula sa Dakilang Lumikha ay mapasa ating lahat.🙌 📸Isang biyayang droplets mula sa langit.🙃

@Fherdz

Hindi ipinangako ng Panginoon na wala tayong pagdadaanan na bagyo sa buhay natin. Ang pinangako Niya ay kahit dumadaan tayo sa pinakamatinding pagsubok sa buhay natin ay kasama natin Siya at hindi Niya tayo iiwan. Ang rason kung bakit ng Niya pinahihintulutan na magdaan tayo sa mga pagsubok sa buhay natin ay para sa kabutihan natin. Dahil nais Niya na paglabas natin sa mga pagsubok na ito ay magiging complete, consistent, strong at firm tayo bilang isang tao at sa…

@Fherdz

Carpenter Bee🐝 (Xylocopa violacea) Tingin-tingin lang sa paligid Dahil minsan may umaaligid. Yung mahirapan mong malapitan Nandiyan lang pala sa inyong harapan. Tulad ng isang carperter bee sa aking harapan Na muntik ko nang maapakan. Kaya maging mapagmasid sa kapaligiran Malay mo yung matagal mong hinahanap ay nasa iyong harapan.😁

@Fherdz

Yun oh! Sa wakas nakatikim din reward.🙃 Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng reward mula kay paypal. May nabasa akong post dito dati na nakatanggap sila ng reward from paypal pero pag check ko sa email at account ko waley naman at walang laman. Lol.😁 Kaya dali check niyo na agad ang paypal account niyo baka isa kayo sa pinalad na nabigyan ng pagpapalang US$5 reward ngayon. Maraming salamat Paypal.👍

@Fherdz

Nais ko lang i-share ang nakunan kong mga batang bugs sa aming bakuran. Ang kulay nila ay napakatingkad kaya madali mong mapapansin at makikita sa dahon ng isang halaman. Maaring mga Nymphs ng Cotton Harlequin Bug (Tectocoris diophthalmus) ang mga ito at karaniwang kilala ding bilang hibiscus harlequin bug at nasa miyembro ng genus na Tectocoris. May mga iba pang mga matitingkad na kulay ng ibang Nymphs ng bugs na ito kaya mahirap ma identify pero salamat kay google lens…

@Fherdz

Maaaring lahat tayo ay gustong makarinig ng magagandang salita mula sa ating kapwa. Na lalong nagpapalakas sa atin kapag nakakarinig tayo ng mga salitang pampatibay-loob lalo na kapag tayo ay nalulumbay. Pero alam niyo ba na higit sa salita na naririnig natin ay mas importante yung intensyon o yung nilalaman o sinasabi ng puso ng isang tao. Kasi pwedeng may magandang sasabihin sa atin ang isang tao pero hanggang bibig lang ito at walang katapatan sa puso. 😘 Medyo…

@Fherdz

RICE BUG (Leptocorisa acuta) Ang rice bug ay kilala din sa tawag na Dangew / Dangaw sa Ilocano. Ito ay isang mapanirang insekto sa pananim na palay. Sinisipsip nila ang mala-gatas na laman ng butil ng palay at nagdudulot ng pagka-brown o pagkasira ng butil ng palay na maari itong magresulta ng malubhang pinsala sa pananim. Ito yong insekto na kapag inistorbo o hinawakan mo, naglalabas ito ng hindi kanais-nais na amoy.🙃

@Fherdz

Yung mag sampay lang ang pakay mo Pero may nakita kang kakaibang milagro. Kaya ayan tuloy nabuko. Yay! anu pa nga ba? Kung inggit pikit nalang muna Dahil rated spg na naman ang nakuha. Pero kung gusto may ka milagro Sana hindi sa kahit kanino Dapat paniguradong asawa mo. At kung gusto mo ng mag-asawa Aba! Mag isip-isip ka muna Dahil ang pag-aasawa ay di puro saya. Magandang araw sa ating lahat.😁

@Fherdz

Lahat tayo ay may bad habits, aminin man natin o hindi. Ang problema, habang tumatagal ang mga ugali na ito, mas malaki ang pinsalang nagagawa nito sa ating buhay. Halimbawa ang pagkain ng chocolate araw- araw. Sa una pakiramdam natin na wala naman effect ito kahit alam natin hindi healthy. Pero over the years pag titignan natin ang sarili natin, overweight na tayo at mataas na ang sugar level natin. Kaya kahit gusto natin tanggalin sa systema natin ang chocolate ay hirap na…

@Fherdz

Longhorn Beetle🙃 Hindi man ako pinalad na makunan ng maayos ang longhorn beetle na ito, pero thankful pa rin ako bago man lumipad ay may shots pa akong medyo matino. Kaya ito muna nag i-share ko sa inyo at sana ay magustuhan niyo. Pero alam niyo ba na ang longhorn beetle ay isang malaking pamilya ng mga beetle, na may higit sa 35,000 species. Karamihan sa mga species ay napakahaba ang antennae, na kadalasang kasinghaba o mas mahaba kaysa sa katawan nila. Gayunpaman, mayroon…

@Fherdz

Small Square-headed Wasp🐝 (Ectemnius continuus) Dahil medyo makulimlim ang araw at umambon kaninang umaga kaya lumamig kunti sa labas pero ngayon ngayon maganda ang sinag ng araw. At dahil maganda na ang sikat ng araw nais kong ibahagi sa inyo ang nakunan kung isang maliit na insekto. Ang tawag dito ay Small square-headed wasp (Coterminous continuous) na maaaring dahil sa kanyang ulong mala hugis square at dito pinagmulan ng kanyang pangalan. Ang wasp na ito ay mula sa…

@Fherdz

Mayroong higit sa 160,000 na iba't ibang species ng mga moths sa mundo at marami pa sa kanila ang hindi pa nailalarawan. Kaya mahirap tukuyin kung anong partikular na tawag dito sa Moth na nakunan ko. Ngunit ayon sa google ang pinakamalapit ay isang Thyas coronata moth na kabilang sa pamilya Erebidae na pinakamalaking pamilya ng mga moths ayon sa bilang ng mga species at variety. Magandang araw sa ating lahat.🙂

@Fherdz

Merienda Time mga ka Pi-Noise!! Maraming salamat sa pagpapalang Burger McDo with fries ma’am @ZanneV. Happy 16th Anniversary sa inyo dalawa ni sir Rodel. 🥰🥰 Congrats para sa another year of love sa inyong dalawa. God bless. 🙂Pero mga ka Pi-noise kain muna. Arat na!!😋

@Fherdz

Malamig ngayon gabi dahil umulan kaninang umaga at makulimlim buong araw. Ang sarap mamaluktot sa higaan, kaya samantahin natin ang lamig. Pero itong si Marikit, nauna ng pumikit. 😁 Magandang gabi.🙃

@Fherdz

Para sa iba hindi ka magiging sapat, kahit nagawa mo na ang lahat at para sa iba magiging sapat ka kahit sa mga paghihirap at pagkukulang mo. Kaya paalam sa isang araw na lumipas. Mawawala lahat ng sakit sa isang iglap. Bukas ay sisikat muli ang araw, hatid ay ligaya at bagong pag-asa.