Virginity is not a gift
This short conversation is not base on true experience. Ang mga character na nandito ay fictional lamang. Ito ay para sa mga kababaihan. Kaya basahing maigi. Today marks our first monthsary. My boyfriend and I are sitting here awkwardly, watching a movie. "Sigurado ka bang okay lang?" Tanong niya at agad ko siyang nilingon. "Oo naman," sagot ko. Bumuntong-hininga siya at nagsabing, "Hindi dapat ganito eh. Dapat nagdedate tayo, namamasyal, kumakain sa labas." "Date rin naman to ah," pagrarason ko. "Ang corny naman pala ng dating ideas mo," pang-aasar niya. Inirapan ko siya. "Mas corny naman yong lalaking ililibre sa labas yung girlfriend nya where in fact, pera naman ng magulang ang ginagasta." That statement of mine made him silent. Guess I've hit a nerve. "So, sinasabi mong corny ako?" May bahid ng pagkaaasar sa boses niya. "Sinasabi ko lang na iba ako sa mga naging babae mo," I uttered. Hindi na siya nagsalita. "Galit ka ba?" Tanong ko. "Oo," walang kagatol-gatol na aniya. Minutes had passed and he's acting cold. Ganyan siya kapag narerealize niyang may point ako, he's being immature. Walang sabi-sabing pinatay ko ang tv. And finally, his full attention is on me. "Are you mad just because I proved a point?" I asked. "No." Napakunot ako ng noo. "Ano palang dahilan? Bakit ka ganyan?" This is the other side of him, nagagalit sa hindi ko malamang dahilan. "Tsk. Nagtanong ka pa talaga. Wala ka man lang regalo sakin," parang bata na sambit niya. "Wala akong regalo, that's why you're giving me a cold shoulder? Nakakainis ka ha." "Yes." He looked straight into my eyes, down to my lips, "But you're hot when you're irritated." Muli niya akong tiningnan sa mata, kasabay ng dahan-dahang paglapit sa akin. "A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahan ma'y pinilit ko pa ring magtanong. "Virgin ka pa ba?" Para akong nabingi sa tanong na iyon. Hindi ko namalayang nasampal ko na pala siya. Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat ba akong magalit? Mandiri sa kanya? O masaktan? "K-Kung ganyan lang din naman ang habol mo sakin, itigil na natin to. Inuulit ko, hindi ako katulad ng ibang babae mo," may diing anas ko. Without further adeau, I stormed out of his condo unit. - Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng pintuan. May kumakatok at kataka-takang wala naman akong inaasahang bisita. Agad akong bumangon para makita kung sino iyon and to my surprise, it's him. Aaminin kong naiinis parin ako dahil sa ginawa niya kagabi, but I can't help it. My inner self is smiling seeing him right in front of my door, wearing a football helmet. "Babe, let's talk," he uttered. "Para saan pa, Jeremiah?" Sinadya kong tawagin siya sa kanyang pangalan. "I know for a fact that I've been an asshole last night. And I'm sorry," he sincerely uttered. "Bakit may helmet ka pa?" Napatungo naman siya bago sumagot. "Baka kasi sampalin mo ulit ako." That made me laugh and the next thing I knew, we're back together. Hanggang sa umabot kami ng isang taon. I thought he already learned his lesson. Akala ko nagbago na siya, pero hindi pala. "Kung talagang mahal mo 'ko, papayag ka na gawin natin yon," aniya. Napailing na lang ako. As of the moment, I'm very disappointed. Ni-hindi ko na napigilan ang luha ko. "Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sakin?" Puno ng hinanakit na tanong ko. "Eya, isang taon na tayo!" "So what?! Nakipagrelasyon ka lang ba sakin dahil dito?" Hindi siya sumagot, bagkus ay umiwas lang ng tingin. "At anong sabi mo? Papatunayan kong mahal kita sa 'ganoong' paraan? What a cheap basis you have there." "Mahal kita Jeremiah, pero mas mahal ko ang sarili ko," pagpapatuloy ko. "So ano? Makikipagbreak ka na naman?" Tanong niya. "No. This time, let's fix this in a mature way. Give me some space at bibigyan kita ng panahon. Ayusin mo muna yang sarili mo, hanapin mo muna kung ano ba talaga ang halaga ko sayo. Kasi base sa ipinararamdam mo, parang hindi mo 'ko nakikita bilang isang babae," iyon lang at tinalikuran ko na siya. --- "Ano pong sunod na nangyari, mama?" Nabalik ako sa reyalidad nang nagtanong ang aking anak. Napabuntong hininga ako. "Mabilis na lumipas ang panahon at nagpakasal na ako. Ang lalaking pinakasalan ko ay kabaliktaran ni Jeremiah," kwento ko. "Kabaliktaran?" "Yes. Sa mismong honeymoon namin ay hindi niya ako ginalaw." "Ayaw nya po sa inyo?" Tanong muli ng dalaga kong anak. Sasagot pa lang sana ako nang biglang may nagsalita sa bandang likuran. "Hindi naman sa ayaw ko sa mama mo, 'nak. She became patient with me while I'm striving hard to change. And after some realizations, naisip ko na gagawin namin iyon kapag sadyang handa na siya at hindi na niya iisipin na regalo 'iyon'." Napalingon kami at isang ngiti ang pumaskil sa labi ko. "Jeremiah," tawag ko at agad na nalukot ang mukha nito. "Babe kasi ang itawag mo sakin," inis na aniya. "Mama, yung lalaki sa kwento mo ay si Jeremiah," wika ng aking anak at tumango naman ako. "Si papa ay si Jeremiah?" Muli akong tumango. "Pero ma, sabi mo kanina ang lalaking pinakasalan mo ay kabaliktaran ni Jeremiah. Ang gulo naman," reklamo niya at pareho kaming natawa. "Anak, nagbago kasi yang papa mo. Ang lalaking karelasyon ko noon ay iba sa bersyon ng papa mo ngayon." "Nagbago ako para sa mama mo. Alam mo ba kung bakit hindi ko tinanggap ang 'regalo' niya noong honeymoon namin? Iyon ay dahil narealize ko na ang virginity ay hindi regalo at kailan ma'y hindi magiging regalo. Mapa-monthsary, anniversary o kasal man yan. I told her we'll just do 'it' because we love each other. And I've waited months." "Pero papa, sabi ng iba ang v-card daw ay regalo dapat sa asawa," pagkontra ng anak namin. "What you heard was wrong. Dahil ang babae ay ginawa ng Diyos para may makasama ang lalaki at hindi para sa bagay na 'iyon'. The woman herself is an enough gift in the eyes of a real man." Napangiti ako. Sino bang mag-aakala na magbabago ang lalaking ito? "Sabi nila, hindi mo kailangang magbago para matanggap. Pero there are some instances na marerealize mong... worthy din pala," sinserong anas ng asawa ko. Later on I felt his hands covering mine. He smiled and said, "Thank you for making me realize such things. Thank you for accepting me again." And with tenderness he added, "I love you." Pabulong akong sumagot, "I love you too." Indeed, virginity is not a gift... And will never be a gift. You should find a man that will see your worth as a woman. Hope you enjoy reading and learn something from it😊 if you like my article you can hit the like button and comment if you have positive feedback and if you want to read more random articles you can freely visit my wall @FelmarAlmighty and you can also subscribe to me if you haven't subscribe me yet. I published many random topics there so feel free. Anyways thank you for always supporting me and encouraging me to do so. Lots of love❤
7 comments
Sheeet, *teary eyes I love this kind of stories, feel like im reading a Pocketbook or Wattpad stories, your good, 🤩🤩 I want to find a man just like him too 🤩🤩😍😍
Thaks for your feedback😊 I'm hoping too. Maybe soon, it will come.
Welcome, 💪💪🤩
Very nice story! It will help the readers and learn some lesson. 💕👍
Thanks for your feedback. Appreciated❤
Can't really understand what you wrote
Sorry sir. I wrote this using tagalog language for my Filipino readers. I have english story written on my wall . Feel free to visit