Kainan na ginisang Sardinas with Talbos ng Alogbati! Ang pansit kanina na niluto ko may matira pa mamaya nalang yon mameryenda sa hapon.. Marami na ang talbos ng Alogbate ko dito sa bakuran ko naisipan ko na syang isahog o ilagay sa sardinas ang sarap ng gulay pag sariwa at bagong pitas..manamis-namis ba..binilhan ko na lang ng Mega na sardinas..at ginsa sa halagang 25 pesos solve na ang tanghalian.. Kamusta na ang mga bumoboto sa lugar niyo dito sa manila grabe..mga hipag ko kanina pa umalis gang ngayon wala pa, ala 6 palang ay umalis na..nauna lang byenan ko dahil senior..hay ang init pa naman di pa naman daw nag almusal yong mga yon sabi ko nga dapat kumain muna..ee sana ok lang sila..magandang tanghali noisemate.
3 comments
Yan po ang gulay na gustong gusto ko ilagay sa sardinas, o kahit igisa lang solve na ako. Ang dali pa yan itanim at palaguin.
Sarap yan sis! Healthy rin. Iwas muna sa mga mamantika na ulam.
Pahinga nman ako sis Ang sarap po nyan ehh Ganyan pa Ang gusto kung ulamin ehh