Ala-ala! Magandang hapon noisemate. Nong nagpunta kami ng SM Fairview kasama ang hipag ko pinasyal ko ang mga anak ko dito sa groundfloor kasi maraming magandang pagpipicturan.. Sinadya kong kuhanan pati itong pwesto ng ACE HARDWARE.. Dito po kasi nagtatrabaho ang mister ko bago namatay..laking blessings samen nong nakapasok sya sa Ace..una muna non naging bagger sya..dito wala pa kaming anak non..tumagal syang bagger mga 1 year kasi endohan pa nuon..naalalala ko non pumunta ako ng sm di niya alam naandon ako sa seconfloor pero tanaw ko sya mula dito sa baba na busy sa pag babager..andyan yong nakita ko syang nag wawalis..hehe biniro ko pa nga non..ee sabi ko sa bahay di ka nagwawalis pero dyan nagwawalis ka. Paano ko daw nalaman kako nakita kita..at ngumisi nalang yon may bayad daw kasi hehe..ang kita niya non umaabot 1k a day kasi maraming nag titip at dahil don napatayo namen itong bahay.. After maging bagger nag uply sya sa kompanya na as promodiser naman..at dahil marami syang experience pasok sya agad..taong 2016 yon..bago umupo si PRRD ay naregular siya..don..supper happy sya kasi malapit lng samen to 1sakayan lng..ang masaklap habang dumadaan ang buwan niya sa ace unti-unti syang nakakaramdam ng pananakit ng tiyan..pinacheakup naman ok go lng kasama gamot..at dumadalas na ang sakit...pero wala padin findings..pasok padin..kahit may iniinda..at taong 2018 december nag bloated sya..at yon cancer..pala..taong 2019 june28 ayon tuluyan na syang namaalam.. Ang buhay nga naman di masasabi..malapit na ang death anniversary niya june28 3 years na syang wala..na upload ko na dati dito to yong nakatayo po sa kaliwa sya yong hubby ko..naalalako kasi mga ngite niya ayon napa my day ako sa ifbi.. Haba na mapagod kayong mag basa..magandang hapon po..:)
2 comments
Nakakalungkot sis..Ambilis lang pala sis ng pangyayari nung nalaman may cancer 6 months lang lumipas..napaka bata pa nya..
nalungkot naman ako sis nung nabasa ko post mo nakakapanghinayang dahil maaga siyang nawala napakahirap siguro ng pinagdaanan mo noong mga nakaraan na taon i'm sure binabantayan kayo ng hubby mo nakasubaybay sa mga anak niyo at miss na miss niya na kayo, hindi talaga masasabi kung hanggang saan na lang ang buhay kaya habang kasama pa natin mahal natin sa buhay sulitin at iparamdam kung gaano sila kahalaga sa atin. mabuti sis at nakayanan mo lahat nakapatatag mo