read.cash Log in
@Expelliarmus30 more from that month

Thank You 2021. December 31, 2021. Friday.   Sabi ko kahapon ay hindi na ako makakapag sulat ngayong araw pero naisip ko na kailangan kong magpasalamat sa lahat ng tao na naging parte ng buhay ko ngayong **2021**, kayo po iyun. At syempre kailangan kong pasalamatan ang dalawang platform na nakatulong sa akin ng sobra, ***Noise Cash at Read Cash.***   Gusto ko po tapusin ang taon na ito na nagpapasalamat sa inyong lahat, sa mga naitulong nyo sa akin. Sa pagbabasa, pagcocomment at pag uupvote nyo sa aking mga article ay malaki ang naitutulong nun sa akin kaya taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Subscriber man kita o hindi basta nabasa mo ito ay nagpapasalamat po ako sayo. Walang katapusang pasasalamat lang ang gusto kong sabihin dahil feeling ko kahit na ang dami kong pinagdaanang problema ngayong taon ay may mga tao na tumutulong pa rin sa akin at nalalagpasan ko ang lahat ng problema na iyun.   Sa lahat ng tao na nasa likod ng  Read.Cash at Noise.Cash maraming salamat po sa inyo. Nakilala ko ang mga platform na ito sa oras na hindi ko inaasahan pero matagal ko ng inaabangan. *Sino ba naman ang hindi matutuwa na makakilala ng platform na makakatulong sa inyong pang araw araw na buhay sa pamamagitan lamang ng pagsusulat, pagbabasa at pakikisalamuha sa ibang tao?* Lahat naman po siguro ay labis ang tuwa na mararamdaman kapag nakilala ang dalawang platform na ito.   Marami akong nabiling gamit ko at ng pamilya ko dahil dito. At sobrang thankful po ako dahil doon, hindi ko talaga inaakala na mabibili ko ang mga gusto at kailangan ko pati ng pamilya ko sa pamamagitan ng mga platform na ito. Hindi lang iyun dahil marami din akong nakilalang tao dito na galing sa ibat ibang lugar at naging mga kaibigan ko kahit na hindi man kami nagkikita kita ng personal, may mga naging ***mommy*** ako dito, naging ***ate***, mga naging ***sis***, mga naging ***'my friend'*** at iba pa po na parang isang buong pamilya talaga ang turingan. Masaya ako dahil nadagdagan ang bilang ng mga tao na naging kakilala at kaibigan ko, alam naman po natin na lahat tayo ay hindi masyadong nakakalabas kaya hindi talaga nagkakaroon ng socialization sa ibang tao at hindi nagkakaroon ng mga bagong kaibigan in person. Kaya happy ako na nadagdagan na naman ang mga tao na mahalaga sa buhay ko.   Marami din akong naachieved na **goals** sa taon na ito dahil sa Read Cash, alam naman na siguro ng iba na nagseset ako ng goal buwan buwan at hindi lang tungkol sa online goal pati na rin mga personal goal ay nagseset ako. Na dati ay hindi ko naman ginagawa at ngayon ay nagawa ko dahil dito sa Read Cash, hindi ko rin inaasahan na maachieved ko rin ang ilan sa mga goals na sineset ko kahit na ang iba ay hindi ko naachieve, masaya pa rin naman ako sa mga nagagawa ko. At ibig sabihin nun ay malaki ang naging improvement ko dahil noon ay hindi ko naman nagagawa ang mga bagay na iyun, **thanks to Read Cash again.**   Maraming Salamat din sa taon na ito **2021**, alam kong marami kang nagawang bago sa buhay ko at binago mo rin ako patungo sa mas maayos na version ng sarili ko. Salamat sayo 2021, marami akong natutunan sa taon mo, marami akong aral na napulot at maraming bagay akong nadiscover sa iyong taon. At bago matapos ang taon mo, 2021, gusto ko magpasalamat sayo ng sobra. **Thank you 2021 and Hello 2022.**   Sorry po kung hindi ko na nasulat ang article na ito in English, gusto ko lang kasi talaga makapagsulat ngayong araw para makapagpasalamat sa mga tao na naging part ng buhay ko ngayong taon pati na rin sa Noise Cash at Read Cash. Isiningit ko lang din po kasi ang pagsusulat ko ngayon hahahha, eto nga po habang kumakain ako ng handa naming spaghetti ay nagsusulat ako dahil gusto ko rin na may article ako na mapublish sa huling araw ng 2021.     Hanggang dito na lang po muna. Enjoy po natin ang **New Year Celebration** nating lahat. Salubungin natin ang bagong taon ng may ngiti sa labi, masaya at positibo ang pananaw sa buhay.   **HAPPY NEW YEAR PO SA ATING LAHAT!!!**

**Maraming Salamat  sa inyong pagbabasa, sana ay huwag kayong mapagod na basahin ang aking mga gawa. Salamat sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga articles. Salamat muli.**    `Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait at generous. Bisitahin at basahin nyo rin sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcomment at nag upvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.`   **Thanks for reading this.**   **Keep Safe and God Bless us always.**   **Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.**   **Bye.**

****Lead image source: Unsplash****

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.