read.cash Log in
@Evda more from that month

Hah! Di alam kung san mag sisimula Kung iintro pa o rerekta sa aking sadya Kanina pa nalilito, Sa utak ko gumugulo Bagay na 'di imbitado, sakin ngayo'y namemerwisyo. Kung idaan nalang sa tulog? upang di mahulog... Sa patibong na dala ng negatibong hambog Kung umasta'y parang siya ang may ari Ng katawan at isip kong di na mawari. Madilim narin pala, oo dahil gabi na. Di napansin ang oras, na kung tumakbo ay wagas. Pasensya na , kung naabala kita Sa aking di makabuluhang pananalita 😅 Gandang gabi! Sa wakas na kakain din ng matino 😭 hahahah kanin is life talaga 😅 Kumusta naman po kayo? Sana okay lang ang lahat hehe. Sa mga nakakaranas po ng bagyo ngayon, ingat po kayo!!! Keep safe po. #Evda

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.