read.cash Log in
@Evda more from that month

My Luna 💛 Sinasadya ko talagang lumabas ng gabi pra lang dito hahah. Minsan mas nasisilayan ko pa yung buwan kesa sa araw 😅 Ewan ko ba. Pag wala ako sa mood or bad trip ako lumalabas talaga ako eh, lalo na pg ganitong malaki ang buwan. Lakas maka wala ng stress. Gandang gabi po, napansin ko rin may mga Christmas decor na yung ibang kapitbahay namin, kayo po ba ? Nag decorate na rin po ba kayo? Kami kasi after pa ng Araw ng mga patay. Nakagawian narin namin yon, pag galang ba, dahil nga sa wala na sila dito sa lupa. Nung nakita ko yung Christmas lights nila parang naexcite ako hahah, nagpaplano nako kung panong decoration gagawin gawa nga ng nag ayos ng bahay at may mga bata, kailangan mag ingat ingat. So ayun, dami kong dada. Na stress kasi ako kanina, higit limang oras akong nakatitig sa file na binigay samin, kailangan siyang isort. Napaka rami non kaya diko alam pano mag sisimula 😫 Pero ganto naman ako lagi , stress muna bago gagawa hahahaha baliw lang eh, no. Pasensya na. Minsan kasi ang ma stress ng tahimik. Gusto ko nalang maging patatas at mamuhay ng tahimik. :) Magandang Gabi ^^ #Evda #Luna

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.