read.cash Log in
@Etong17 more from that month

Throwback time post from my fb.. Last year November 2020 ng magkaroon ng bagyong ULYSSES isa ang Marikina Provident Village sa binaha at napinsala ng nasabing bagyo at napuno ng putik ang mga daan marami ring tahanan, ari arian ang napinsala at nawalan sa ating mga kababayan maging ang mga alagang hayop at sasakyang ginagamit panghanapbuhay. Isa ako at sampu ng aking mga kasamahanan sa DRRMO ang nakasama sa mga nagbayanihan para tumulong na maglinis at mag alis ng makapal na putik na inanod mula sa tubig baha dulot ng bagyong Ulysses. Masaya sa pakiramdam ang makatulong sa ating kapwa. Kitang kita pa rin ang pagmamalasakitan, pagmamahal sa kapwa at pagtutulungan lalo na sa panahon ng mga sakuna, bagyo at pandemya. Higit sa lahat nagiging matibay nawa tayo sa pagtitiwala at pagpapasalamat sa maykapal dahil sa kabila ng lahat ng nangyayari sa ating paligid tayo ay buhay at ligtas pa din sa anumang kapahamakan. Mag ingat po tayong lahat . #ThrowbackTime #HumanitarianService

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.