read.cash Log in
@Etong17 more from that month

PUSANG LIGAW Ilang araw na ngiyaw ng ngiyaw ang pusang ito sa labas ng bahay namin di ko alam kung kanino naligaw lang dito sa amin wala naman kasi kami alagang pusa. Hindi rin naman sa kapitbahay. Minsan pinapakain ng kapitbahay kaya minsan tahimik sya wala naman kami ipapakain sa kanya dahil bihira lang naman kami kumain ng isda para may makain din sana sya. Kanina nagluto si misis ng piniritong isda ayun at napakain namin sya kaya ayan andito sya ngayun mamaya aalis na naman sya babalik yan pag nagutom na naman gusto magpaampon. Sa probinsya may alaga din kaming pusa dito kasi sa manila di muna kami nag alaga kasi may bata pero ngayun malaki na ang anak ko pwede na mag alaga kasi naappreciate na nya ang alagang aso at pusa. Makapaggym muna day off naman eh. Gandang hapon. Etong

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.