Bat kaya ganon noisemate naka ilan try nako ayaw mag success! Buti pa sa globe ang bilis.. Tama ba ko mga mate smart o tnt at sun isa lang pagreregisteran?
Joined 9 September 2022 · 1851 posts
Choose to forgive to be happy..🤗
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Bat kaya ganon noisemate naka ilan try nako ayaw mag success! Buti pa sa globe ang bilis.. Tama ba ko mga mate smart o tnt at sun isa lang pagreregisteran?
Gandang hapon noisemate.. Feeling ko najackpotan ko nga itong sibuyas 30 pesos supot supot na .. 6 na pirasong maliliit lalagay ko lang sa sa macaroni salad..😅
Blessed morning noisemate.. Iced coffee at tinapay para ngayong almusal.. Nakapaglaba na din ang ferson para pede na maghayahay bukas..😅
Tocino for hapunan.. Namiss ni bunso ang tocino.. Thank God di na siya nilagnat uli.. sipon nalang.. Kain tayo noisemate..🤗
Blessed morning noisemate.. Saktong bukas ko ng tindahan kanina siya naman daan ni kuya naglalako ng puto.. Ang dami pagpipilian kaso ng sinabi niya 50 pesos na ito napili ko eh napahinto nako sa pagpili pa..hehe Mapapa aruy sa taas ng presyo..😅
Gandang gabi noisemate.. Lugaw muna kami para pagpawisan si bunso.. Nagluto lng ako ng konti pero mukang di pa namin mauubos.. may pang almusal pa.. Simpleng gisa lang sa luya wala ng sahog simpleng itlog sapat na..😁
Musta noisemate.. Makulimlim na hapon.. May pasalubong ang panganay ko ng donnut tig isa daw kami ni bunso.. sinama kasi siya ng kapatid ko mamili.. Miryenda tayo noisemate..🤗
Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo ang ulam namin ay tira lang kanina tanghali init init lang para ngayong hapunan.. Happy dinner time..🤗
Miryenda time.. Ito miryenda ni bunso may sinat pa siya.. Gumaling na ang ate niya tapos ngayon si bunso naman.. Ang dali makahawa sa panahon siguro.. Ingat din kayo mga mate..
Blessed morning noisemate.. Pagkatapos ng mga de sarsa ito masarap namn kainin.. Pansit canton at itlog.. Kain tayo noisemate..
Libre ni bunso.. Dahil sanay na umorder mag isa online nagulat nalang ako may tumtawag na rider..😅
Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng kakanin at mainit na milo.. Kamusta Christmas nyo nabusy kahapon di nako nakapag post.. Sana naging happy din kayo kahapon.. Ako happy naman pero may lungkot din.. iniisip ko nalang mga blessing na meron ako ang hirap kasi mag isip at maghanap ng wala nakakasama lang ng loob.. 😅 Happy Monday..🤗 GOD bless us..
Gandang hapon noisemate.. May nadaan sa harapan namin na naglalako ng mga laruan at may color game din.. Naibili ko nga pamangkin ko ng isa pati si nanay nakitaya din nananalo pa ng 5 piso..hehe Konting oras nalang hapunan na.. Ready naba ang noche buena natin diyan..😅
Luto na ang kaldareta sa gata.. Tancha tancha at nakapa din.. Mukang di na abutin to ng noche buena..hehe Kain tayo noisemate..🤗
Blessed morning noisemate.. Naalala ko last year ganitong panahon napaka ingay sa dati nating bahay..noisecash.. Isang taon na rin ako nag iingay..hehe Salamat sa inyo noisemate.. Luto muna ko ng kaldaretang manok.. Sa mahal ng bilihin parang gusto ko na isama balat kung lalo na sibuyas..ehehe Pagkatapos ko nito punta nako kila nanay.. Happy Saturday noisemate..🤗
Ready nah..namili kapatid ko ng pang regalo at sakin pinabalot.. ako eh gusto ko man din mamigay ng gift sa iba kaso wala nako extra budget.. kahirap sa loob..hehe At least naranasan ko magbalot ng regalo ngayon sana matuwa ang mga mabibigyan nito..😊
Gandang hapon noisemate.. Ito first regalo ko nareceive this Christmas galing sa grocery binibilan namin araw-araw.. Sure kayo din mga mate marami dib marereceived galing sa mga suki natin.. Kahit ba simpleng kalendaryo o wallet eh nakaka happy na..😊
Blessed morning noisemate.. Bumili ko last last week ng pag kulay ng buhok dahil walang budget pampunta sa salon.. Kaso di ko pa maituloy may kaba dahil first time ko palang mag diy.. Ano kaya tutuloy o ano..😅
Miryenda tayo noisemate.. Pizzang mas masarap kapag toasted.. Perfect sana sa kape kaso iniiwasan ko uminom ng may matamis omainit o sabrang lamig masiyado ng sensitive ang ngipin..😅
Lutong menudo.. Bumili lang kami ngayon ng lutong ulam dalawang order eh 80 pesos lang at lasang pang fiesta na..hehe buti nadiscover ni tatay ang karinderya na un.. Sure sobra pa samin yan may pang miryenda pa..😅 Kain na tayo noisemate..🤗
Blessed morning noisemate.. Tamang kape muna habang di pa alam ang lulutuing almusal.. tulog pa naman mga bata.. Happy Thursday noisemate..🤗
Gandang gabi noisemate.. Biglang buhos ang ulan dito nagluto ako ng ginisang kamatis na may itlog.. tira kanina puti ng itlog sa ginawa kong lecheplan dinagdagan ko nalang para magka dilaw man lang.. Sakto may chicharon baboy pa kami.. Kain tayo noisemate..🤗
First salang palpak hindi kumapit ang leche plan sa puto..pano naman kasi masiyado kong excited hindi ko napahiran ng butter ang lanera bago lagyan ng mixture.. pero siyempre walang masasayang kakainin yan ni bunso kahit ganyan.. Nagsalang nako pangalawa sana maging success na..😅
Blessed morning noisemate.. Tinapay at keso ngayong umaga.. Dahil tulog pa mga bata maya maya ko na sila ipagluluto.. Ang bilis ng araw ilang araw nalang 25 na.. Di ko alam kung maeexcite o kakabahan sa gastos..hehe Dapat isipin ko nalang ang totoong diwa ng kapaskuhan..
Gandang gabi noisemate.. Ready na ang hapunan ginisang cornedbeef at sinangag.. kain na tayo! Happy dinner time..🤗
Yummy cookies..☺ Gumawa kapatid ko ng pang extra kita nila this month nagbaked sila ng cookies.. Masarap di katamisan at chewy ang pagka gawa.. Bumili ko ng dalawang balot kaya ito miryenda namin ngayon.. Kain tayo noisemate..🤗
Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng kakanin.. ang tawag yata dito ay suman sallyah.. sa tatlong piraso 25 pesos at tiyak na masosobrahan sa sauce dahil maliit nalang ngayon ang pagka gawa parang gadaliri nalang ang laki.. Hindi lahat papalaki meron ding papaurong o papaliit.. Para siguro mababa pa rin maibenta.. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon ang hangin pa kaya tingin tingin sa sinampay baka may nalaglag na..😅
Wento ko lang ung kahapon.. Bumili ko ng tela at mga gagamitin sa pagpapatahi ng uniform ng mga anak ko nilagay ni manong sa plastic bag ang pinamili ko.. Nang nakasakay nako ng tricycle napansin ko butas ung plastic bag.. chineck ko isa isa kung may nalalag ba at meron ngang nawala.. ang bitones kong binili nalaglag.. di kona nabalikan sa mga dinaanan namin dahil umaandar na taxikel.. Reminder: check muna plastic bag lalo na kung manipis para iwas mawalan..😊
Ito na ang bibingka ko ginawa kanina.. Nasunog ung ibabaw kaya tinuklap ko nalang part na sunog bago kainin.. Masarap naman pero the best kung may toppings pa..😊

Kain na tayo noisemate ng sinigang na baboy.. Isa sa tipid na ulam kung marami ang kakain dahil ulam palang eh ulam na..😅