Kapag first time talaga may kaba pero bahala na dito ko matututo kung magkakamali man..hehe Ilan minutes lang luto na ang royal bibingka..😅
Joined 9 September 2022 · 1851 posts
Choose to forgive to be happy..🤗
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Kapag first time talaga may kaba pero bahala na dito ko matututo kung magkakamali man..hehe Ilan minutes lang luto na ang royal bibingka..😅
Blessed morning noisemate.. Kahapon sa besco nakita ko na ang matagal ko nang gustong mabili.. Itong lalagyan para sa maliit kong oven ang liit kasi ng oven namin 17 years na di naman masiyadong nagagamit.. May mga gusto ko lutuin gamit ang oven pero wala akong ganito.. sa halagang 139 pesos malalaman ngayon kung good ba gamitin.. Gagawa ako ng royal bibingka sana wala ako masayang na ingridients ngayon bawal ang pumalpak..😅
Gusto ko gumawa ng Royal bibingka ni aling Esie Austria nakita ko lang sa youtube.. bukas sana makumpleto ko ang mga ingridients.. Matutulog nalang pagkain pa rin ang nasa isip..ehehe Thank God sa maghapon nakaraos muli.. Good night noisemate and GOD bless us..🤗
Gandang gabi noisemate kamusta maghapon nyo.. Bago kami umuwi pinakain na kami ni nanay ng hapunan.. Bumili nalang kami ng maling at ayan solve na ang hapunan.. Bilis ng oras tapos na naman muli ang maghapon.. Nawa naging happy din ang buong araw nyo..🤗
Pritong galunggong.. Late lunch na pero ok lang dahil masarap ang ulam.. Masarap na kainan lalo salo salo ang buong pamilyang maingay..ehhe Ingay namin kapag sama sama..😅
Gandang gabi noisemate.. Kararating lang namin gaking grocery namili ng konting paninda pagkaraan nanlibre si hipag sa tapsilogan.. Ito inorder ko pares ang sarap at sulit.. Linis muna saglit at kailangan ko na magpatulog ng mga bata maaga pa bukas para mag church.. Good night sa mga matutulog na diyan..😉
Naisip ko lang baka magustuhan ng anak ko kainin ang saging kapag ginawang shake kaso eh mali pala ako din pala ang uubos..ehhe Nilagyan ko ng fresh milk at isang saging para sakin eh masarap naman.. sa anak ko eh napipikit pa.. ewan parang humihigop ng suka ang itsura..😅
Kain na tayo noisemate..🤗 Kakagising lang ng mga amo ko este mga anak pala.. Pinag prito ko ng itlog hotdog at talong 2in1 na almusal nila at tanghalian..hehe Happy lunch time..🤗
Blessed morning noisemate.. Ang hirap mag bigay ng good vibes kung may bigat na dinadala.. dumating na kahapon ang sweldo ni partner at thanful naman ako may pambayad na kami sa mga judith.. kaso eh walang sobra para sana sa mga gusto ko bilin para sa mga bata at pamilya ko this Christmas.. Pero ganon pa man pasalamat ako at may pambayad sa mga basic namin bayarin.. Mahirap maghanap ng wala noh? kaya sana dapat makontento nalang ako at magpasalamat.. mas madami mabigat na problema ang dinadanas ng ibang tao kesa sakin kaya feeling blessed pa rin ako.. and still counting sa mga blessing na meron ako ngayon.. Hindi lahat ng gusto natin eh makukuha talaga.. may mga tamang oras at panahon para sa mga ito.. Maidaan nalang sa kain mabubusog pa ako..😅
Gandang gabi noisemate.. Natahimik din ang paligid pwede na makapag hayahay.. Ito pala ulam namin kanina ginataang laing.. Libre ng pinsan ko pinakain kami sa labas.. Sa kabusugan eh inaantok nako.. Good night noisemate sa mga matutulog na..🤗
Miryenda time tayo noisemate.. May uwi si partner buko shake nakisipsip nalang ako kay bunso..😅 Makapag laba muna kahit mauan.. biglang ulan dito samin..
Gandang hapon noisemate.. Mainit at maingay na hapon dito sa amin may ginagawa sa kalsada natamaan pa tubo ng tubig namin kaya wala din tulo.. Sana maayos agad hirap ng walang tubig..
Tortang talong.. Ngayon palang kakain nabusy ang ferson..ehhe Kanina may naglako dito apat na piraso 25 pesos per tali bale 4 na piraso.. bukas ko na iluto toge..😅 Kain tayo noisemate..🤗
Blessed morning noisemate.. Maingay na umaga dito samin dahil binubutas ang kalsada para gawan ng kanal.. ramdam sa loob ng bahay ang nginig ng lupa.. Nawa mabilis matapos.. May ulam na.. gigisahin ko lang yan para mamayang tanghalian.. Happy Friday noisemate..🤗
Bida ang saya.. Iyan ang food ni ate kanina sa party di kinain dahil may ulam na dala teacher niya na ambagan din nila.. Kaya di nako magluluto ngayon si bunso may tira din.. Saing time muna..🤗
Gandang hapon noisemate.. Ito nakuha ng anak kong panganay sa exchange gift nila agad ko nilagyan ng battery ang ganda.. mas lalo siguro mamayang gabi.. mas okey sana kung rechargeable para tipid battery..😅
Mainit na hapon noisemate.. Nag general cleaning ako kasama mga dingding.. kung meron hindi nauubos sa bahay namin eh alikabok na un sinamantala ko na kanina habang wala mga bata.. ang ending nalate ako ng sundo sakanila.. kapag inatake ng sipag di mapigil kapag dumapo naman si katam ay hirap kumilos..😅
Blessed morning noisemate..🤗 Almusal na tayo ng pritong itlog.. Christmas party ng mga bata ngayon kaya excited sila bumangon.. last day na din ng pasok by January na ang balik.. Nawa maging happy and safe ang buong araw natin mga mate.. GOD bless..
Monggo with powder milk.. Ito na hapunan ko ngayon nagbukod ako kanina ng nilagang monggo saka ko nilagyan ng gatas at konting asukal ngayon.. Kain muna bago maglaba..😅
Wentong Buko Pie.. May pa sorpresa si tito di kasi siya nakapunta ng Sunday.. isa sa mga hilig ko ang mga pie.. Mapa buko pie.. egg pie.. mango pie.. lahat yata ng pie masarap..ehhe Kain noisemate..🤗
Kainan na tayo noisemate.. Monggo at fried tokwa.. Simpleng gisa gisa lang may masarap ng ulam.. Happy lunch time noisemate..🤗
Walang pang friday pero iaadvance ko na ang monggo day.. namiss ko to.. dati 25 pesos na monggo medyo malaki ang repak ngayon ang liit na.. Cooking time muna mga mate..😅
Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng buchi.. ang buchi-buchi nakalakihan ko.. ito ay may palamang monggo sa loob.. Speaking of monggo namimiss ko na mag ulam non.. Happy Wednesday..🤗 GOD bless mga mate..
Kain tayo noisemate delatang meatlop ang ulam.. Tipid tipid muna at madami gastos.. Thank God nakaraos muli ang maghapon.. Happy dinner time..🤗
Miryenda time.. Uwi ni partner bibingka.. Tara ka noise kain tayo.. konting oras nalang sunduan na ng mga bata..😊
Dahil ako lang mag isa kakain naglaga lang ako ng talbos ng kamote plus may masarap akong baggong sa ref.. solve na ang lunch.. Happy lunch time noisemate..🤗
Isa sa exciting part ng Christmas party ang exchange gift.. lalo na kung makita mong natuwa talaga ang iyong kapalitan.. Done nako sa pagbabalot ng regalo.. panganay ko nagbalot ng malaki ako sa maliit.. sayang at hindi talaga ko expert sa pagbabalot nakakadagdag ganda pa naman sa panglabas na itsura.. dagdag points kumbaga..😅
Blessed morning noisemate..🤗 Ready na ang baon ng mga bata exam pa nila ngayon at tuloy practice para sa presentation sa Christmas party.. Maghahatid muna ko sa school mamaya uli.. GOD bless mga mate..
Kakatapos lang ng malakas ng ulan dito biglang buhos buti nalang at walang kasamang malakas na hangin kundi mababasa ako sa labahan sa likod.. Kakatapos ko lang din maglaba bukas sampay nalang sa labas.. Itong mga kasama ko mukang wala pang mga balak magsitulog.. Good night noisemate bukas uli akoy magpapatulog na ng mga batang online..🤗
Pepino at lemon.. Nitong mga nakaraang araw tamad ako mag iinom ng tubig hindi kasi ganon kainit ang panahon bihira makaramdam ng uhaw.. kaya nag resulta ng constipation.. naisip ko para maparami inom ko ng tubig malagyan ng lasa.. pero sa mahal ng pepino at lemon dito mukang minsan ko lang magagawang bumili.. pipilitin ko nalang uminom ng tubig..😅