Monggo.. May padala si nanay na monggo tanda na friday ngayon..hehe Si tita ko noon nagluluto ng lutong ulam tuwing friday present talaga ang monggo sa menu niya kaya nakalakihan ko na kapag friday eh monggo day.. Pero nong isang araw kakamonggo lang namin lunes yata un basta monggo kahit anong araw da best! Happy lunch time noisemate..🤗
44 comments
Uy paborito ko yang monggo sissy nakakabusog yan kahit yan nga pinapapak ko
Same sis.. masarap din lagyan ng gatas at asukal..
Favourite na ulam.
Oo mate mura at masarap..
Masustansya pa.
Wow my favorite😍😍
Kain sissy.. monggo din ang hindi ko mahindian na ulam..hehe
Sarap kc nian sis
Sarap Nyan!
Sarap sis.. happy lunch time..🤗
Happy eating po,,sarap ng monggo lalo na pagmaykasamang chicharon
Oo sis nagpabili ko sa kabilang tindahan kaso unang kagat maanta😔
Ayyy yun lang..
Ahaha friday na nga talaga
Palatandaan natin..😅
Nalimutan ko Friday nga pala kaya monggo day ulit.
Oo sis ang bilis kasi ng arw😆
Naalaa ko yung tradition nng mga Lola at lolo ko kapag Friday daw ,,munggo day na daw. Pero ang sarap ya. At haluan ng ampalaya tapos Chicharon baboy Or Dilis
Oo sis sa mga nakakatanda talaga nagmula ganong nakasanayan.. ito sis talbos ng kamote at tapa ang sahog..
Wow tapa ang sarap yan, at talbos ng Kamote.. paki hagis mga ung iba dito .. chaar 😆
Nako ang saya siguro kung pede tayo magpalitan ng ulam..😅
Hehe naalal ko dati nung probinsiyang Probinsya pa itong lugar namin, laging nagbibigayan ng ulam pero ngayon wala na eh, wala na din pakealamanan hehe. Kaka miss dati
Ay oo relate ako diyan sis tipong pati asukal at asin pede ka manghingi tapos kapag may ulam silang sobra kahit wlang okasyon nagbibigay.. Siguro sis nabago na rin ang tao dala ng kahirapan..
Siguro dahil sa mura pa ang bilihin nun, ang naabutan ko kasing Bigas ay 10 hanggng 12 pesos ang isang Kilo. Pero now ang taas na
Ganon sis kamura? Kung maibabalik lang sana noon..
Ow nga noh ,nakakapag taka bakit tumataas ang mga bilihin diba... Kung tutusin halos pareho lang naman ang buhay dati, .. dumadami lang ang mga tao, .. kung iisipin mo diba bakit kailangan pa tumaas
Marami dahilan yan sis.. pasalamat pa rin tayo kahit mahirap nakakaraos pa rin araw araw sa awa ng ating Diyos..
Ang ibig kong sabihin tao lang din may gawa diba... Talagang nangyayari na ang prediction ng Biblia, maraming yumayamn at maraming patuloy na naghihirap
Tama ka sis lahat ng nakasulat sa bible nangyayari na..
Buti may nakita akong post na munggo at makapag munggo nga din bukas. Masarap sa alugbati or talbos ng kamote.
Ito sis talbos ng kamote sahog masarap kapag marami..😊
Mapait sis dahon talbos pala to ng ampalaya😅
Okay din yan sis talbos ng ampalaya at kering-keri ko yan lalo pa if may chicharon. But now kz iwas sa animal-based, mushrooms na lang at pwd din gawing chicharon.
Mas healthy nga daw yan sis.. favorite ng mga anak ko mushroom chitcharon kaso sa byan pa kami nakakabili non kaya bihira lang makakakain..
Oo sis basta plant-based okay. Try mo mag tusok ng dried na sanga ng kahoy as pole sa plants at kung magdilig ka or if umuulan, possible may tutubo na tenga ng daga or yung split gills mushrooms.
Salamat sis sabihin ko nga po yan kila nanay.. dito kasi samin kasi ay apartment lang walang extra lupa o puno man lang na sarali..
ayyy friday nga pala syempre di mawawala.ang friday monggo eat well po
Salamat sis.. happy lunch time din diyan..🤗
yan din ulam namin kanina
Bait naman
Bat kaya friday is monggo day sis hahaha
Friday fever talaga si monggo
Friday is mongo day! Luv it..
its monggo day its friday