read.cash Log in
@Encarnation3456

@Encarnation3456 in November 2022

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Makulimlim ang unang araw ng buwan.. Diyan sa inyo noisemate kamusta.. Noong Sabado nagpabili ako sa kapatid ko ng tinapay sa bakery kakagatin ko palang amoy amag na.. papasoli ko sana kaya lang di na nabalikan ng bunso namin.. kaya ngayon napabili ko ng gardenia para di madaling amagin.. Gagawa ko mga bata ng tinapay na may margarine at iinitin sa kawali.. Sa mga aalis at pupunta sa panchon ingat at GOD bless us..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Kainan na bumili lang kami ng lutong ulam ngayon lechon manok.. Pupunta sana kami kila nanay kaya lang ang sama ng pakiramdam ko biglang nangati lalamunan kagabi at nagbarado ilong ko.. feeling ko nga lalagnatin ako ngayon dahil ang ginaw.. pagka kain iinuman ko na ng gamot.. Bawal magkasakit ang ferson walang ibang mag aasikaso dito sa bahay at tindahan..πŸ˜… Ingat mga mate..

@Encarnation3456

Miryenda time.. Dumaan sila nanay dito samin bago pumunta ng sementeryo may dalang pasalubong sa dalawang bata.. Custard cake yata ang tawag diyan.. Ako eh tamang kape muna para pag pawisan.. Kayo noisemate ano miryenda natin diyan..πŸ€—

@Encarnation3456

Gatas na may champorado.. Sa ginaw ng pakiramdam ko nag luto ako ng champorado.. nagkape nako pero parang di naman ako pinagpawisan.. Parang ang hina na ng talab ng biogesic..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Happy Wednesday isang araw nalang at may pasok na bukas.. Almusal muna tayo.. di masiyadong nakatulog dahil sa sala ko nahiga baka kasi mahawa ko pa dalawang bata kung same room kami.. Ingat mga mate.. GOD bless..πŸ€—

@Encarnation3456

Wentong lugaw..πŸ˜… Nagluto si partner ng lugaw.. Minsan lang yan magluto kaya kahit makalat siya sa kusina natutuwa ako.. lugaw para daw pagpawisan ako.. ginising na rin niya dalawang bata para makakain habang mainit.. no choice sila kapag papa nila nagluto gusto o hindi gusto ubligado nilang kainin..ehehe Tagal naubos ni bunso sakanya.. marami kasing bawang at luya.. Thanks God mas okey na pakiramdam ko..😊

@Encarnation3456

Bagong sideline ni nanay.. Dahil mahilig kami sa lumpiang shanghai naisipan ni nanay magtinda na rin.. bumili ko halagang 100pesos 20pcs na.. balak ko itinda rin 5pesos ang isa hindi ko na tutubuan tulong nalang kay nanay.. meron din akong tinda na jumbo hotdog per piraso bili.. sa mga wala pang ulam diyan..ehehe Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Mirienda time.. Habang nanood ng abot kamay ang pangarap sabayan ng miryenda.. nagluto si nanay ng pancjt sakto may tinapay pa dito.. Mga inaantok diyan kain muna noisemate..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kainan na.. corned beef with patatas.. Kung may iistock man akong gulay patatas na un.. Bagay ipang sahog sa delata at itlog.. Mga comfort food dito.. Kapag ganitong walang tirang ulam ng tanghali bahala ulam na sa gabi kung ano nalang availble sa stock.. Kain na tayo noisemate kailangan makapahinga ng maaga may pasok na kami bukas..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Back to normal again.. naihatid ko na si ate sa school.. Bago umuwi nadaan kami sa alphamart naalala ko wala na sila gatas.. eh wala akong dalang pera buti si tatay ang service ko may dala kaya nanghiram muna ko sakanya.. Binili ko na din si bunso ng tinapay na cheese bread.. Ang ganda na nga panahon feeling ko makakatuyo ako ngayon ng nilaban ko kagabi.. kayo noisemate naglaba din ba.. samantalahin natin ang araw hanggat umaaraw..πŸ˜„

@Encarnation3456

Kakatapos lang malinis ng kusina naipunan nako ng mga bote ng mantika.. mamaya bibigay ko kay tatay may bumibili sa kanya nagtitinda din ng mantika de takal.. kayo noisemate binebenta nyo rin ba mga bote nyo pinagamitan.. Sayang nga ufc catsup hindi na nabibili un ang madami dito para kasing sinasabaw ng mga bata pag gumagamit..πŸ˜… Oh siya ready muna ko ng tanghalian ni bunso..

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate.. Naihatid ko na si bunso sa school mag-isa nako sa bahay kaya upo upo muna habang nagliligpit ng tuyo ng sinampay.. Ito ulam namin kanina inihaw na pritong liempo.. Inihaw yan kagabi pinirito ko ngayon..hehe Alanganin kasi ang uwi ni partner kagabi dala niya yan.. eh nakakain na kami ng hapunan.. Mas sumarap para sakin ganyan luto ihaw muna saka prito kapag may tira.. nagkakaroon ng extra flavor..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gawa tayo ng mirienda noisemate.. Dahil hindi nagagslaw ang tinapay namin dito gagawa ako ng palaman na gusto ng mga bata.. iyon ay ang egg sandwich.. Kanina puno yang tubig ng sinalang ko ewan at nakalimot na naman akong may nakasalang.. nang makita ko halos matuyuan na.. Mamaya ko na itutuloy yan.. magready muna ko pag sundo sa school..πŸ˜…

@Encarnation3456

Habang naghihintay lumabas mga bata kanina may nakaparadang scramble ice sa labas ng gate.. Sakto may dala ko pera napabili ko isa halagang 10 pesos.. Pero kakapicture ko ng pang content lumabas na si ate at bunso kaya ng makita ni ate kinuha na sakin patikim daw hanggang naubos na niya.. Nabitin ako sa scramble..πŸ˜…

@Encarnation3456

Simple yummy.. Scramble ice kanina ngayon scrambled egg naman..hehe Tagal namin nag iisip mag iina ng uulam mula sa de lata canton hanggang naging itlog.. sabi kasi hindi na sila kakain dahil busog daw sila sa egg sandwich.. tapos biglang nagpasaing din.. Ang dami namin kamatis sa ref sakto may sawsawan.. masarap din sana ginisang kamatis na may itlog.. eh nagmamadali nako bukas nalang siguro.. Kain na tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Isang magandang sikat ng araw ang salubong ng Friday.. nasa isip ko ngayon eh sabado na dahil wala kami pasok.. Ayan si bunso nag reready na ng almusal niya.. tirang egg sandwich kahapon at gatas na nilagyan pa niya ng milo.. Ako kape muna.. Happy Friday noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Monggo.. May padala si nanay na monggo tanda na friday ngayon..hehe Si tita ko noon nagluluto ng lutong ulam tuwing friday present talaga ang monggo sa menu niya kaya nakalakihan ko na kapag friday eh monggo day.. Pero nong isang araw kakamonggo lang namin lunes yata un basta monggo kahit anong araw da best! Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate.. Makulimlim na hapon.. Dahil walang pasok pagagawain ko si ate brey ng graham balls ng mabitawan naman ang cellphone..hehe saka para may mamiryenda na rin.. Habang pinipicturan ko nga ito napansin ko expiration date hanggang nov. 6 nalang pala.. Last month ko pa nabili hindi lang nagagawa.. Imbis isa balot lang sana ang gagawin namin mauubliga na gawing dalawa para di abutan ng expired.. Makapagdagdag nalang ng gatas..πŸ₯²

@Encarnation3456

Done na ang graham balls.. Palalamigin muna ng konti para mas masarap.. Kala ko mauubos dalawang balot na marsmallow di pala.. ang konti lang ng kinalabasan.. Iba iba kasi ang laki ng size na ginawa ni ate brey may malaki may maliit.. hindi na rin niya natapos napagod na yata..hehe ako nalang nagtuloy.. Parang mini donnut..πŸ˜…

@Encarnation3456

Delivery Received! Gandang gabi noisemate.. Dumating na kanina inorder kong baunan ng tubig ng mga bata.. tig isa sila para walang issue..hehe May nauuso ngayon ung halos 1k ang isa eh ang mahal non hindi keri ng budget.. kaya ito nalang medyo mas mababa.. Tingin ko makakatipid ako dito kesa sa bottled water na binili ko sakanila.. Ito rerefillan ko nalang ng laman.. Sana maging matibay at sulit.. Nong pasukan pa nagpapabili nito magkapatid thanks God naibili rin ngayon..…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Nag almusal naba ang lahat? Kain muna tayo ng ginisang kamatis na may itlog.. Nag abot ang binili ni partner na kamatis.. marami pako stock eh bumili siya uli.. kaya ayan bago masira luma ginisa ko na.. Sabado na..ang bilis noh ilang tulog nalang eh December na.. medyo nag iiba na rin ang panahon maaga na dumilim eka nga mas mahaba ang gabi pero bitin pa rin sa tulog..πŸ˜…

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate..πŸ€— Sinigang na baboy sa sampalok ang niluto ni nanay.. Mas malasa talaga kapag totoong pampaasim ang gamit.. Sure unang mauubos ang sabaw dahil sabaw palang eh ulam na.. Kain muna tayo mga mate..

@Encarnation3456

Kakatapos ko lang laban ang bag ng panganay ko.. matagal ng nakatambak sa laundry basket namin dumumi na.. pinagsawaan na niya pero kagabi eh naalala at gusto daw niya uli gamitin.. Sa dami pocket nito hindi ko nakita na may nakaipit pang 100 pesos nabasa tuloy.. saka nawawala niyang isang pares ng hikaw nakita ko din.. Tunay ngang kapag hindi hinahanap lumilitaw..πŸ˜…

@Encarnation3456

Wentong Ube halaya.. My favorite palaman.. Malungkot ako kaya inorder ko ito..hehe charr! Masarap din sana ipartner sa suman na malagkit tapos sabayan pa ng mainit na kape.. Dati ko pa gusto umorder nito pero nito lang nagkaroon sa app.. Feeling ko noche buena na dahil tuwing Christmas o bagong taon lang kami nakakapag halaya..ehhe Miryenda tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Pancit for hapunan.. May uwi si partner na pancit halagang 120 ang dami na hindi rin tipid sa sahog at bagong luto pa made to order kasi binilan niya.. sabi ko hindi nako mag sasaing agree naman sila mabubusog na kami dito.. Kain na tayo noisemate.. Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Happy Sunday! Musta gising nakatulog ba ng maayos.. Maaga pa lang gising na panganay ko at gumagayak na para sa Sunday service.. Nagsaing at nagprito ko ng shanghai pang almusal.. Kain na tayo para may energy.. GOD bless mga mate..πŸ€—

@Encarnation3456

Dumaan si aling nag yayakult bumili nako para kay bunso at pangtinda na rin.. 45 pesos buti hindi pa nagtataas ng presyo.. Mag gagayak lang kami ng tanghalian mabilis ang oras konting time nalang eh lunch time na.. Lutuan time..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Ang init ngayon tirik na tirik ang araw.. Kahit mainit sarap pa rin kumain.. kamayan kami ngayon dahil isda ang ulam.. pritong galunggong with kamatis sibuyas ang sawsawan.. Happy lunch time..πŸ€—

@Encarnation3456

Dahil Sunday family day nandito kapatid kong galante.. may pa pizza.. Sarap sana ng softdrinks ipartner kaso may mga acidic samin baka matukso.. kaya tamang malamig na tubig nalang ang partner..hehe Kain noisemate..nag aaya silang SM papalamig lang daw ang init kasi dito ngayon ewan lang kung matuloy..

@Encarnation3456

Done window shopping..πŸ˜… Natuloy nga ang mga ferson mag SM.. Sarap din magpalipas ng oras sa loob ng mall lalo na may mga kasamang pamangkin na makukulit..ehehe Ang bilis din ng oras kapag nasa loob kaya lumabas kami eh madalim na.. Happy ang Sunday nasulit... sana naenjoy nyo rin mate ang buong araw..πŸ€—

@Encarnation3456

Sa ilang taon di nakasakay ng elevator si bunso eh namiss niya talaga ayan at tuwang tuwa..hehe Medyo nahilo daw siya at medyo napakapit at napasandal din.. kala mo 10th floor ang inakyatan namin sa parking lot lang naman ng SM..πŸ˜… Mababaw na kagaligayahan but full of joy😁

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Kamusta.. Wala kami pasok ngayon online lang.. Ang lamig ngayon ng panahon kahit walang ulan.. Nagprito ko ng embutido pang almusal.. Oh siya ligpit ligpit muna ko.. GOD bless noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Batang malikot is in the house..πŸ˜… Iniwan ni nanay pamangkin ko dito samin dahil magpapa gupit daw siya.. Ayan at gustong gusto niya sa mga unan.. Buti walang pasok dalawa kong anak may titingin sakanya.. Saing muna tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. Ito ulam ngayon wala nako stock na maluluto sa ref kaya kumuha nalang sa tindahan.. Kain na tayo..πŸ€—

@Encarnation3456

Miryenda time.. Miryenda tayo noisemate.. May uwi si partner burger pero ako parang busog pa.. Kayo mga mate nag miryenda na? Nuod tv muna habang nagliligpit ng sinampay..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Pritong tilapya para ngayong hapunan.. Maaga na makakain at may labahin pang naghihintay.. gusto ko rin sana maaga makahiga bukas may pasok na.. Happy dinner time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Sa paghatid ko kay ate brey sa school may nadaanan kami naglalako ng walis tambo 70 pesos medyo mainipis lang pero keri na rin yan dahil matagal ng nanghihingi ng kapalit ang luma kong tambo.. Happy mama mas sisipagin magwalis..πŸ˜…

@Encarnation3456

Request ng bata pancit canton.. Pag bigyan paminsan minsan.. May kinuha din siya cupcake at yakult.. Habang nag aalmusal si bunso magsasaing na muna ang mama at magluluto na rin ng tanghalian.. Kayo noisemate ano ganap diyan..πŸ€—

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. May bigay si nanay dalawang pirasong tilapya.. Dahil kakatilapya lang namin kahapon naisipan ko sahugan naman ng kamatis na may itlog.. Kaya lang tuyot ang kinalabasan gusto ko sana maging sarciadong tilapya eh..hehe pero failed.. masarap pa rin naman..πŸ˜…

@Encarnation3456

Miryenda na tayo noisemate.. Hindi na tumodo ang init ng araw pero hindi naman umulan kaya feeling fresh ang weather nakakaantok.. May pandesal at ube halaya dito.. Makamiryenda muna bago sumundo mamaya sa school..😊

@Encarnation3456

Review!! ⭐⭐⭐⭐⭐ Mga sissy noisemate confirm! 8am pumasok sa school ang panganay ko at umuwi ngayong 5pm may yelo pa baunan niya ng tubig.. Sulit ang Tyeso.. May reklamo lang si ate bawasan ko daw ang yelo nextime dahil masiyado daw malamig..πŸ˜…

@Encarnation3456

Okoy ka ba diyan..πŸ˜… Kain noisemate.. Hapunan namin ay okoy.. bumili lang ako ng luto na.. may kasama ng sawsawang masarap.. may halo pang pipino ang suka kaya tanggal umay at nakakagana ang lutong ng kalabasa.. Ang iba pinapapak lang ang okoy.. samin ay ulam na itoh..πŸ˜‹

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Happy Wednwsday!! Famous pandesal sa umaga.. Mainit init pa.. sarap din isawsaw sa kape.. Kayo noisemate ano almusal natin diyan..πŸ€—

@Encarnation3456

Kapag sinangag ang lamig na kanin sure ubos.. Dami namin kanin kagabi tira.. kapag simpleng ibabaw sa sinaing hindi pansin kailangan isangag para walang sayang.. hinalo ko na din ang itlog para mas malasa.. Manggigising nako ng makakain na sila..😊

@Encarnation3456

Miswa with meatballs.. Dahil medyo malamig ang panahon masarap ang ulam na may sabaw.. miswa ang niluto ni nanay perfect partner talaga at paborito ng mga anak ko.. Kayo na rin kayo mga mate wag pagutom.. Happy lunch time..πŸ€—

@Encarnation3456

Buko fresh juice.. Inom tayo noisemate ng buko juice.. Wala pampartner eh siguro biscuit nalang.. Masarap ung malamig na malamig.. Kayo noisemate ano miryenda natin diyan..

@Encarnation3456

Hindi ko malaman ipapaulam sa mga bata ngayon wala kami tirang ulam kaninang tanghali.. Ito nakita ko stock sa freezer si idol cheesedog.. Buti may saging pa kahit paano may sustansiya kakainin.. Kain tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Naihatid ko na panganay ko sa school.. bago umuwi dumaan nako sa maglulugaw at bakery.. Medyo matagal na rin ng huli ko binili si bunso ng lugaw at tempura.. Nahawa na rin si bunso ng ubo sipon sa ate niya.. ewan lang kung papasok pa siya mamaya.. may p.e pa naman sila at excited siya.. Asikaso muna ko ng ligpitin.. GOD bless noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Taho...tahooo.. Di napigilan ang takam ko sa taho napabili ko ng isang baso halagang 15 pesos.. Para sakin gaya ng yakult ang taho laging nakakabitin..πŸ˜…

@Encarnation3456

Dahil masakit ang lalamunan ni bunso at walang panglasa sa pagkain nag sigang uli kami sa sampalok.. Sabaw nitong mainit makakatulong para pagpawisan siya.. nagpaalam na din ako sa teacher na di makakapasok.. Sayang talaga ang araw kapag nagkakasakit.. Kaya doble ingat mga mate mahirap magkasakit..

@Encarnation3456

Miryenda time monay at kape.. Bago sumundo magmiryenda muna tayo.. Nakatuyo din ng sinampay tiklupan time na rin.. Ang isang kamay nagkakape ang isa naman nagtutupi..πŸ˜…

@Encarnation3456

May mamarites ako sa inyo noisemate.. Kanina pag sundo ko school may matandang lumapit sakin nanghihingi ng tulong pambili daw ng payong ng apo niya.. inabutan ko ng pera nagpasalamat siya at umalis na.. Pag lingon ko ng bintana ng tricycle nakita ko kausap niya ang isang food delivery man na nakamotor.. nakita kong binigyan niya ng payong ang matanda at narinig ko din sobra pasasalamat niya sa mabait na driver.. Nakakahanga lalaki.. naisip ko lang baka pabaon sakanya ng…

@Encarnation3456

Gandang gabi.. Kain na tayo noisemate.. Adobong manok na may patatas kaya lang napapak ko na kanina patatas.. Happy dinner time sa inyo..πŸ€—

@Encarnation3456

Maulang gabi noisemate.. Ngayon lang uli umulan dito makalipas ang ilang araw.. gusto ko na matulog pero isip ko parang di pa lowbat.. Ang lakas namin sa tissue kapag isa samin may sipon.. sabi ko kay bunso singa nalang sa bimpo.. Thank God din bumaba na lagnat niya.. wag nawa umulit pa.. Goodnight noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. First time ko maglagay ng malunggay sa itlog ito pa tinago ko sa freezer na dahon hindi nagtubig hindi nag yelo ni hindi nagbago ng kulay.. Ayaw pa kunwari ni bunso ng una pero naubos din niya.. Happy Friday..πŸ€—

@Encarnation3456

Puto kutsinta..πŸ€— Nadaan si manong nagtitinda ng puto.. sa tagal ko ng hindi nakabili namiss ko kumain nito.. Halagang bente lang surebol ang busog.. Naalala ko siomai rice ni manong nagtrending sa valenzuela gusto ko sana un matikman..hehe puro pagkain nagiging libangan pero gusto pumayat..πŸ˜…

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. Ang tanghalian namin ay padala ni nanay ang ulam na shanghai si tita naman ang nagluto ng sinangag.. nabalitaan kasi ni titang nagkasakit si bunso kaya ayan ginawan niya ng sinangag alam niyang paborito ng mga bata sinangag niya.. Nakatipid ng lunch..πŸ˜…

@Encarnation3456

Dalandan.. Bumili ko ng dalandan para pakain sana sa mga bata kaso di nila makain dahil maasim.. Gagawin ko nalang fresh juice pampalakas ng resistensiya..πŸ€—

@Encarnation3456

Mirienda time noisemate.. My favorite turon ang uwi ni partner.. Gustong gusto ko sa binibilan niya kasi luto loob malutong at di tinipid sa tamis.. Kaso medyo malayo binibilan niya.. Kain tayo noisemateπŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Waiting maluto ang sinaing.. Ang ulam eh ready na.. Moms fried chicken.. ang pinaka gusto diyan ng mga bata eh ung balat.. naiiwan ang laman.. Perfect ang sawsawang suka..πŸ˜„ Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Umaga palang halatang may party na sa aming kapitbahay dahil may kumkanta na sa videoke tila nanggigising na sila ng mga tulog pa.. Makapag almusal muna.. Itlog na pula at kamatis.. Kain muna noisemate bago magsimula ng mga gawain.. Happy Saturday..πŸ€—

@Encarnation3456

Tipong hindi ko naiintindihan ung salita nila pero nakuha nila atensiyon ko sa tiktok hanggang sunod sunod ko ng napanood kada episode sa efbi..ehhe May translation pero mahina ako sa english tamang sense of feeling nalang ang ginagamit ko..πŸ˜… Ayan ang nagagawa ng kakanood ng tiktok saan-saan napupunta..πŸ˜… Kosem..

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. Makulimlim na tanghalian.. Kakatila lang ng ulan dito.. may bagyo kaya.. Kain na tayo.. kaldaretang manok luto ni nanay.. Hirap mag pigil sa kanin kapag ganito ulam.. Bukas nalang uli ang diet..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate.. Ang panahon parang nagsasabi matulog ka.. Makulimlim at malamig.. May uwi kapatid ko ng itlog pugo.. Ang sarap ng sawsawan.. Miryenda muna tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Kapag konti ang delate daanin sa sahog..πŸ˜… 150grams lang ang corned beef ko buti malaki pa tira kong patatas sa ref.. Niready ko lang para mamaya igigisa nalang.. Saingan time na..πŸ€—

@Encarnation3456

Ready na ang hapunan kainan nah!! Aga ko nag gayak pero ngayon lang nakaluto.. Dami kasi gawain.. pero bago ituloy ang mga ligpitin kain muna.. pagkatapos may labahin pa night duty.. Iniisip ko palang gusto ko na mahiga..hehe Happy dnner time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Akala ko tuwing walang kuryente ko lang magagamit ang rechargeable fan.. ang tagal ko nagtiis na pawisan tuwing naglalaba hindi ko naaalala gamitin ang isang taon na nakatago fan sa aparador.. Masusulit na sakin toh ngayon tuwing laba day..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Done na kami mamalengke ni nanay.. Magluluto mamaya ng miswa with patola naman nabitin noong isang araw eh.. Nawa maging masaya at safe ang buong araw natin noisemate.. GOD bless..πŸ€—

@Encarnation3456

Nakakatuwa nabuhay ang tanim ni nanay na talbos ng kamote.. kaso namatay naman ang mga sili dahil sa nagdaang bagyo.. Kung may extra lupa lang sana mas maluwang pa maganda sana marami tanim.. laking tipid din kasi lalo na sa mga mahal ng bilihin ngayon..

@Encarnation3456

Misua na may patola.. Busog much! Yan ang inulam namin ngayon tanghali napa extra rice sa sarap ng tutong at sabaw..hehe Halatang nanimot ng kanin.. Kayo mate kain na din.. Happy lunch time..πŸ€—

@Encarnation3456

May nakita ko puto sa lamesa putong gawa yata sa bigas.. Walang kumakain kaya miniryenda ko na.. Uwi pala ni tito may lugaw din kasama pero ito lang eh busog na.. Kayo noisemate ano miryenda..πŸ€—

@Encarnation3456

Ngayon lang uli nakatikim nito mais na may cheese at margarine.. Ang sarap habang mainit.. May bagong bukas na eco park malapit samin pumasyal muna bago umuwi..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo.. may pauwi si nanay kanina na tortang giniling ako nalang ang nagprito para mainit makain ngayon.. Nawa na enjoy nyo rin mga mate ang maghapon.. Ako eh enjoy basta nakakasama ang buong pamilya sobra happy na at feeling blessed.. Thank GOD for this wonderful day..πŸ€—

@Encarnation3456

Gatas na may konting champorado.. Blessed morning noisemate.. Champorado uli ang niluto ko almusal ng mga bata.. All time favorite nila.. Busy mode na naman ang bawat isa dahil monday.. GOD bless noisemateπŸ€—

@Encarnation3456

Gandang tanghali noisemate.. Naiiba ang ulam namin ngayon dahil kapatid ko ang may dala.. dito daw siya magtatanghalian.. Magbubukas nalang ako ng de lata pang dagdag ulam.. chicken skin at chichow na may kasamang masarap na sawsawan.. Happy lunch time..πŸ€—

@Encarnation3456

Mirienda time.. Nagluto ako ng siomai nabili ko lang na gawa na ako nalang ang nag steamed.. Nakakaantok na hapon ang lakas ng hangin sa labas kaya kinuha ko na rin ang mga sinampay bago pa liparin.. Kain tayo muna habang nagtitiklop ng damit..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kararating lang at busog na busog.. Galing sa unli rice na sizzlingan.. nanlibre tito ko tumama yata sa pader..ehhe Sarap ng libre.. mura lang sa kinainan namin pero sulit na.. unli gravy unli rice unli soup.. Happy dinner time din sa inyo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Breakfast time.. gayakan na! ayaw ng panganay ko kumain ng agahan kaya ayan nalang ang pinilit ko ipakain kesa pumasok ng walang laman ang tiyan.. Nawa maging safe and happy ang buong araw natin naoisemate.. GOD bless..πŸ€—

@Encarnation3456

Makulimlim na umaga.. Kamusta noisemate?.. Galing ako ngayon divimart pagkahatid kay ate diretso na diyan para isang labasan nalang.. Nakita ko mga gatas at condensed parang ang sarap ng mag stock para sa December kaso low budget pa.. 1k lang dala kong pera ayon at kapos na naman may naiwan pako sa basket..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate..πŸ€— Ngayon palang kakain ng tanghalian pinauna ko na si bunso kumain kanina dahil papasok.. sinangag na may tirang adobo at hotdog.. Kain uli tayo mga mate..πŸ€—

@Encarnation3456

Popcorn..πŸ€— Miryenda time.. Nasa one month na stock ko ng pop corn ngayon ko lang naalala iluto sinipag ang ferson..hehe pangmiryenda ng mga bata mamaya pag dating.. Di ko akalain aapaw ilang taon na kasi ang tagal ng huli ako nagluto nito.. pinatay ko na nga kahit may pumuputok pa..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Nakapagluto na din kayo for hapunan.. Nagprito ko ngabok para sa dalawang bata.. Ung matitira nila akin di kasi sila magaling magsimot kaya ako gagawa non..ehehe Toyo kalamansi nalang sawsawan nakakalimutan lang kalamansi sa ref.. puro catsup.. Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate..πŸ€— Napuyat ako sa movie kagabi.. "Ngayon Kaya" 12am ko na natapos.. Nakakabitin ang story.. hindi talaga lahat may happy ending.. at hinding hindi na natin maibabalik ang nakaraan.. Kung maari sulitin na ang bawat oras sabahin na dapat sabihin gawin na gustong gawin bago pa mahuli ang lahat.. Para wala tayong maiiwan na tanong.. "what if?" Online lang mga bata ngayon kaya ok lang medyo tanghaliin ang fersonπŸ˜…

@Encarnation3456

May dala si partner na toge ano naman kaya gagawin ko luto.. wala naman lumpia wrapped para gawing turon sana.. Gisa nalang siguro..πŸ€”

@Encarnation3456

Teriyako ko naging mala sinigang sa sabaw..πŸ˜… First time ko magluto ng teriyaki chicken kaso failed pero lasa masarap naman.. Namali nako kaya tinuloy tuloy ko na.. imbis ihiwalay at igisa ng bukod ung toge hinalo ko na sa sabaw na dapat sauce lang.. Ung manok tira lang sa ref buti may mga tira tira pa kami.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gawa muna ng miryenda para sa mga bata at isip bata..hehe ako lang un..πŸ˜… Hotcake with cookies.. Papalaman ko yan sa loob.. Napanood ko lang kahapon sa efbi.. masubukan ng malaman kung totoong masarap..πŸ˜…

@Encarnation3456

Miryenda time.. Done na noisemate ang hotcake with cookies.. Hinati ko lang sa gitna para makita palaman sa loob.. Panalo kay bunso masarap daw.. kay ate eh hindi niya bet naka dalawa lang.. iba-iba talaga ang panlasa at gusto ng bawat isa.. Masarap habang mainit..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. First time namin nagbaon ngayong school year.. Dagdag isipin kung ano bbaunin pagkain sa school.. Lagi daw kasi siksikan sa canteen at may tulakan pa nagaganap kaya sabi ni ate magbabaon nalang daw siya.. Kayo noisemate kamusta.. Aga kumulimlim dito at umaambon.. Di makapag labas ng sinamapay..πŸ˜…

@Encarnation3456

Umulan o umaraw tuloy pa rin ang hanapbuhay.. Gaya nitong ice cream mainit o malamig hinahanap.. Dumating din sa wakas ang deliver ang tagal half month bago kami nag abot.. Time na para mag ayos at mag-saing..πŸ€—

@Encarnation3456

Ginataang papaya.. Luto ni tita.. kapag diya nagluluto feeling ko nasa bikol ako.. Kain na tayo noisemate.. Konting oras nalang at hahatid ko na si bunso sa school.. Happy lunch time..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kain tayo ng itlog na pula with kamatis.. Thanks God nakaraos na naman ang maghapon natin.. Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Halaya & suman.. Blessed morning noisemate.. Kamusta.. Makulimlim na Friday dito.. Almusal tayo ng halaya at ube.. Sakto dumaan si suki nagtitinda ng kakanin.. Kape nalang kulang lapit na kumulo..πŸ˜… Happy Friday..πŸ€— GOD bless..

@Encarnation3456

Cooking time.. Bagong idea sakin na napanood ko sa efbi..hehe Wag basta iprito ang meatlop.. Lagyan ng itlog at bread crumbs.. Masubukan kung legit yummy..πŸ˜…

@Encarnation3456

Crispy meatlop.. Tamang tama may padala din si nanay na monggo kapartner nito.. Kain na tayo noisemate.. Happy lunch time sa inyo..πŸ€—

@Encarnation3456

Bibingka at salabat.. Gandang hapon noisemate.. Maulan na hapon.. May dumating na miryenda uwi ni partner.. Sakanya ang salabat sakin ang bibingka..hehe Charrr lang kapag konti hati hati pa rin..πŸ˜… Miryenda tayo mga mate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Happy dinner time.. Tirang meatlop pa rin ang ulam dinagdagan ko lng ng itlog pang dagdag ulam ng dalawang bata.. Kain na tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng puto.. Dalawa na kinuha ko para kila nanay ang isang balot.. Labada day ang marami ngayon. Ako eh labada night dahil nakababad pa sakin mamayang gabi ang kusutan..hehe Happy Sabado everyone..πŸ€—

@Encarnation3456

Tinola.... Maulan na tanghalian.. Hindi naman lumalakas ang ulan ambon ambon lang dito.. Nagluto si nanay ng tinola na may malunggay.. Sarap ng sabaw habang mainit.. Kain na tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Ung nakasalang na sinaing mo tapos biglang naubusan ng gasul..πŸ˜… Sira ang rice cooker walang paglilipatan wala din kami de uling.. paktay.. wala din sa budget this month ang pagpapakarga ng bago.. But no choice.. tumawag ako sa malapit saming tindahan ng gasul ang presyo eh 950.. pikit mata sa mahal.. Oh siya tuloy na ang pagluluto..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo.. Ginisang kamatis na may itlog.. Bukas eh sunday na.. family day.. Sana maaga ko mayapos maglaba ng makapahinga ng maaga..πŸ˜… Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate..πŸ€— Kamusta.. dito kasing ganda ng sikat ng araw ang morning Sunday.. Marami nagdadaan at abala sa kanya kanyang ganap sa buhay.. nandito nako kila nanay.. Nawa maging happy at safe ang buong arae natin.. GOD bless..πŸ€—

@Encarnation3456

Yahey parang bago na uli ang aming kalan.. Akala ko kailangan ko na paghandaan ang pagbili ng bago.. Kinalawang at may naputol ng parte.. Nakakatakot nakatabingi kasirola kapag nagluluto dahil hindi pantay.. Buti may nabibilan lang ng ganyan di ko alam ang tawag.. sulit ang 99 pesos.. happy mama..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kamusta maghapon nyo.. Nawalan ako ng connection maghapon naubusan ng load kila nanay.. Kanina pala pumunta kami ng kapatid ko sa bilihan ng pasalubong.. inutusan siya bumili ng amo niya may pupuntang ibang bansa gagawin pasalubong.. Mukang ang sasarap medyo mga mahal nga lang pero sa lasa daw sulit.. Soon babalik ako diyan kapag may extra pirah..πŸ˜…

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. May uwi si partner kagabi na milon nabili niya sa San Jose City fresh daw yan at bagong ani.. ang mura lang din 35 ang kilo.. balak ko gawin melon jelly salad pag nahinog na.. Maulan ngayon dito kaninang madaling araw pa pero hindi naman kalakasan.. Kaso sinampay mukang di ako makakapag labas ngayon para ibilad..πŸ˜…

@Encarnation3456

Ginulay na mais.. Makulimlim na tanghalian noisemate.. Ang sarap ng bigay ni nanay na ulam ginulay na mais na may hipon na sahog at malunggay.. Masarap na kainan din sa inyo mga mate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Noodles na may itlog for dinner.. Ito ulam namin ngayon.. Sarap habang mainit.. Kain tayo mga mate.. Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate kamusta.. Kakatapos lang ng mga gawain para ngayong umaga.. Almusal muna tayo ng pandesal at kape.. Tamang sawsaw lang..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang hapon..πŸ€— Mag milon tayo noisemate.. Ready na ang milon na may gatas.. Tinimpla ko na isang maliit dito at ang tamis.. Nakakalamig ng mainit na ulo..πŸ˜‚

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Grabe gabi na nagkaroon ng tubig dito samin kala ko nga di nako makakapaglaba ngayon ang dami ko pa naman nakababad.. Natamaan daw tubo ng tubig sa kanto na konektado dito samin.. Hirap mawalan ng tubig.. Thank God nagkaroon na din.. malapit nako sa exciting part nasa paglululog na me..πŸ˜…

@Encarnation3456

First time makagawa ng perfect for me..πŸ˜… Noong una ko gawa dati failed di masiyadong umalsa at may katigasan.. pero gustong gusto un ng panganay ko kaya inulit ko ngayon.. Pag bukas ko ng takip sobrang happy ko talaga kasi parang tunay na puto nagawa ko..hehe Maliit ang molder ko kaya medyo matrabaho lang but worth it naman.. Happy Tuesday noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Bagoong palang ulam na..πŸ˜… Ang aga ng Christmas gift sakin ni hipag nabanggit ko kasi sakanya namimiss ko na bagoong ng tito ko kaso busy at di nakakagawa.. Ayan at binigyan nalang niya ko inorder daw niya yan sa tiktok.. Sarap iulam o sawsawan.. balak ko sana isahog sa binagoongan kaso mauubos agad..😁 Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gusto ko sana magluto ng tuna pasta kaso naubusan ako ng sibuyas.. Nangkapain ko lalagyan meron pa palang isa..hehe Kung dati nabubulukan ako nito ngayon hindi na makapag stock ng marami sa mahal..πŸ˜… Ready na tayo noisemate ng hapunan..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kain tayo.. Tuna carbonara ang niluto ko.. Natakam ako sa napanood ko kanina sa efbi.. Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Mainit na pandesal ngayong umaga ang aming almusal.. pinipilahan yan dito samin buti ngayon dahil medyo tanghali na wala ng pila.. Nagtataka nga ako ang dami bakery dito bakit siya ang pinipilahan.. pero isa lang naisip ko.. Siya lang ang may malaking size ng pandesal na di nagbago ng presyo..πŸ€”

@Encarnation3456

Wentong talong.. Ihaw time na para sa tortang talong mamaya ulam ni bunso.. Tatlong piraso lang ang pinabili ko kay tatay may sira pa lahat ang nabili.. Dahil malabo na mata ni tatay di niya napansin may sira binigay sakanya ng tindera.. Tinabas ko nalang.. ung isa buo diyan may butas din yan..πŸ˜…

@Encarnation3456

Tortang talong.. Hiniwa ko nalang ng maliliit pagka ihaw ng talong para di na pilian ni bunso ng itlog sa ibabaw.. Tinutuklap lang niya kasi ang itlog at iniiwan ang gulay.. kapag ganyan ang klase ng luto nakakain niya ng buo.. Para paraan.. Happy lunch time noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Sobrang init sa labas.. Kararating lang galing paghatid kay bunso sa school.. Dumiretso nako ng watson para lang bumili ng dental floss.. Simula ng nagpa cleaning ang panganay ko ng ngipin sinipag na rin mag floss araw araw.. Natutuwa naman ako at natututo na siya unti unti alagaan ang sarili.. Siyempre ang binili ko lang pinakamura brand tig 85 pesos pero 50m na.. Gandang hapon noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Miryenda time.. Kain tayo noisemate ng mainit na ube turon.. May naglako dito samin sumisigaw ng ube turon.. ang una ko naisip kaya ako bumili ay saging na may ube.. bumili ko dalawa dahil paborito ko talaga ube halaya.. pag kagat ko malagkit na turon pala..ehehe 15 pesos isa..Masarap naman pagkagawa.. Pero mas bet ko talaga turon saging na may kasamang ube halaya..πŸ˜…

@Encarnation3456

Bida ang saya.. Gandang gabi noisemate.. Dumating sa bahay si Jabee uwi ni partner.. tuwang tuwa naman ang dalawang bata.. Mga hindi na kailangan tawagin para kumain kapag ito ulam.. Kain tayo noisemate.. Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Hotcake.. Blessed morning noisemate.. Makulimlim na morning na may kasamang ambon.. Diyan sa inyo mga mate kamusta.. Ganon pa man ang panahon tuloy pa rin ang babad ng mga damit.. para mamayang gabi uli ang kusutan.. Nagluto ako ng hotcake tulog pa nga mga kakain.. Happy Friday..πŸ€—

@Encarnation3456

Sa wakas dumating na inorder kong baunan ni ate.. Mag babaon nalang siya ng lunch dahil sa canteen nila sa school eh madalas siya nauubusan ng ulam na gusto niya na may siksikan pa at tulakan na nagaganap.. sana kako may teacher naag assist o canteeners para maging maayos.. Dagdag trabaho man sakin ang mag isip ng pababaon sa kanya ay ayos lang basta masure kong busog at nakakain siya ng maayos.. salamat shoppee!!😁

@Encarnation3456

Sa mga tapos na maglunch diyan kain tayo uli sa mga di pa kumakain kain na tayo noisemate.. Ginataang langka ang aming tanghalian.. Ung sili bigay ng kapitbahay kaya binigyan ko rin sila bilang pa thank you na rin.. Palitan ng blessing para happy lang..πŸ€—

@Encarnation3456

O pasok si Analyn sa top 5..πŸ˜… Tagal ko ng wala sinubaybayan sa tv ngayon lang uli na excite sa teleserye.. Kapag may time nappanood ko sa tv kapag busy sa youtube sa gabi..😁 Miryenda time na ano miryenda natin diyan..

@Encarnation3456

Kwek kwek.. Nalabas lang para bumili ng mamimiryenda.. Request ng mga bata itlog pugo.. Miryenda time muna noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo at akoy maglalaba pa..hehe May tira pang konting langka kanina kaya bumili nalang ako pangdagdag ulam.. Okoy na kalabasa.. crispy at ang sarap ng suka.. Perfect talaga para sakin ang cucumber ihalo sa sukang sawsawan.. Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Thanks God natapos din maglaba.. Good night noisemate.. See you again bukas.. Salamat sa maghapon nakasama kayo kahit online lang.. Time to rest.. maging safe nawa ang buong magdamag natin.. God bless..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Aga pumunta ni nanay para magluto ng tinola.. Tamang tama may ulam na mamayang tanghali.. Habang si tatay namimili ng paninda para sa tindahan namin.. Feeling blessed na nandiyan pa sila at patuloy na nag aalaga samin kahit may kanya kanya na kami pamilya.. Happy Sabado..πŸ€—

@Encarnation3456

Luto na ang tinola.. Nahuli ang sinaing ko.. Iniinin nalang at kakain na tayo..hehe Ang ganda ng panahon ngayon ang sarap magsampay.. Mabilisang sampay lang at ang sakit sa balat ng sikat ng araw.. Happy lunch time mamaya noisemateπŸ€—

@Encarnation3456

BUKO fresh.. Tirik ang araw sa labas samantalang sa loob naman ng bahay eh sakto lang.. ni hindi ako pinagpapawisan nakakapagtaka lalagnatin yata ako..ehhe nagkaroon ako ng sipon ang sakit din sa lalamunan.. Pero ganon pa man masarap pa rin uminom ng malamig na buko fresh.. πŸ˜…

@Encarnation3456

Taran easy miryenda..πŸ€— Namiss ko ang mais with cheese kaya naman gumawa ako.. wala naman kasi mabibilan malapit dito nagtitinda ng ganyan.. May stock akong mais para sana sa maja eh Nextime nalang ang maja eto muna mas madaling gawin..πŸ˜… Kain noisemate..

@Encarnation3456

Iniisip ko kung ano iuulam tapos biglang may tumawag ng "tao po".. Bagong lipat na kapitbahay ko pala at may dalang isang malaking mangkok na sopas.. Sinalin ko na nga agad sa maliit na kaldero namin at hindi ko na hinugasan pag soli.. para na rin akong nagluto sa dami nito.. Nalibre ang hapunan namin.. thanks God sa blessing na hindi inaasahan..😊

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Papunta kami kila nanay ng matraffic sa tabi ng bakery.. gusto ko sana bumili kaso nagmamadali na kami.. Isang Happy Sunday sa inyo mga mate nawa maging happy and safe ang buong araw natin..πŸ€—

@Encarnation3456

Mainit na Sunday.. Nagpasama sakin kanina kapatid ko kunin ang baterya ng sasakyan na pinacharge niya.. nadrain pala nong nakaraan.. Buti medyo mababa lang ang pakarga 150 pesos.. Ang problem kapag di na gumana need na bumili ng bagong baterya.. Nagluluto na si nanay konting time nalang at lunch time na.. saing time muna..πŸ€—

@Encarnation3456

Happy lunch time noisemate.. Kain na tayo pork broccoli ang niluto ni nanay.. Parang ngayon lang si nanay nagluto nito wala naman okasyon pero kumpleto kami magkakapatid kaya siguro nagluto ng naiiba samin..😊

@Encarnation3456

May dala si tito ng pichi-pichi.. Tira daw sa handaan sakanila kahapon buti nakapag tabi pa.. Niref naman kaya hindi nasira.. Miryenda tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Kainitan pero tuloy ang parada ng mga mag babasketball dito saming barangay.. Di ako mahilig sa basketball kapag ganitong may parada sila mga muse lang pinapanood ko..πŸ˜…

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Maaga makakain dahil simpleng lutong prito lang ang niluto ko.. madaliang luto para maaga din makapahinga.. Tongkatsu at pritong itlog ang ulam.. Thank God nakaraos ang maghapon na safe at happy.. Isang happy sulit Sunday..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Happy Monday..πŸ€— Lapit na magkatapusan December na.. Nalalapit na ang mga Christmas party ng mga bata at nalalapit na din ang mga sunod sunod na gastusin ready na ba kayo.. ako eh hindi pa..hehe Bahala na maidadaos din yan God will provide.. Almusal muna tayo spaghetti binili luto na at puto..πŸ˜‰

@Encarnation3456

Online class today.. Namimiss daw ng panganay ko ang palpak kong Maja.. bakit kako mga palpak ko pa gawa ang namimiss mo? Nachachallenge tuloy ako maiperfect..hehe palpak kasi laging nagkakamali ako sa texture nagiging sobrang lambot.. apakalata o napaka dry.. pero ganon pa man walang nasasayang siya taga kain.. Ngayon sa dami ko napanood na tutorial confident nako kaya ko na.. pinagpray ko rin para sure..😁

@Encarnation3456

Kain muna tayo noisemate.. Sino kumakain ng bopis diyan?.. Nakita ko kahapon sa efbi nagpost ang suking friend ko sa bopis kaya naman nagpa reserved ako ng isang tub na maliit.. luto lang niya ang natikman kong walang lansa at ang timpla panalo may konting sipa din ng anghang kaya naman mas nakakagana at higit sa lahat sure akong malinis ang pagka gawa.. 120 free delivery na..πŸ€—

@Encarnation3456

Wentong Maja.. Happy nako sa texture ng nagawa ko ayos na sana at perfect na kaso medyo nasobrahan lang ako sa tamis konting daplis lang naman..hehe Isang gawa pa mapeperfect ko na siguro.. Try and try lang hanggang maging tama ang timpla.. Palamigin ko muna sa ref at maya-maya pede na tayo magmiryenda..πŸ€—

@Encarnation3456

Madilim na ang 5:30.. Papalapit na talaga ang December.. Ung tipong di kapa sana magsasaing eh mapapasaing ka na dahil gabi na..ehhe Habang waiting sa sinaing makapag milo muna natatakam ako sa Milo tuwing nagtitimpla si bunso eh.. kaya pag bigyan ko naman ang hilig ko ngayon.. Nilagyan ko ng yelo para masarap.. feeling ko bumabalik ako sa pagka bata pag nakakatikim nito..πŸ˜…

@Encarnation3456

Hotdog at itlog.. Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo sa mga di pa kumakain diyan.. Easy cook muna dahil akoy maglalaba pa..ehhe Happy dinner time..πŸ€—

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Ready na ang pambaon ni ate nagluto ako ng corned beef at pritong itlog.. Pangmiryenda nalang ang kailangan niya sa canteen.. Happy Tuesaday..πŸ€—

@Encarnation3456

Miryenda muna ang ferson kakatapos lang ng umagang ligpitin.. tira pa nga ito maja kahapon.. Makapag init ng tubig maternuhan ng kape..ehehe Kain tayo noisemate..πŸ€—

@Encarnation3456

Mainit na hapon noisemate.. Naihatid ko na si bunso sa school.. Makakain muna binabaw ko nalang tirang bopis kahapon.. Medyo hayahay ngayong hapon dahil mag isa nalang dito sa bahay.. Kain tayo mga mate..πŸ€—

@Encarnation3456

Scramble ice muna tayo.. Pampalamig.. sakto pag tanggal ko ng tabing ng tindahan saktong daan ni kuya nagtitinda.. 15pesos para walang bitin.. solo flight wala pa mga bata..πŸ˜…

@Encarnation3456

Maluluto na sinaing kakain na tayo..πŸ˜… Gandang gabi noisemate.. Wala kami ulam ngayon kaya bumili nalang ako kay nanay ng tinda niyang shanghai ako nalang ang nagpirito.. Catsup lang ang katapat nito at mainit na kanin ay may masarap ng hapunan.. Thank God sa maghapong biyaya..πŸ€— Happy kainan din sa inyo mga mate..

@Encarnation3456

Blessed morning noisemate.. Tinanghali nako ng luto kakatapos lang kasi mag asikaso ng gawaing bahay.. Kain na tayo mga mate ang paborito ko diyan eh tuyo.. Happy Holiday..πŸ€—

@Encarnation3456

Gandang hapon noisemate.. Hinapon na kami ng tanghalian mga nabusog kasi sa almusal kanina umaga.. Bistek ang luto ni nanay.. gaya ng request ng mga bata walang taba.. Kain uli tayo..πŸ€—

@Encarnation3456

Maja again.. This time pangreregalo ko kay tita dahil birthday niya ngayon.. Nag adjust nako sa tamis ung mga kakain nalang ang huhusga kung naperfect ko na.. Di nako nagtira para samin dahil sawa pa kami dito kakaluto ko lang nong isang araw.. Mamaya baka duon na kami maghapunan makikikain..πŸ˜… Dahil pang regalo nilagyan ko ng latik na toppings..

@Encarnation3456

Gandang gabi noisemate.. Maaga nakatapos kumain dahil nakikain lang kami sa birthdayan ni tita.. ito nagustuhan ko doon kaldaretang baboy ang sarap ng pagkaluto ni pinsan.. Happy dinner time..πŸ€—