Magandang Tanawin Isang lamay kahapon ang pinuntahan namin mag asawa . Ang tatay ng kaibigan namin namatay ,inatake siya ng hiblood sa edad ng 81years old.kahit lahat ginawa nila wala parin magagawa dahil nga matanda na siya hindi na niya kaya . Hindi nman kalayuan sa amin pero madaanan mo ang mga palaisdaan at napalibutan ng mga punong kahoy at maraming puno ng niyog. Ngayon palang ako dito nakapunta sa bahay ng tatay ng kaibigan ko namangha ako doon ang daming tanim sa paligid. Isang patag na lugar pero masasabi ko parang bundok kompleto sa prutas ang paligid ng bahay nila halos kompleto. Likas na mayaman sila sa prutas,at gulay.may mga tanim din gulay sila. Tahimik na lugar ,ang kabahayan doon medyo malayo pa sa isat isa.Maganda doon kung gusto mo mapag isa at mag muni muni. Nakapreskong lugar hindi na kailangan gumamit pa ng electric fan ,malakas na ang hangin ,libre pa walang gasto sa kuryente. Niyog lang ang kinuhanan ko dahil marami tao doon nahiya nman ako magkuha ng larawan. Kuha ko lang to pàg uwi na namin. #coconut tree @Emeline
No comments yet