read.cash Log in
@Emeline more from that month

Busy afternoon.. Pumunta ako ng bayan para kumuha ng pinagawa ng anak kong damit para sa basketball nila. Pwede siya lang pero gusto niya samahan ko parin dahil may hinihingi siya sa akin. May nakita pala siyang sapatos sa ukay ukay , sympre alam na natin mga Nanay yan kung ano ibig sabihin kung bakit nagpasama sa atin. Ay naku!!Akala ko mura dahil nga ukay ukay pero ang presyo mahal parin,3600,4200 at pinakamura 1600 naku sakit parin sa bulsa. Matibay naman klase at original sabi ng anak ko kaya daw mahal. Dahil nga gustong gusto niya at gagamitin na niya sa susunod na araw napasubo talaga ako. Pero doon parin ako sa mura sympe hirap kumita ng pera sa panahon ngayon.kung hindi lang sira ang sapatos niya ayaw ko bibilhin ang gusto niya. Ito habang naghihintay ako sa kanya post ko muna ang napakalinaw ng ulap at napakaganda ng panahon dito sa amin bayan.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.