"LOCAL MUNA' TRADE FAIR'22 Umuwi na ang besita galing sa Boracay ,Nauna lang si mister sa kanila kaya tinawagan nila ang asawa kung saan makabili ng pasalubong. Pinuntahan namin sila at dinala sa city mall dahil mayroon tradefair doon.May ibat ibang produkto na gawa ng taga Aklan. Marami silang nabili lalo na yon accessories nila . Mga magaganda ang mga bag nila gawa sa abaka. Pero ang nagustuhan halos doon ang earings nila para sa pagbalik ulit nila sa Boracay may pangrampa sila.kahit ako may plano din bumili pero nagustuhan nila yon na nagustuhan ko na purple na wallet.sympre dito lang naman ako kahit anong oras pwede makabili kaya binigay ko na ang pagkakataon sa kanila. Umuwi sila na masaya dahil maraming pagkain at magaganda ang pasalubong binili nila ,lalo na para sa sarili nila. Buti nalang naabutan pa nila dahil hanggang katapusan lang sila. Kakauwi lang namin kaya sarap ihigop ng mainit na kape para makuha ang antok ko. Kayo nakameryenda na ba???
No comments yet