Laging handa Lahat handa na para bukas, ganito ang fulltime mommy sa bahay laging handa....ginawa ko na lahat para bukas buo na siya sayang nman kung may naghahanap ng ice at malamig na softdrink wala ako ibibgay.kahit kunti ang kita pero laking tulong naman ito sa amin lalo na ngayon may pinapaaral kami sa kolehiyo iba talaga . Para bukas maaga ako gumising at mag walking sandali kung walang ulan .pagkatapos magluto ng almusal nila habang nagbantay ng munting tingdahan ni Aling @Emeline. Lahat ginagawa ko para makatulong sa asawa ko kahit sa loob lang ako ng bahay para makatulong din sa kunting bayarin ng mga anak ko. Kunting tiis sa ngayon habang nag aaral pa sila,laking pasasalamata naman kung makatapos din sila.parang nagraduate narin ako siguro.hahahaha sana nga ganyan Ang buhay nanay ay laging handa basta para sa kinabukasan ng pamilya lahat gagawin.kaya kung minsan hindi maiwasan trabaho sa gabi at trabaho sa araw .sana bukas makarami ako ng benta para sa lunes ayos na ang pambayad sa module ng anak ko #Goodnight everyone #God bless #originalcontent 📸@Emeline
No comments yet