Bangus (milkfish) Nakaready na siya Nilagyan ko ng isang buong sibuyas at kamatis. Inihaw na bangus ang gawin ko dito. Ibalot ko siya sa dahon ng saging para mabango at Hindi siya magmukhang negra pagnaluto na siya mamaya. Isa sa paborito na ulam namin lahat . Kahit anong klase luto sa bangus pwede Sinabawan sa dahon ng kamote yan ang paborito namin mag asawa basta sariwa pa siya. Sarap din isain o prito ,o kaya lagay sa tinolang pakbet. Nagrequest ang Unica ijana ko ihaw na bangus ang gusto nila ulam sa almusal,kaya pinagbigyan. Isa rin to sa paborito ng mga taong maysakit ...lol Ang bangus ay mayaman sa Omega 3 at mabuti din sa puso. Nakatulong sa pagdevelop ng utak at memorya. Kumokontrol ng cholesterol level ng katawan. Umpisahan ko na to balotin ng dahon ng saging para ito na isususnod ko sa linuto kung kanin,para makaalmusal na din kami. #grilledmilkfish 📸 Emeline
2 comments
Sarap talaga ang bangus..lalo yong galing Bonuan Bangus..
tama yan sissy masarap.ang bangus lalo inihaw tapos sawsawan niya tuyomansi solve na