Happy new month Kakauwi lang namin galing sa bahay ng ka officemate ng asawa ko. Pag off duty nila kanila 5pm diretso agad sila sa bahay ng boss niya at ito kaharap nila si red horse. Bilang pasasalamat nila sa sarili nila nakatanggap ng award kahapon,kaya masaya silang nagcelebrate ngayon.nag inuman silang dalawa ng boss niya.daming pagkain hinanda ang boss niya.may alimango at pasayan. Dahil doon ako nagpapizza rin siya sa akin at ice cream pati mga bata pinadalhan niya sa amin. Mapagbigay talaga siya pagdating sa asawa ko hindi madamot kahit mga bata may pasalubong sa kanya lalo na pàg may travel sila. Unang araw ng buwan ,nalasing silang dalawa ,sana huwag naman buong buwan. Hagod lang daw sa pagod at katuwaan lang daw nila .happy lang sila sa natanggap nilang award. Sa ngayon maaga natulog siya pagod at nakainum pa kaya walang malay na kung baga "haplak" na . Ako naman nakaupo dito sa balkonahe ,nagpapahangin habang umiinom ako na mainit init na tea,medyo malakas ang ulan dito at nag alburuto din ang langit buti nalang walng kidlat. Pag ubos nito pasok na rin ako at matulog. #masaya sa natanggap #hagod sa pagod #ilovenoisecash 📸 Emeline
No comments yet