Biking at Tagalan,Aklan Kanina 5:30am umalis na kami sa bahay para makapag bike ,Isang oras kami bago dumating sa tangalan. Mga kaibigan ng anak ko tuwing umaga nagpapadyak sila kung saan saan nakaabot na lugar sila. Niyaya nila ang anak kung tawagin si Poy poy para pumunta sa tangalan mag bisikleta lng sila. Sympre gusto ko rin matuto o masanay at alam ko pagkatapos sa tabi ng dagat sila patungo. Hindi nman ako nagpapigil at gusto ko sumama sa kanila ,kaya go rin ang asawa ko para samahan ako Dahil alam nmin hindi nmin kaya magpadyak ng malayo dahil nag umpisa plang kami magbiseklita. Nagmotor kaming dalawa at doon nlang namin sila hinintay sa medyo mataas na lugar sa tangalan. At doon rin ako nagpasawa ng praktis dahil walang sasakyan at sementado ang daan. Mga isang oras at kalahati rin ang praktis ko hiningal nman ako ng husto.at ang asawa ko huminto rin agad ,Ang sa kanya nman para lang pawisan siya. Diretso agad kami doon sa tabi ng dagat nagpahahangin , umiinom ng tubig at kumain ng biscuits na baon nmin . Ilang minuto nakapahinga na kami umuwi kami ng asawa ko .nauna kami umuwi sa kanila dahil nagutom na ang asawa ko at kailangan pa niya umiinom ng gamot para sa hypertension at sa sugar niya. Ang anak ko at kaibigan niya na iwan doon sympre mga bata at energetic pa sila hindi mo makitaan ng pagod sila. Masarap sa pakiramdam na pawisan ka at natuto na rin ako mag bike.kahit napagod ako pero minsan sabi ko worth it nman. Sana sa sususnod na picture makita niyo na ako marunong na magbike tulad nila kahit mataas na lugar kaya nila akyatin. Sana hindi ako susuko dito para matuto na ako. #trip#sunday #biking with friends #tagalan,Aklan 📸 Emeline
1 comment
Mabuti ka pa mukhang madali ka talagang matuto. Ang misis ko matagal kong tinuruan di Naruto haha . Matatakutin Kasi hehe. Good job ka-noise. Magandang ehersisyo iyan.